24. For a long time

11.2K 689 87
                                    

[Raze]

Nagtago sa likuran ko si Raina. Nagpapalitan kami ng matatalim na tingin ng lalaking kaharap ko. Ngayon ko napagtanto kung paano naiirita sina Zairah sa 'kin dati dahil sa ngisi ko.

For pete's sake, I want to punch my clone's face!

"Tatayo ka lang ba riyan? Tapos may nalalaman ka pang ibabalik si Astria. . . eh hindi sana mangyayari 'to kung nagawa mo siyang protektahan noon."

Napaismid ako sa narinig. Naaninagan ko ang nag-aalalang mukha ng estudyante ko sa 'kin at ang pagkakahigpit ng pagkakahawak niya sa damit ko.

Hindi ako nagrereklamo sa pagsasalita ko noon pero ayokong kausap ang sarili ko. Magkakapikunan lang kami

"anapnoí vrontí," bigkas ko.

Mabilis ang mga pangyayari. Narinig ko ang kulog hudyat na tumama na ang kidlat sa lalaking kaharap ko.

Hindi ko nakita kaagad ang tustado niyang katawan dahil sa mga usok na nakaharang sa pagitan namin. Nanatiling naningkit ang mga mata ko hanggang sa makarinig ako ng kaparehong spell.

"anapnoí vrontí."

My eyes immediately widened out of disbelief. Kusang gumalaw ang katawan ko at mas mabilis pa itong kumilos kaysa sa utak ko.

Agad kong dinampot si Raina at mataas na tumalon sa kabilang direksyon. Saktong pag-alis namin sa pwesto ay ang pagtama ng malakas na kidlat at ang pagtunog ng kulog.

Narinig ko ang sarili kong boses na tumatawa. Unti-unting nawala ang mga usok sa pagitan namin ng clone ko at doon ko nakita ang kabuoan niya na wala man lang galos sa katawan.

"Totoong mahirap iwasan 'yang spell mo kapag hindi alam ng kalaban mo kung anong klaseng spell 'yan." He slowly showed an irritating smirk.

"Pero nakakalimutan mo ata. . . ako ay ikaw."

I bit my lower lip out of frustration. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Ibinaba ko si Raina sa likuran ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko na bakas din sa mga mukha ang pagkainis at ang pagkapagod. Kalaban namin ang mga sarili namin. Lahat ng mga spells na alam namin ay alam din nila at pareho kami ng paraan ng pag-iisip.

Habang nahihirapan kami rito ay nanatiling nakatayo lamang sa katapat na balkonahe ang witch na gumawa ng spell. His aura shouts confidence.

Para bang kampante na kampante siya na matatalo kami ng walang kahirap-hirap. Tsk, mas lalo akong naiirita sa ginagawa niya.

"Oh, ano? Walang magagawa 'yang pagtunganga mo."

Huminga ako nang malalim sa narinig. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at maiging nag-isip.

How can I attack him without him reading my move? How can I catch him off guard? How can I beat myself?

Malalim akong nag-isip at tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Dahan-dahan ang naging pagkilos ng mga nasa paligid ko.

My clone started chanting his spell. While on the other hand, my eyes were stuck to the closest person fighting next to me.

Hindi ko kailangang talunin ang sarili ko. . .

Ibang tao ang kayang gumawa n'on.

"ZAIRAH, SWITCH!"

I caught both of our clones off guard. Mabilis akong naintindihan ng kasama ko at sa isang iglap ay mabilis kong ibinuhat si Raina at nagpalit kami ng pwesto ni Zairah.

Kaharap ko ngayon ang clone niya at kaharap niya ang akin. Maski ang mga atensyon ng mga kasama namin ay nakuha ko.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" walang kaemo-emosyong tanong ng clone ni Zairah.

Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now