6. Journey

15.4K 942 177
                                    

[Raze]

Tila bumagal ang oras nang magtama ang mga mata namin. I felt my heart skipped a beat.

Nang akmang hahakbang na 'ko papunta sa kaniya ay natauhan na lang ako nang nauna sa akin si Zairah. Kasabay nito ay ang paghawak ni Lei sa braso ko.

"R-Raze. . . focus," nag-aalalang sambit niya sa akin.

Mabilis akong bumalik sa katinuan at napailing sa ulo ko. I bit my lower lip as I look at Xena once again. Tsk. . . hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.

"K-Kumusta?" masiglang bungad ni Zairah sa babaeng papalapit.

Nabigla si Xena sa inakto ng kasama ko at mabilis naming nakuha ang atensyon niya.

"A-Ah. Mga manlalakbay kami ng mga kasama ko. Ilang araw na kasi kaming naliligaw rito. Maari ba naming malaman kung anong petsa na ngayon?" Zairah acted casually.

We waited for Xena's answer. Napalunok nang malalim si Lei habang nag-aantay kami ng sagot. Para bang nanlambot ang puso ko nang kumurba ang labi ni Xena sa isang ngiti.

"Ah, ngayon ay ika-walo ng Hulyo, taong 1896."

Mabilis akong napaisip sa sinabi niya. All of us paused for a moment to solve.

1896. . .

It's. . . 124 years!

124 taon kaming bumalik sa nakaraan. Pero para kay Xena ay wala pang isang taon sa pinanggalingan niya.

Ang 144 na taon sa amin ay isang taon lamang sa kwebang kinalakihan ni Xena.

"O-Oh tha- Salamat!" sagot ni Zairah.

"Ah, nga pala. May alam ka bang pinakamalapit na bayan dito?" muling tanong niya.

Nanatili akong nakatingin sa babaeng kausap ng kasama ko.

"Ah! Papunta ako roon ngayon. Kung gusto ninyo ay sabay na tayong pumunta," nakangiting sagot ni Xena.

Isang tango ang sinagot ng kasama ko. Naunang maglakad sa amin si Xena at sinenyasan kami ni Zairah na sumunod.

Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Xena habang nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Tanging pagkagat na lamang sa ibabang labi ang nagawa ko.

She's right here. . . in front of me. Ang babaeng gusto kong makita sa loob nang limang taon.

Yet. . . I can't hold her, hug her, nor tell her how I feel.

Hanggang pagtingin na lamang ako sa kaniya. . .

Bakit kung-

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng humikbi. Kunot noo akong napahawak sa mata ko para malaman kung ako ba 'yong umiiyak. Pero wala namang luhang lumalabas. That's when I realized where it's coming from.

Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking pumigil sa akin na lumapit kay Xena. Pati na rin ang babaeng katabi niya na nagdala sa amin dito.

Lei and Tana are both freaking crying.

Hindi maipinta ang mukha ko nang humarap ako kay Lei at Tana. "What the fuck?"

Ang tatanda na nila pareho pero hanggang ngayon ay tumutulo pa rin ang sipon ni Lei. Sa kabilang banda ay parang tanga si Tana na pigil na pigil sa bunganga niyang gumawa ng tunog.

"S-Sorry Raze. . . a-ayokong pigilan ka pero need eh. . . 'w-wag ka mag-alala, kapag nabalik natin si Xena ay ipakakasal ko kayo kaagad," ani Lei sa akin.

"I-I missed her! Sobra kong na-miss si Xena!" dagdag ni Tana. Malalim na lang akong napabuntong-hininga at hinawakan ang kamay ni Raina. "Don't mind them. Hindi ba tinuro ko sa inyo, walang sense kung magaling kayo sa mahika kung wala kayong common sense. Let's go."

Nagtatakang nakatingin sa kanila ang estudyante ko nang sinimulan na namin ang paglalakad.

Hindi maitatangging napakaganda ng tanawin dito. Sumasabay sa hangin ang iba't ibang kulay ng mga palay. Ganito ang mga daanan sa pagitan ng iba't ibang bayan. Pero hindi na kasi ito masyadong napapansin sa kasalukuyan dahil gumagamit na ng mga portals ang mga tao.

Hindi tulad ng panahon na ito na tanging mga nobles lang o parte ng council ang nakagagamit ng mga portals. Ang mga ordinaryong tao at mga witch ay nagagawang maglakad papunta sa iba't ibang bayan.

"Nga pala, ako si Xena. Isa rin akong manlalakbay na katulad ninyo," biglaang sambit ng babaeng kasama namin.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya at naglalakad. Sa kabila ng magagandang tanawin, siya pa rin ang pinakamaganda para sa akin.

"A-Ah. Ako si Zair- Si Zai," nakangiting pagpapakilala ni Zairah.

Nabigla ako nang mabilis na tumakbo papalit sa kaniya si Lei at nakipagkamay.

"Lei! Ako si Lei!"

Sumunod din ang babaeng namamaga pa ang mga mata.

"Tri- Taniya," pilit na ngiting pagpapakilala ni Tana.

Kusa na ring lumapit sa kanila si Haritha. "Ritha, kinagagalak kitang makilala, Xena."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Raina nang magtama naman ang mga tingin namin ni Xena. Her eyebrows rose as she waits for me to introduce myself.

I flashed a smile. Damn. . . I want to hug you so bad.

"Razen. Razen ang pangalan ko."

≿☾✺☽≾

Hindi nagtagal ay natanaw na namin ang isang maliit ngunit masiglang bayan. Nasa dulo ito ng isang burol kaya kitang-kita namin ang kabuoan ng bayan.

"Nandito na tayo! Ang bayan ng Palisma," masiglang sambit ni Xena.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa maliit na bayan. Hindi pa kami nakakalapit dito nang pare-parehong naagaw ang mga pansin namin.

"Nandito na sila! Nandito na sila!" malakas na sambit ng isang mamamayan.

Mabilis na nakuha ng sinabi niya ang mga atensyon ng mga tao. They started panicking. Mabilis nilang pinagkukuha ang mga tinda nila, mga sampay, at kahit anong gamit sa labas.

"A-Ano pong meron, teacher?" nag-aalalang sambit ng estudyante ko. Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil maski ako ay naguguluhan din. Walang akong nakikitang mga tao o kung ano na pwedeng tinutukoy nila. Natauhan na lamang kami nang maging alerto at nagsalita si Xena.

"Papunta na sila. . . ang mga Haynes."

Pare-pareho ang mga naging reaksyon namin sa narinig. Namilog ang mga mata namin at sabay-sabay na umawang ang mga bibig.

"H-Haynes?! I thought that they're freaking extinct?!" mahinang giit ni Lei.

Hindi ako nagdalawang isip at agad kong binuhat si Raina at iniligay siya sa balikat ko. "A-Ano pong meron?" nag-aalalang sambit niya.

Napakagat ako sa labi habang inililibot ko ang tingin ko. Doon ko nasimulang marinig ang mga tahulan nila na hindi mo maintindihan kung isa bang aso o pusa.

Haynes looks like Hyenas. Ang ipinagkaiba nga lang ay iba't iba ang kulay nila dulot ng kung ano-anong pinaggagawa nila sa buhay. Hindi sila kumakain ng mga tao. . . bagkus ay nagnanakaw sila ng mga gamit at trip lang nilang manira ng mga nakikita nila

"F-Fuck. . . They're here," bulong ni Zairah na nakatingin sa hindi kalayuan.

Doon namin nakita ang mga mukhang nagsisitawanan na mukha ng mga Haynes. Iba't iba ang mga kulay nila at nagsisimula na silang magsitakbuhan papunta rito.

"Takbo!"

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon