29. Play time

9.5K 644 28
                                    

[Zairah]

Namamangha kong pinagmamasdan ang paligid. Patuloy ako na naglalakad at nakasunod kina Haritha at Xena.

This place is really cool. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ko pa ito naririnig sa kasalukuyan. Ni hindi ko man lang alam na nag-e-exist pala ito.

The trees, grass, plants, and flowers are glowing in neon lights. Kahit ang iilang reptiles at mga insektong nakikita ko ay umiilaw rin.

This place is really a paradise. The scenery is beautiful, the trees are comforting, it's quiet-

Natigilan ako sa pag-appreciate sa paligid nang matauhan ako sa iniisip ko. It's quiet. . .

Hindi tumagal ng ilang segundo nang matauhan ako at agad akong napalingon sa likod. Tana flinched and stopped walking when I looked back.

Mabilis siyang napaiwas ng tingin sa akin at kita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng pawis niya.

Kunot noo akong napatingin sa kaniya at sa batang hawak-hawak niya. Raina just innocently looked back at me.

"Where's Raze?-" Inilibot ko ang tingin sa paligid at naningkit ang mga mata kong napatingin ulit kay Tana. "Where. Is. Lei?" madiin kong tanong.

Rinig ko na ang paghinga ni Tana dahil sa bigat ng paghinga niya. Hindi niya pa rin ako magawang tignan nang deretso sa mga mata at patuloy pa rin sa pagbagsak ng mga pawis niya.

"I'm asking you again, Tana. Where is Raze and Lei?" mahinanon kong tanong. Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang hinihintay ang sagot ng babaeng kaharap ko.

Ilang segundo rin ang lumipas nang magawa na niya akong tignan. Tana suddenly bursted out crying.

"I-I'm sorry! I-I tried- I TRIED STOPPING LEI BUT HE DIDN'T LISTEN! LEI BECAME GOO! HE TURNED INTO A SLIME!" naiiyak na sambit ni Tana.

Nagsimula siyang umiyak nang malakas dahilan ng paghinto nina Haritha at Xena. Maski si Raina na hawak-hawak niya ay nabigla at natakot dahil sa biglaan niyang pag-iyak.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko dahil sa inis.

That freaking stupid blonde! I'm going to kill him!

"A-Anong nangyari?" kinakabahang tanong ni Xena na natigilan din sa paglalakad.

"Nasaan sina Raze at Lei?" dagdag ni Haritha habang hinahanap sa likod ni Tana ang dalawa pa naming kasama.

Napaismid na lamang ako at hindi ko sila nagawang masagot. Raze is probably with Lei, trying to help him. Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Mas kailangan pa siyang bantayan kaysa sa bata!

"Wala na tayong magagawa." Huminga ako nang malalim para kumalma. "Pupuntahan ko sila-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang humampas sa amin ang isang napakalakas na hangin. Narinig ko ang paghampasan ng mga dahon sa puno dahil sa lakas ng hangin. Napapikit kami ng mga kasama ko dahil sa lakas nito.

"Bumalik na kayo. . . wala kayong mapapala rito."

Pilit kong minulat ang mga mata ko sa narinig. Ang boses na 'yon-

Nang daanan kami ng hangin ay mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Nasundan niya kami rito! Nandito na naman siya!

"Tsk, nandito-"

Natigilan ako sa pag-ikot at pagtingin sa paligid nang mapako ang tingin ko kay Tanasa kamay niya. Tila namilog ang mga mata ko dahil sa pagkabigla at nakaramdam ako ng kaba.

"T-Tana, si Raina-" kinakabahan kong sambit.

Mabilis siyang natauhan sa sinabi ko at napatingin sa kamay niyang hawak-hawak si Raina kanina. Nanlumo si Tana nang makitang hindi na niya hawak ang bata.

No-

Mabilis akong napalingon kung saan dumaan ang malakas na paghampas ng hangin. Kasabay nito ay ang pagrinig ko ng pagtawa ng taong 'yon sa utak ko.

"Go back. . . go back."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at madiin ang pagkakasara ng kamao ko. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo para sundan sila.

That bastard!

"Zai!-" Rinig kong pagtawag ni Haritha. Hindi niya naituloy ang pagtawag niya nang bigla ring tumakbo si Tana.

"Z-Zairah, I'm sorry. Naging pabaya ako," nanghihinang sambit ni Tana. Patuloy pa rin ang pagluha niya pero may naiiba sa kaniya ngayon. . . she doesn't look sad, insteadshe's angry.

"Kukunin ko pabalik si Raina. . ." dagdag niya. Nang sulyapan ko siya ay unang beses kong nakita ang ekspresyon niyang 'yon. Parang walang buhay ang kaniyang mga mata.

Tanging pagtango ang sinagot ko bago muling dumeretso ang tingin. Ito ang pangalawang beses na tinangka niyang kunin si Raina sa hindi naming malaman na dahilan.

Butthis time for sure. Aalamin ko kung sino ka. . . at sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang binabalak mo.

"réei me ton ánemo," sambit ko.

Naramdaman ko ang paggaan ng mga paa ko na para bang hindi ito tumatama sa lupa. Sumabay ako sa paggalaw ng hangin.

"sanída neroú," sambit ni Tana.

A board made of water appeared in front of her. Hindi siya nagdalawang isip na sumakay rito na para bang sinasakyan niya ang mga alon.

"I-corner natin siya, Zairah," ma-awtoridad na sambit ni Tana.

Hindi ako umangal sa sinabi niya at agad akong tumango. "Let's go!"

Patuloy ako sa pagsabay sa hangin at walang tigil ako sa pagtakbo. Hindi ko pa rin makita nang malinaw ang taong sinusundan namin, bagkus ay hinahayaan kong dalhin ako ng hangin papunta sa kaniya.

Magkaiba kami ng dinaanan ni Tana. Balak naming i-corner ang taong nasa likod ng lahat ng ito.

I don't know what's that person's planning, but I won't let it happen. No one can stop us from bringing Astria back-

"anapnéei fotiá."

Mabilis akong natigilan sa narinig at natauhan. Tila nakaramdam ako ng init sa kabilang gilid ko at kusang gumalaw ang katawan ko para umiwas.

Saktong pag-alis ko sa pwesto ay ang pagtama ng isang bolang apoy rito. Namilog ang mga mata kong nakatingin sa dinaanan nitong walang natira at nasunog.

"Akala ko ba, pipigilan mo 'ko sa pinaplano ko?"

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa narinig. Mabilis na napunta ang tingin ko sa isang pwesto sa gubat kung saan bumungad sa akin ang isang taong nakasuot ng cloak at may buhat-buhat na batang babae.

"R-Raina!" pagtawag ko sa batang walang malay. Napaismid akong napatingin sa taong naririnig ko ang pagtawa sa isipan ko.

"Y-You bastard!" nanggagalaiting sambit ko sa kaniya na kinatawa niya lang.

"What do you want?! Anong kailangan mo sa bata?!"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagpatuloy lang siya sa pagtawa na mas lalo kong kinainis. This freaking bastard!-

"Play time is over. . . you need to go back. . . NOW."


Cipher Spells: Spells of AstriaWhere stories live. Discover now