15. The Cursed town

12.8K 835 66
                                    

[Zairah]

Mas maigi kong nakita ang itsura ng bayan nang lumapit kami rito nang malapitan. Hindi ko magawang makapagsalita habang tinitignan ang kabuoan ng bayan.

Everything was wrecked. Every houses were destroyed and there are no signs of any living things here. Imposibleng may magagawa pang mabuhay sa lugar na ito. Puro uwak ang nagsisiliparan at nag-aabang sa mga punong patay na.

This town. . . is cursed.

"Wala kayong hahawakan na kahit ano," walang ekspresyong sambit ni Xena.

Mariin itong nakakagat sa ibabang labi at inililibot ang tingin sa paligid. Her eyes blazed with anger as she grasps the possible ideas of what happened here.

"G-Grabe. . . sino ang gagawa nito?" Bakas ang awa sa mukha ni Tana at mukhang paiyak na naman. Maski ako ay hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Isang witch lang ang may kayang gumawa nito. . .

"Tsk. Paano nila nagagamit sa ganitong bagay ang mahikang ipinagkaloob lamang sa kanila," iritadong sambit ni Haritha.

Nanatili kaming naglakad sa gitna ng bayan at inililibot ang tingin sa paligid. Hanggang sa may nakarinig kaming isang nabasag. Mabilis kaming natigilan sa paglalakad at nagkatinginan sa isa't isa. There's someone in here.

Who the heck will stay in this town?! For pete's sake, walang mabubuhay rito!

Kasunod ng narinig naming pagkabasag ay ang mga yapak na tumatakbo. Pare-pareho kaming naging alerto at naghanda sa biglaang pagsulpot ng kung sino.

Napalunok ako nang malalim. Hindi kaya. . . nandito pa ang witch na gumawa nito?-

"Tulong! Tulong!"

Namilog ang mga mata ko nang makita ang taong tumatakbo papunta sa amin. Nanlulumo kaming makita ang isang lalaking sobrang dumi at payat. May buhat-buhat itong isang batang lalaki na para bang buto na lang ang kinakapitan ng laman. Wala itong malay at walang tigil sa pag-iyak ang lalaking may buhat-buhat sa kaniya.

"P-Pakiusap! Tulong!"

Huminto siya sa harapan namin. Nang akmang lalapit na rito si Lei ay mabilis ko siyang hinarangan. "Hindi pa natin nasisigurado kung ano ang nangyari sa bayan na ito," walang ekspresyong sambit ko.

Parang natuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong magsalita. Gusto kong isumpa ang sarili ko sa nasabi ko dahil nagawa kong banggitin 'yon sa harap ng dalawang taong halos mag-agaw buhay na.

"But Zairah, a ruler can't just-"

"You're not the ruler in this timeline, Lei."

Natigilan ang lalaking kaharap ko sa sinabi ko. Isiniwalang bahala ko ang pagiging makabayani ko ngayon. Kailangan naming maging praktikal. Hindi namin panahon ito. Hangga't maari ay hindi kami pwedeng makielam sa pagtakbo ng mga bagay.

Muli sanang magsasalita si Lei nang matigilan kami sa ginawa ng isa naming kasama. Napasinghap na lamang ako nang malalim sa ginawa ni Xena.

Kagaya ng inaasahan. . . ano pa ba?

Hindi siya nagdalawang isip na lumapit sa lalaki at sa batang kasama niya. Siya pa ang nagsabi sa amin kanina na huwag kaming hahawak ng kung ano-ano dahil baka madamay kami. Dahil sa ginawa niya ay wala na rin kaming nagawa kung hindi lumapit sa dalawa. Mas lalo kong nakita ang mga kalagayan nila at masasabi kong maswerte pa sila at nagagawa pa rin nilang makagalaw man lang.

"Anong nangyari?" kalmadong tanong ni Xena ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Naiiyak na humarap sa amin ang lalaki. "W-Wala na kaming makain. Sunod-sunod na namamatay ang mga mamamayan sa bayan. Tuluyan ng nasira ang mga palayan at wala na kaming tubig na makuhaan."

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon