31. Go back

9.9K 651 10
                                    

[Tana]

Ramdam ko ang pagtama ng hangin sa buo kong katawan. I'm riding a water board, as if I'm surfing. Mas mapapadali nito ang pagkilos ko at maiiwasan ko pang may madaanan na kung ano.

"káne énan trópo," sambit ko.

Nagsiusugan ang mga puno o kahit ang mga malalaking bato na madaanan ko. Gumawa sila ng deretsong bakanteng daan para sa akin. Huminga ako nang malalim habang patuloy sa pagpapa-andar ng board.

Napapaismid na lamang ako sa sarili ko kapag naalala ko ang nangyari kanina.

I let that person take Raina! Kahit na ipinagkatiwala siya sa akin ni Raze!

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin ang pagkakagat ko sa ibabang labi. Desidido akong nakatingin sa dinadaanan ko.

I will take Raina back from that witch, no matter what!

Patuloy lang ako sa pagkilos nang maramdaman ko ang pag-uga ng lupa. Kasunod nito ang pagkarinig ko ng malalakas na pagsira ng mga puno kasabay ng pagsilipiran ng mga ibon sa langit.

Mabilis akong natigilan at napatingin sa direskyon kung saan narinig ko ang pagkasira ng mga puno. Nanlumo na lamang ako nang mapagtanto ko kung saan nanggaling 'yon.

Doon ang direksyon dumaan si Zairah! Hindi kaya-

Napalunok ako nang malalim at hindi ako nagdalawang isip na umiba ng daan. Mas tinulin ko ang pag-andar ng board at mas lumakas ang paghampas sa akin ng hangin.

Sobrang bigat bigla ng pakiramdam ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Zairah must be fighting that witch. She will definitely win!

Kaya ni Zairah 'yon-

Isa siyang magaling na witch!

Hindi nagtagal ay naaninagan ko na ang pwesto kung saan nangyari ang pag-uga ng lupa. Nagtaka ako nang mapansin na kita rito ang palubog na sikat ng araw.

Nang tuluyan akong nakalapit ay nanlumo na lang ako sa sumalubong sa akin. The field was wiped out.

Wala ng natirang umiilaw na mga puno dahil nagsiputulan na ang mga ito. Puno ng crack ang lupa at sira-sira na rin ang mga halaman at mga bulaklak.

Hindi kaagad ako nakakibo at napako ako sa pwesto ko. What happened here?

Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid para hanapin ang taong pinunta ko rito.

"Z-Zairah?!" malakas na sambit ko habang hinahanap siya sa paligid.

Walang tigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko at hindi pa rin mawala ang kaba kong nararamdaman. Napalunok ako nang malalim nang ni anino niya ay hindi ko makita sa paligid.

"Z-Zairah! Nasaan ka?!" muli kong sambit.

Bwisit! Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko pero parang bibiguin ako ng mga mata ko. Where is she?-

"rok klouví."

Mabilis akong natauhan sa narinig. Wala sa sariling kumilos mag-isa ang katawan ko at agad akong umalis sa pwesto ko.

Saktong pag-alis ko sa pwesto ko ay ang paglamon dito ng lupa at naging matigas itong bato. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa gumawa n'on na nakatayo sa hindi kalayuan sa likod ko kanina.

"I-Ikaw-" Tinapunan ko siya ng mapanghusgang tingin.

Siya nga, ang witch na sumunod sa amin dito at gusto kaming pigilan sa pagbalik kay Xena. Ang witch na hindi namin alam ang katauhan at ang rason kung bakit ginagawa niya ang lahat ng 'to.

Sinuri ko mabuti ang magkabilang gilid niya at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may mapagtanto ako. "N-Nasaan si Raina?!" nag-aalalang tanong ko.

That person took Raina! Bakit hindi niya ito ngayon kasama?!

Imbis na sumagot ay ang malakas na tawa niya ang umalingawngaw sa isipan ko.

"Probably where your friend is. . ."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa magkabilang balikat ko at bumigat ang pakiramdam ko.

"A-Anong ginawa mo kay Z-Zairah?!" Madiin ang pagkakasara ng kamao ko at mariin ang pagkakakagat ko sa mga ngipin ko.

"Y-You- neró arkoúda!" muling sambit ko.

Lumabas ang isang oso na gawa sa tubig at agad na sumugod sa kaharap kong witch. Ni hindi man lang siya umalis sa pwesto niya o maski gumalaw.

"vorvoródis," kaswal niyang sambit.

Ni hindi man lang nakalapit sa kaniya ang oso na ginawa ko nang malusaw ito. Napaismid ako dahil sa inis at masama siyang tinapunan ng tingin.

"Please don't waste your time like your friend did."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi dahil sa sinabi niya. Tsk, saan niya dinala sina Zairah at Raina?!

"Ano bang kailangan mo sa amin?!" giit ko.

"Wala kang mapapala sa ginagawa mo! You can't stop us from bringing Astria back!"

Lakas loob ko siyang sinigawan kahit walang tigil ang panginginig ng buo kong katawan. Napalunok ako nang malalim habang nakatingin sa kaniya na hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.

Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nawala ang boses niya sa isipan ko na nagpakaba sa akin lalo. I can tell that he suddenly became serious.

Napaatras ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin. Kinalibutan ang buo kong katawan nang nagsimula siyang maglakad ng walang tunog.

Before I know it, he's already in front of me. Kahit magkatapat na kami ay hindi ko pa rin magawang makita ang mukha niya na para bang dilim lang ang nasa ilalim ng suot niyang cloak.

"Do you really think you can bring her back?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Para bang huminto ang oras at napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makakibo.

Tanging pagnood lang ang nagawa ko. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanan niyang kamay na para bang hahawakan ako.

"If you-"

"TANA!"

Pareho kaming nabigla nang makarinig ng pagtawag ng pangalan ko. Agad akong napalingon sa pwesto ng tumawag sa akin at sumalubong sa akin ang dalawang pamilyar na mukha.

"R-Raze! Xena!" halos maiyak na sambit ko.

Muli akong napatingin sa harapan ko at nabigla ako nang sa isang iglap ay nawala ang witch na nasa harap ko kani-kanina lang. Saktong paglaho niya ay sa huling pagkakataon ay narinig ko ang pahabol niyang sinabi.

"Bumalik na kayo. . . wala kayong mapapala rito. . ."


Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now