21. The Stupid Prince

11K 720 73
                                    

[Tana]

Humampas sa amin ang malakas na hangin. It felt like time slowed when I heard what he said. Ilang beses akong napakurap bago tumaas ang dalawang kilay ko.

"H-Ha?"

Nanatiling nakangiti ang lalaking kaharap ko na para bang wala siyang maling sinabi. My expression slowly faded.

Unti-unti akong napayuko at napaupo sa lapag. He did what?

"Anong problema-"

Hindi na naituloy ni Leirus 2.0 ang itatanong niya nang nagsimula na 'kong humagulgol. Tears immediately fell from my eyes. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagpunas ko ng uhog kong tumutulo na rin.

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?" I said while crying.

Natigilan ang lalaking kaharap ko sa narinig. Nagsisimula na rin siyang kabahan nang napapatingin na sa amin ang ibang sibilyan na dumadaan.

"A-Anong sinasabi mo? T-Tumayo ka na riyan-"

Sinubukan niya 'kong hawakan para itayo pero mabilis ko siyang tinapik.

"E-Eh? U-Uy-"

I continued sobbing in the middle of the street. Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at singhot nang singhot.

Bakit pa kasi ako ang nakatoka rito?

I take back what I said. . . hindi ko kayang tulungan ang lalaking 'to! Kahit mahina ang utak ni Leirus ay nanatili lamang siya sa tabi ni Zairah!

Unlike this stupid prince!

Nabigla si Leirus 2.0 nang masama ko itong tinignan. I gritted my teeth while looking at him dead in the eye.

"Binabawi ko na ang sinabi ko. Mabuhay ka sana nang matagal," malamig kong sambit.

Padabog akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. I'm not fitted with this job. Tama nga ang sinabi niya, hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ni Zeniah.

"Oh siya, sige. Mauna na 'ko-"

Nilingon ko sa huling pagkakataon ang prinsipe upang magpaalam nang matigilan ako. He faked a smile while looking at the opposite direction.

"Alam ko. . . isa akong hangal. . ."

Natigilan ako sa sinabi niya. Muling humampas ang hangin sa amin at sumabay rito ang buhok ko. Natulala ako sa lalaking kaharap ko at hindi siya makatingin sa akin. I stared at his eyes that is full of emotions.

"Gawain ko 'yon noon sa bayan. Ang maghanap ng babae at pangakuan sila ng kasal bilang isang katuwaan," panimula niya.

"Isa akong taong punong-puno sa sarili at pinagyayabang ang pagiging prinsipe. Ni hindi ko naranasang magseryoso sa buong buhay ko."

I was too astonished to utter a word. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita siya.

"Nang malaman ko na ikakasal ako ay wala pa ring nagbago. . . inisip ko na magiging katulad lamang siya ng mga babae ko sa bayan. . ."

"Pero nagkamali ako."

Napahawak ako sa ibabang damit ko at nakikinig. I bit my lower lip to prevent myself from crying. Unti-unting napayuko ang prinsipeng kaharap ko. Kumurba ang labi niya sa isang ngiti.

"Iba si Zeniah. . . iba siya sa kanila. . . siya lang ang babaeng minahal ko. . . at mamahalin ko habang buhay."

Nagtutubig ang mga mata ko nang muling magtama ang mga tingin namin ni Leirus 2.0.

He flashed a smile and gave me a reassuring look. "Kaya nga mas mabuti ng hindi matuloy ang kasal namin. . . dahil hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig niya. Si Zeniah. . . ang babaeng ayokong masaktan kahit kailan man."

Malalim akong humikbi. Tila nabigla ang lalaking kaharap ko nang bigla kong hawakan ang magkabilang balikat niya at nagsimula na naman akong umiyak.

Napayuko ako at mariin na nakakagat sa ibabang labi.

I will. . . I will. . .

I will risk myself for their marriage!

Desidido akong tumingin kay Leirus 2.0 na nabigla pa rin sa ginawa ko.

"So?! Papayag ka bang ibang lalaki ang makakasama niya habang buhay?! Sa tingin mo, mapapasaya nila si Zeniah?!"

Tila natigilan siya sa sinabi ko. I slowly nodded at him with full of emotions.

"Tutulungan kita! Itama mo ang lahat! Ikakasal kayo bukas!"

Mariin itong napakagat sa ibabang labi na mukhang paiyak na rin. Katulad ko ay napahawak din siya sa balikat ko at unti-unting tumango.

Para kaming ewan na tumatango sa isa't isa kahit walang nagsasalita. Para bang naiintindihan na namin ang pinapahiwatig ng isa't isa.

That's right. . . real siblings doesn't need to talk to know what's each other's thinking!

My brother, I'll help you!

"Anong oras ang kasal bukas?" Seryoso kong tanong.

Naging seryoso rin ang ekspresyon ng lalaking kaharap ko. "Alas-otso (8), bukas ng umaga."

Muli akong tumango. "Simulan na natin."

≿☾✺☽≾

Napapikit ako sa lakas ng sampal ng babaeng kaharap namin sa lalaking kasama ko. Her eyes are getting teary as she look at Leirus 2.0.

"P-Pasensya na-"

Hindi na naituloy ng kasama ko ang sasabihin niya nang muli siyang sampalin ng babae at tumakbo itong umiiyak. Malalim akong napabuntong-hininga.

"Pang-ilan na 'yon?" tanong ko.

Hindi maipinta ang mukha ni Leirus 2.0 nang humarap siya sa akin. He's caressing his red cheeks and he looks like he's also about to cry.

"P-Pang labing-anim."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi upang pigilan ang sarili kong matawa.

We started roaming around the city to find all the girls he flirted with. Isa-isa namin silang hinahanap at isa-isa rin silang hinihingan ng tawad ni Leirus 2.0.

"A-Ansakit na ng pisngi ko. . ."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Kung gusto mong maitama lahat ng ginawa mo, simulan mo sa paghihingi ng tawad sa mga niloko mo!"

I held both of his shoulders. Desidido ko siyang tinignan. "Para kay Zai- Zeniah! Para maging karapat-dapat ka sa pagmamahal niya!"

Mariing napakagat si Leirus 2.0 sa ibabang labi. Unti-unting namamasa ang mga mata niya. He slowly nodded as if I was kind of preacher or something.

We spent the whole day looking for every girl in the city who Leirus 2.0 promised having a marriage with. Hindi ko mabilang ang mga babaeng hiningan niya ng tawad at ilang sampal at sakit sa katawan ang inabot niya.

All I can do is cheer him up and cry with him. Hindi namin namalayan na palubog na pala ang araw.

"H-Hindi ko alam kung aabot pa tayo. . ." Nanghihinang napaupo sa isang bench ang lalaking kasama ko

Kunot noo akong napatingin sa kaniya. "So? Susuko ka na lang?"

Hindi nakasagot si Leirus 2.0 sa sinabi ko. Napayuko na lamang siya at napabuntong-hininga. Napasimangot ako sa naging reaksyon niya. I pouted and looked at the opposite direction.

Tila natigilan ako nang makitang may kalesang umiikot sa bayan at nagpapahagis ng mga papel. It immediately caught my attention. Hindi nagtagal ay dumaan ito sa amin at naghulog sila ng mga papel sa harapan namin. Kumuha si Leirus 2.0 ng isa at tila natigilan ito sa nakita. I was taken aback by his reaction. Agad din akong kumuha ng isa.

Parang bumagal ang oras nang unti-unti kong binasa ang nakasulat. My eyes slowly widened in disbelief. No way-

"M-Mukhang hindi na natin kailangan gawin 'to. . ." Leirus 2.0 looked at me and faked a smile.

I was suddenly frozen in my place. I can see the pain in his smile. . .

Hindi ako makapaniwala sa nakasulat. . ..

Umatras si Zeniah sa kasal. . . walang kasalangmagaganap bukas. . ..

Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now