38. The present

10.1K 839 356
                                    

[Zairah]

Ang dilim. . . nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Parang nasusunog ang mga laman ko pero hindi ako nakakaramdam ng sakit.

Anong nangyari?

Ang huli ko lang na natatandaan ay. . . nasa gubat ako— sa Goo Garden.

Kasama ko sina Tana. . . nakita ko 'yong witch na sumusunod-

Si Xena! Si Xena ang witch na pumipigil sa amin na ibalik siya. Pero bakit— paano?

"Miss Trefilia! Miss Trefilia!"

Tila nakaramdam ako ng pagyugyog sa akin bago ako makabalik sa katinuan. Habol-habol ko ang hininga ko nang imulat ko ang mga mata ko at sobrang bigat ng paghinga ko.

Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Nasa gubat pa rin ba-

Natigilan ako nang makita ang kabuoan ng paligid. Hindi kaagad napoproseso ng utak ko ang mga nakikita ko ngayon.

I'm in Frencide. . . the sky was dark, it's already night time. . . and— the moon is blue.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang makita ang kulay ng buwan sa kalangitan. Asul-

Tonight is the blue moon-

Pero hindi ko naiintindihan! The blue moon was five years ago! Every 800 years lang ito nangyayari! Kaya paanong-

"Miss Trefilia!"

Bumalik ako sa katinuan nang makarinig ng muling pagtawag sa akin. Agad akong napatingin sa maliit na tao na nasa tabi ko. Unti-unting namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang makilala ko kung sino ito.

"P-Principal Nasus?!"

Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang inaasahan na ang magiging reaksyon ko. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"A-Anong- p-paanong?!"

Huminga nang malalim ang principal na kaharap ko bago niya hawakan ang kanang balikat ko. Seryoso niya akong tinapunan ng tingin at kinausap.

"Calm down, Miss Trefilia. First, tell me what you know," kalmado niyang sambit.

Natigilan ako sa sinabi niya at natauhan ako. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at huminga ako nang malalim. I need to calm down-

"I-I was on a forest— the Goo Garden. K-Kasama ko sina Raze at ang iba pa-" Agad akong tumingin sa asul na buwan na nasa kalangitan. "L-Limang taon na ang lumipas nang mangyari ang blue moon! Nawala si Xena, Aeros, at ang grimoire!" giit ko.

Naguguluhan akong napatingin kay Principal Nasus. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari! Masyadong mabilis ang takbo ng mga kaganapan ngayon!

Seryoso akong tinignan ng dwarf na kaharap ko. Walang bakas sa mukha niya ang pagloloko o pagbibiro.

"Miss Trefilia. . . limang minuto pa lamang ang lumipas nang nawala sina Astria, Aeros, at ang grimoire. . . hindi limang taon. Ngayong gabi ang blue moon."

Para bang huminto ang pagtakbo ng oras at nabingi ako sa narinig. Agad namilog ang mga mata ko sa mga sinabi ni Principal Nasus sa akin.

Limang minuto? Hindi limang taon? Pero paanong-

"All this time, you were under a spell, Miss Trefilia," dagdag niya.

Natigilan ako sa narinig. Parang umiikot ang paningin ko at bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa amin sa loob ng limang taon.

All this time. . . we were under a spell?

Huminga siya nang malalim na para bang nahihirapan siyang ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari. Sa kabilang banda, nahihirapang maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Alam kong mahirap paniwalaan ang mga nangyayari ngayon. Pero kailangan mong intindihin to lahat, Miss Trefilia. Kailangan ka namin, kailangan ka ng lahat."

Determinado akong tinignan ni Principal Nasus. Pilit niyang hinabol ang mga tingin ko at hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Bago mawala si Aeros. . . kasama si Astria, may spell siyang binitawan," pagpapaliwanag niya.

Pilit kong binlangko ang isipan ko para maintindihan ang mga sasabihin niya. I need to know what really happened during the time that I was under a spell.

"A curse spell. . . hindi dapat ito gano'n kalakas, pero dahil blue moon ngayon, tumibay ang epekto ng spell."

"At saktong nawala si Astria. . . you know her, she's the child loved by magic. Pero nang nawala siya, nawalan ng mapupuntahan ang mga mahikang nasa kaniya."

"At dahil wala 'yong mapupuntahan, kumalat ito sa lahat. Dahilan kung bakit kumalat din ang spell na binitawan ni Aeros."

Natigilan ako sa narinig. Doon ko napagtanto ang mga nangyari at gustong iparating sa akin ni Principal Nasus.

"Everyone right now. . . is under a spell."

Unti-unti akong natauhan sa mga sinabi niya. Napatingin ako sa paligid namin at doon sumalubong sa akin ang mga mamamayan ng bayan na pare-parehong walang malay. Agad na napako ang tingin ko sa iilang pamilyar na mga mukha.

"L-Lei!"

Kusa akong napatayo at lumapit sa posisyon niya. He looks like he's just sleeping, but I can't wake him up. Kahit anong galaw ko sa kaniya ay hindi siya gumigising. Punong-puno ako ng pag-aalala na nakahawak sa kaniya.

"A-Anong gagawin ko? A-Anong spell ang kailangan kong gawin?!" sunod-sunod na tanong ko.

Ang bigat ng paghinga at pakiramdam ko ngayon. I don't know what to do! Tanging pagpigil lang ng luha ang kaya kong gawin ngayon dahil parang mauubos ang lahat ng lakas ko sa mga nalaman ko.

For freaking damn sake! Limang taon na ang lumipas para sa amin! Lahat ng mga pangyayari sa spell na 'yon ay kapani-paniwala!

"Sad to say. . . we don't know how to break the spell. Kaming mga creatures lamang ang hindi naapektuhan ng spell na ginawa ni Aeros. Ang tanging kaya lang naming gawin ngayon ay dalhin ang mga tao sa ligtas na lugar at umasang magigising sila," sambit ni principal.

Bakas sa mukha niya na nalulungkot siya dahil wala siyang naitutulong ngayon.

"But don't worry, we still do know some spells. We'll try our best to help the people," dagdag niya.

Desidido niya akong tinignan. Tila natigilan ako sa sinabi niya at muli akong napatingin sa paligid. There are different kinds of creatures here on Frencide— helping the people.

Tinutulungan nila ang mga taong hinusgahan sila dahil sa mga itsura at lahi nila. . .

Ilang segundo akong natahimik bago ako may napagtanto. Unti-unting kumunot ang noo ko at muli akong napatingin kay Principal Nasus.

"K-Kung walang spell na pwedeng makasira sa spell na ginawa ni Aeros. . . paano ako nagising?" naguguluhan kong tanong.

Natigilan sa sinabi ko ang dwarf na kaharap ko. Ilang segundo rin siyang natahimik bago siya napatingin sa asul na buwan at unti-unti siyang napangiti— isang nakagagaan ng loob na ngiti.

"Maybe because. . . even if she's not here, the greatest witch of all time still wanted to protect everyone."

Tila natigilan ako sa narinig. Gumaan ang balikat ko na parang nawala ang mabigat na bagay na nagpapadagan dito. Gumaan ang tensyon sa paligid at nawala ang pagsikip ng pakiramdam ko.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbasa ng mga mata ko. Inaalala ko ang mga nangyari habang nasa ilalim kami ng spell.

We thought that she's the enemy. . .

Ang rason kaya gusto niya kaming pigilan ay hindi dahil ayaw niya kaming magtagumpay, kung hindi dahil gusto niya kaming iligtas. . .

Paulit-ulit niya kaming pinapabalik. . . hindi sa kasalukuyan kung hindi sa katotohanan.

All this time. . . we thought that we're saving Xena.

But once again, she's saving us instead.

Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now