26. Role play

9.6K 726 53
                                    

[Lei]

Ramdam ko ang pagtama ng hangin sa 'kin habang nakasakay ako sa griffin. Nahihirapan akong huminga dahil sa kurtina na nakatakip sa mukha ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaba. I just kidnapped a princess-

"Saan mo 'ko dadalhin?" kalmado ngunit nag-aalalang sambit ng babaeng kasama ko.

Hanga ako kay Zeniah dahil nanatili siyang kalmado at hindi siya nagpa-panic. Paniguradong kapag ako ang na-kidnap ay nagsisisigaw na ako at humihingi ng tulong.

Tumikhim ako bago siya tapunan ng tingin. "A-Ah, ano- 'wag kang maingay!" Pilit kong nilakihan ang boses ko para takutin siya.

Pero sa aming dalawa, ako ang pinakanatatakot dito. Hindi rin magtatagal ay pagsasalubungin na 'ko ng mga kawal dito, ang malala pa ay kung may witch silang kasama at magkaroon pa kami ng pagtatalo.

Napalunok ako nang malalim at humigpit ang pagkakahawak ko sa griffin. I don't want to destroy our family history, but I don't want to destroy my future family neither.

Hindi ko pwedeng pakasalan si Zeniah, pero hindi ko rin pwedeng hayaan na hindi maituloy ang kasal niya sa ninuno ko. Ito lang ang nasa isip naming paraan ng mga kasama ko para matuloy ang kasal. . . sana nga lang ay mapagtanto kaagad ni Tana na kasama pa rin ito sa plano.

"P-Pakakawalan kita kapag d-dumating ang prinsipe ng bayan na ito!" kabadong sambit ko.

Napasulyap ako kay Zeniah at nanghina ako nang makitang magbago ang ekspresyon niya. Sadness suddenly clouded her figure as she became down.

Unti-unting napaawang ang bibig ko sa likod ng telang nasa mukha ko. Shit! Did I made her sad?!

"Wala kang aasahan na darating. . . may ibang tinitibok ang puso niya. . ." malamig niyang sambit.

Kusang umawang ang bibig ko at hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Balisa akong napabitaw sa griffin at agad na nag-isip ng paraan para pagaanin ang loob niya.

I want to tell her that it's me who said that—that I'm sorry! I don't want to see a woman gets sad in front of me!

Napaismid na lamang ako sa sarili ko. I kidnapped her, now I'm freaking out because she's sad?!

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko para pagaanin ang loob niya. Kung sa balikat, sa braso, o sa ulo. Isang pagkakamali, katumbas ang magiging kasal ko.

Sa pag-iisip ay tila nalipat ang tingin ko sa baba ng malaking ibon na sinasakyan namin. May isa pang griffin ang nakabuntot sa amin.

I saw a handsome face riding it, tho, I'm pretty sure that I'm more handsome. Determinado ang mukha ng ninuno kong nakasakay sa griffin. Sa harap niya ay isang pamilyar na babae na agad kong nakilala.

Tana's eyes and mine met. Tila alam na namin ang gustong ipahiwatig ng isa't isa. Pareho kaming simpleng tumango na puno ng determinasyon ang tingin.

Malalim akong bumuntong-hininga bago tumayo. Nakuha ko ang atensyon ni Zeniah sa ginawa ko.

I'll just think of this as a roleplay—a roleplay that will determine the outcome of my history and future.

"Nandito na ang prinsipe," malamig kong sambit.

Natigilan si Zeniah sa sinabi ko at kapwa ko ay napatingin sa ibaba namin kung nasaan ang griffin na nakabuntot sa amin. Kita ko ang paglambot ng ekspresyon ng ninuno ko nang makita ang babaeng pakakasalan niya. I don't know his reason why he freaking ditched Zeniah before the wedding, but he needs to make sure that he won't do it again or I'll make sure to come back here in the past to kick his butt.

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon