43. "Was the greatest witch"

11.3K 677 127
                                    

[Xena]

My body feels so light. . . para akong nakalutang sa tubig pero hindi ako nababasa. Marahang nakapikit ang mga mata ko at pinapakiramdaman ko lang ang paligid.

What happened- oh. . . I almost forgot. . .

Nilamon ako ng kadiliman. . . am I already dead?

If so. . . did I make it?

Naitama ko ba ang pagkakamali ko?

Nagawa ko ba ang tungkulin ko?

I hope so. . . nang sa gano'n ay pwede na 'kong mamahinga nang payapa.

I'm sure the others are also okay. Wala na ang pwedeng magpahamak sa kanila. . . wala na ang grimoire. . . wala na si Gyno. . . wala na ako.

The world is better without us. . . without the spells I've made. . . naitama ko na ang lahat. . . naitama ko na-

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at hindi ko magawang maging masaya ng tuluyan. But I did it. . . I saved everyone. . . I achieved my dream. . .

Masusulat sa kasaysayan ang pangalan ko. Bilang pinakamagaling na witch na tumapak sa mundo. . . ito ang pinangarap ko mula nang bata pa 'ko. . .

So, how come. . . I'm not happy?

Suddenly, I don't want to be known like that. I don't want to be written in history. . . I'm the one who's going to write it. I don't want them to know 'Astria', who WAS the greatest witch of all time.

Ayoko. . . ayoko pa-

"Miss Astria. Miss Astria."

Tila nakaramdam ako ng marahang pagyugyog sa akin. Unti-unting napamulat ang mga mata ko at naningkit ito para makilala ang lalaking nasa harapan ko.

"Miss Astria, wake up," marahan niyang sambit.

Kumunot ang noo ko, inaalala ang mukha ng lalaking kaharap ko. Nakaupo siya sa lapag para makaharap ako nang maayos. "G-Gyno?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Mabilis na kumurba ang labi niya sa isang ngiti nang makitang gising na 'ko. Malalim siyang napabuntong-hininga at inaalalayan akong bumangon.

Hindi ako makapaniwalang pinagmasdan siya. "W-What happened to you?" naguguluhan kong sambit.

His appearance changed! He looks 20 years younger!

Marahang at mahinang natawa ang lalaking kaharap ko bago niya 'ko tinuro. "You should look at yourself, Miss Astria," sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko at napatingin sa mga kamay ko. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang makitang lumiit nito na parang bata. Agad akong napahawak sa mukha ko nang hindi makapaniwala.

"H-Huh?! What happened?!" hindi ko makapaniwalang sambit.

I also became young! Naging isa akong bata!

Natatawang napatayo si Gyno at inililibot ang tingin sa paligid. "I also don't know, Miss Astria. Pero mukhang napunta tayo sa ibang mundo sa ibang dimensyon at nagalaw nito ang mga oras natin." Hula niya.

Kapwa niya ay napatingin din ako sa paligid at doon ko napansin kung nasaan kami. We're inside of a cave that is full of glowing crystals. Nagsisilbing mga ilaw ito sa loob kaya nanatiling maliwanag dito.

So, I'm not dead yet. . . dito kami napunta. Dito kami dinala ng spell na ginawa ko. Wala akong kaide-ideya dahil unang beses ko lamang 'yon ginamit.

"Oh, here." Nabigla ako nang lumapit sa akin si Gyno at may inabot siya sa akin. Natigilan ako nang makita kung ano ito. "Your grimoire, Miss Astria," sambit niya.

Napahawak ako sa librong ibinigay niya sa akin at naguguluhan akong napatingin sa kaniya. "W-What-"

"I just realized what I've done. . . maybe it's too late now, but I want to make it up to you," marahang sambit niya sa akin. Pilit siyang ngumiti habang nakaiwas ng tingin. "W-Well, I don't think it has any use now. Dahil hindi tayo makakagamit ng mahika sa mundong 'to," dagdag niya.

Natauhan ako sa sinabi niya at doon ko lang napansin na nagbago ang pakiramdam ko. I don't sense any magic at all. . . para itong tuluyang nawala sa aming dalawa.

"But still, kailangan nating bumalik. Para makabawi ako sa mga ginawa ko," muling sambit ni Gyno. Muli siyang tumingin sa akin ng may ngiti sa labi.

"So I hope, magtulungan tayo para makabalik, Miss Astria."

Natulala ako sa sinabi niya. Pero matapos ng ilang segundo, natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatango. I plastered a smile as I nod.

"Yeah. . . let's do our best to go back," sambit ko.

Wala akong dahilan para hindi pumayag. Pareho kaming walang mahika ni Gyno, kaya alam kong wala siyang magagawang masama sa akin. Gusto niya lang din naman ang tingin niyang ikabubuti ng mundo. Ngayong nasa ibang dimensyon kami, wala siyang dahilan para kalabanin ako. Kailangan naming magtulungan.

At isa pa, I feel like I'm a new person right now. . . maybe because I turned into a child once again. Gusto kong bigyan ulit siya ng isa pang pagkakataon.

Naglakad-lakad kami ni Gyno sa loob ng kweba ng ilang minuto para maghanap ng labasan.

"Mukhang lumang minahan ito," sambit niya habang tinitignan ang paligid at naglalakad.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang pareho kaming nakaramdam ng paggalaw ng lupa at nakarinig ng malakas na pagsabog. Pareho kaming natigilan at nagkatinginan dalawa sa nangyari.

"A-Ano 'yon?" kinakabahang sambit ko.

Napalunok ako nang malalim at nag-aalala akong tumingin sa kasama ko. Malalim siyang huminga bago naunang maglakad sa akin. Kahit nakaramdam ako ng pagbigat ng pakiramdam ko ay sumunod ako sa paglalakad sa kaniya.

Hindi rin nagtagal ay pareho kaming nakakita ng labasan ni Gyno. Pero imbis na liwanag ang sumalubong sa amin, maitim na ulap kung saan may nagbabagsakang maliliwanag at malalakas na pagsabog.

Nasa itaas kami ng maliit na burol kung saan nakikita namin ang nasa ibaba. Napupuno ng sira-sirang gamit at mga walang buhay na tao ang paligid. Walang tigil ang putukan ng mga bomba at baril.

Napahawak ako sa dibdib ko at parang bumigat ang paghinga ko, pinapanood ang mga taong nagbabawian ng mga buhay. . .

It's a war. . .

"Nakikita mo ba, Miss Astria?"

Natigilan ako sa biglaang pagsalita ni Gyno. Napatingin ako sa kaniya kung saan walang buhay ang mga mata niyang nanonood sa giyera.

"Iyan ang klase ng mga taong gusto mong protektahan. . ."


Cipher Spells: Spells of AstriaOnde histórias criam vida. Descubra agora