Epilogue

17.3K 1K 1K
                                    

"Madalas bungangera si mama, pero mahal na mahal ko siya! Mahal na mahal ko silang dalawa ni papa!" A kid proudly said.

Nagsipalakpakan ang mga estudyante sa classroom nang matapos ang mga sinabi niya. Tumatango-tango pa ang kanilang guro habang pumapalakpak.

"Very good! Well done!" kumento ng guro sa bata bago kunin ang drawing nito ng mga magulang niya.

"Okay, who's next?" pag-iiba niya. Inilibot niya ang tingin niya sa silid at napako ang tingin niya sa batang susunod.

His eyes locked to a little girl. She has a long wavy gray hair and a fair skin with a little bit of freckles on her face. And on the top of that. . . she has a pair of two beautiful hazel eyes.

Napalunok nang malalim ang batang babae nang mapagtanto niyang siya na ang susunod.

"You're next, Raina," pagtawag sa kaniya ng guro.

Huminga nang malalim si Raina bago dahan-dahang tumayo sa upuan. Nanatiling tahimik ang mga kaklase niya at nasa kaniya ang tingin habang naglalakad siya sa harap sa gitna. Hindi siya makatingin nang deretso sa harapan nang mapunta sa harap ng mga kaklase niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang drawing at hindi ito maipakita sa kanila.

"Go on," pagsimula ng guro.

Kahit na kinakabahan, lakas loob na iniharap ng batang babae ang una niyang drawing a drawing of her dad.

Huminga siya nang malalim bago magsalita.

"T-T-This is my p-papa." Pagpapakilala niya. Nakapako ang tingin ng mga kaklase niya sa kaniya. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

She kept stuttering out of nervousness. Kanina niya pa pinipigilan ang sarili niyang umiyak dahil sa kahihiyang mag-present. Pigil luha niyang kinagat ang ibabang labi at nagkaroon ng sandaling katahimikan sa silid.

"Ano ba 'yan. Ang tagal." Pagpaparinig ng isa sa mga kaklase niya.

"Ayaw niya siguro ipakilala sa atin 'yong mga magulang niya," natatawang bulong ng isa pa.

Nagsimulang magsitawanan ang mga kaklase niya nang may sumingit na isa pang batang lalaki. "Pft. Nagsalita 'yong batang wala man lang alam sa magic," pang-aasar ng batang lalaki.

He has a messy blonde hair and brown eyes. Kapansin-pansin ang mga mamahalin niyang suot at mga kagamitan sa pag-aaral. He's obviously a noble.

"A-Anong sinabi mo, Zairous?!" giit ng batang inasar niya. Nagpakita ng nakakaasar a mukha si Zairious na mas lalong kinaasar ng kaklase niya. Bago pa man sila tuluyang mag-away ay agad silang sinuway ng guro.

Nagsimulang mamasa ang mga mata ni Raina sa naririnig habang sinusuway ng guro niya ang mga kaklase niya. Nang akmang paiyak na siya ay tila may sumagi sa isip niya.

She remembered how her mom and dad helped her in that drawing. Ayaw niyang masayang ang gawa niya dahil lang nahihiya siyang mag-present sa harapan. . . at isa pa, sobra niyang ipinagmamalaki ang mga magulang niya.

Malakas siyang huminga nang malalim na nakakuha ng pansin ng mga kaklase niya bago siya muling magsalita.

"T-This is my father!" Ihinarap niya sa mga kaklase niya ang kaniyang drawing. Muli siyang lumunok nang malalim bago magsalita ulit.

"H-He's short tempered and gets angry all the time. P-Pero he's really nice! L-Lagi siyang nagagalit pero never pa sa akin. . . madalas kay uncle lang. . . or aunt Tana. . . but still! He's really nice!" panimula niya.

"Papa was there when the accident in the blue moon happened, 10 years ago. I-Isa siya sa mga tumulong sa mga mamamayan sa Frencide." Hinabol niya ang kaniyang hininga bago magsalita ulit.

Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now