23. That person

10.9K 722 46
                                    

[Zairah]

Naramdaman ko ang pagtama ng malamig na hangin sa 'kin. Nanatili kaming nasa labas ng balkonahe ni Lei.

Walang ekspresyon akong nakatingin sa taong nasa tapat namin na balkonahe. Well, I'm not really sure if it's a person or not.

"Who are you?" muling tanong ko.

Mariin ang pagkakasara ng kamao ko. Kagaya nang una naming pagkikita, ni hindi ko man lang malaman kung babae siya o lalaki.

Wala kaming makita na kahit anong parte ng katawan niya o maski balat lang. Nababalot siya ng cloak.

"Z-Zairah. . . siya 'yong-"

Sinenyasan ko si Leirus na tumigil sa pagsasalita. Tumango ako hudyat na alam ko ang tinutukoy niya.

This person was following us since we got here. Siya ang pumigil sa 'min na bumalik sa nakaraan. Hindi ko inaasahan na hanggang dito ang nakasunod siya. Hindi pa rin niya 'ko sinagot na nagpakunot ng noo ko.

"Not gonna answer, huh?"

"Kung gano'n. . . sabihin mo na lang sa 'kin. . ."

"Bakit mo kami pinipigilan na ibalik si Astria?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Muli kong naramdaman ang paghampas ng hangin. Maigi kong pinagmasdan ang paligid. It feels like. . . something is not right-

"Zairah!"

"prósopo aéra."

Natauhan ako sa narinig. Doon ako napatingin sa itaas kung saan nabuo sa isang ulo ang hangin at akmang kakainin kaming dalawa ni Lei.

"metakiníste ton toícho!" mabilis na sambit ng kasama ko.

Parang naging clay ang pader ng kastilyo at kusa itong humarang sa harapan namin. Dahilan ng pagsalo nito sa bunganga ng hangin na balak kaming kainin.

"F-Freaking bastard!" iritadong sambit ko.

I heard that person laugh inside of my head. Mas lalo akong nainis sa naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Wala kayong mapapala rito. . ."

"Bumalik na kayo. . ."

"Bumalik na kayo. . ."

"Bumalik na kayo. . ."

Napatakip ako sa tenga na para bang may magagawa 'yon para hindi ko siya marinig. Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya at kung bakit pinapakealaman niya kami. . . but this bastard doesn't have an idea who he's dealing with.

"Fool. . . epíthesi pyrkagiás."

Lumabas ang isang tatsulok sa apakan ko at ang mga simbolo. Kasunod nito ay ang paglabas ng umiikot na apoy. It went straight to the enemy.

Naningkit ang mga mata ko para masigurado na tatama ang atake ko. Pero natigilan na lang ako nang muling nagbanggit ng spell ang taong kaharap namin.

"pyrotechnímata."

Imbis na dumeretso sa kaniya ang atake ko ay pumunta ito sa itaas. It exploded in the sky like a firework. Both of my eyebrows rose out of disbelief. That was a Rank S spell! Nagawa niyang paibahin ang direksyon n'on nang hindi man lang kumikilos sa pwesto niya!

"W-What-"

"pyrotechnímata."

Natigilan ako nang marinig ang parehong spell na ginawa ko. Kusang gumalaw ang katawan ko at binanggit ko ang unang spell na pumasok sa isip ko.

"vlastári neroú."

A huge amount of water appeared in front of us, but it wasn't enough to completely block the fire. Napapikit ako nang makita ang kalahati ng apoy na patama sa amin. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa 'kin ni Lei para harangan ako.

Bago man tumama sa 'min ang atake ay pareho kaming nakarinig ni Lei ng isang pamilyar na boses.

"empódio."

An invisible barrier blocked the fire attack. Kapwa kaming napatingin ng kasama ko sa isang grupo na nakasakay sa isang griffin.

"Xena!" pareho naming pagtawag ni Lei.

She's riding the griffin together with Haritha, Raze, and Raina. Nagsibabaan sila sa balkonahe kung nasaan kami ni Lei.

"T-Thank-"

"Maraming salamat, Xena!" pagsingit ko sa sasabihin ni Lei.

Isang tango ang sinagot niya sa 'kin bago tapunan ng tingin ang taong kaharap namin. Natigilan si Xena nang makilala ang pamilyar na pigura.

"S-Siya 'yong-"

Tumango ako sa sinabi niya. She once met that person when we were at the town of the giants. Paniguradong nagtataka siya kung bakit 'to nandito ngayon at kung bakit niya kami sinusundan. Sa kabilang banda ay parang nakakita ng multo si Raze nang makita ang kaharap namin. "S-Siya na naman."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi sa naging reaksyon niya. Napayuko ako at napaiwas ng tingin.

"I-I'm sorry. . . akala ko ay kaya ko siyang-"

"There's no need to apologize."

Natigilan ako sa sinabi ni Raze. "You've done more than enough, Zai." He gave me a reassuring look. Gumaan ang pakiramdam ko at tumango ako sa kaniya. Muli kong tinapunan ng tingin ang taong lagi kaming sinusundan at gusto kaming pigilan. "Let's beat his ass."

I heard Lei chuckled. Hinalikan niya ang likod ng kaliwang kamay ko bago sumagot. "Kung 'yan ang gusto mo."

"Sayang, wala si Tana," natatawang dagdag ni Haritha.

"Nah, siya ang may pinakamahalagang trabaho ngayon," sagot ni Raze.

Pare-pareho naming matalim na tinignan ang taong nasa tapat na balkonahe namin. This time, we'll save Xena. . . we won't let anyone stop us.

"Mga hangal. . .."

Naging alerto kami nang bigla niyang itinaas ang mga kamay niya. "klonopoiíste ton eaftó sas."

Natigilan kami sa narinig. Bigla na lamang may sumulpot na salamin sa harapan namin. It reflected our reflections. Matapos ng ilang segundo ay kusang gumalaw ang mga sarili namin sa salamin at lumabas.

Natigilan ako nang mapagtanto ang ginawa niya. She cloned us. . . to make us fight ourselves. . . a freaking Cipher Spell.

Punong-puno ang emosyon ko nang tignan ko ang taong nasa tapat namin. Ayokong mag-isip ng posibilidad kung sino siya. . . pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sana mali ang hinala ko. . . sana masyado lang akong nag-iisip. Dahil kung tama ako ay wala akong maisip na posibilidad para matalo namin siya.

"Zai! Sa harap mo!" Rinig kong pagtawag ni Lei.

"véli fotiás."

Natauhan ako sa narinig at kusang umiwas ang katawan ko. Arrows made of fire launched at me. "Shouldn't you focus on me instead?" nakangising sambit ng clone ko.

Napaismid ako sa sinabi niya. "fotiá dóry." bigkas ko.

Spears made of fire attacked her. Pero walang hirap niya itong iniwasan. Parehong-pareho kami ng mga alam na spells at ang mga kilos namin. Hindi hamak na napakadaming lakas ang kailangan para gawin ang spell na 'yon.

Habang nag-iisip ako ng paraan na para talunin siya ay naririnig ko ang pagtawa ng taong nasa balkonahe sa isipan ko. Napaismid ako at napalunok nang malalim. Sana nga mali ako.

Pero kung pag-iisipan mabuti. . .

Ang taong kayang gawin 'to. . .

Ang taong ayaw kaming ibalik si Astria. . .

Ang taong may alam ng Cipher spells. . .

Ay walang iba kung hindi ang naging guro ko. . .

Aeros.

Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now