14. Next stop

12.8K 782 51
                                    

[Raze]

Mabigat ang tensyon sa silid. Walang nagsasalita at nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag namin.

All of us are too shocked and agitated to even start a conversation. Kasama ni Xena si Nyssa na iniikot ang gubat upang makasigurado na wala ng iba pang witch ang nandito. Samantalang kasama ni Haritha si Raina na nagpapahinga sa isa sa mga kabute rito.

It's only me, Lei, Zairah, and Tana that is inside thE room.

"S-Sinundan niya tayo."

Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Tana. Nakatingin siya sa lapag at bakas sa mukha niya ang takot. Magkahawak ang dalawa niyang mga kamay.

"I saw that person when we were at Palisma. . ." kumento ni Zairah. "Kung nandito rin siya sa bayan na ito ay sinusundan niya nga talaga tayo."

Napaismid si Lei at umiwas ng tingin. "Who the heck is that person anyways?!"

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at napayuko. Hindi mapakali ang mga kamay at mga paa ko.

Hindi ko rin mapigilang mapaisip at kabahan. . . sino ang tao na iyon at bakit niya kami sinusundan?

"Kung sino man siya, hindi siya basta-basta," muling sambit ni Zairah.

"That person might be an énas. . ."

"Or even higher."

Pare-pareho kaming natigilan. Hindi nakaimik si Tana at napalunok nang malalim si Lei.

"Bigla-bigla na lamang siyang sumusulpot at nawawala."

"Nagagawa niya pang makipag-usap sa atin gamit lamang ang isipan."

"That person is freaking dangerous."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Zairah. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at bumigat ang pakiramdam ko.

Mas lalong bumigat ang tensyon sa silid.

Ayokong mag-isip ng kung ano. . . pero hindi ko mapigilan.

This is not the first time. . .. that I've experienced this. .

Sumagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon noong nakaraang limang taon. Ang gabing nasa gubat kami at ang gabing nalaman namin kung sino si Xena.

Mayroon akong nakaharap na isang witch din no'ng gabing iyon. . .

Pero imposible. . . imposibleng siya iyon. . .

After all. . . Aeros disappeared together with Xena. . .

Imposibleng siya ang taong sumusunod sa amin ngayon. . . pero kung hindi siya, sino?

"We have no choice, we don't have time to face that person. We need to move forward," pag-iiba ni Zairah.

Hindi ko masyadong napakinggan ang mga sinasabi niya dahil nagsisimula na akong mag-isip nang kung ano-ano. . ..

Kinakabahan ako. . . na baka maulit ang nangyari noon.

That I will lose someone important, again. . . because I'm too weak.

"Raze."

Paano kung si Aeros nga talaga ang taong sumusunod sa amin ngayon?

"Raze."

Nagawa niyang tapatan si Xena. . . paano namin siya matatalo-

"Raze!"

Natauhan ako nang sumigaw si Zairah. Doon ko napagtanto na lahat ng tingin ng mga kasama ko ay nasa sa akin. Mabilis kong iniling ang ulo ko. "S-Sorry. What are you saying again?"

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon