43

4 0 0
                                    

Cassie's POV


"Please, hindi niya gustong nakikita kang ganyan." Sabi ni George at binigyan ako ng pagkain.


Kinuha ko iyon ngunit tinitigan ko lamang. Wala akong ganang kumain, wala akong ganang gawin lahat ng ginagawa ko.


"Baby......why does she chose to leave?" I ask at napayuko ako. Tears began pouring from my eyes.


"She have to let go....she wants to rest." Sabi ni George at iniangat ang aking ulo. Kumuha naman siya ng handkerchief at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata.


"I don't know kung bakit pinili niya kayong iwan. Pero ang masisigurado ko lang ay masaya na siya ngayon kung nasaan man siya. I hope you will also do the same." Sabi niya at niyakap ako.


"Thank you George for always being there for me. Kahit na bugnutin ako." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Matamis lamang siyang ngumiti sa akin at tumayo.


"Tara na, tulungan natin silang magasikaso ng mga nakikiramay." Sabi niya at inilahad ang kaniyang mga kamay. Inabot ko naman iyon at tumayo. Nauna siyang pumasok sa loob habang ako naman ay napatingin sa langit.


"Mikay, thank you....and goodbye." Sabi ko sa isipan ko at pumasok na sa loob.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_


Kristan's POV


"We will always love you, anak. Sana masaya ka na ngayon kung nasaan ka man. Mahal na mahal ka namin." Sabi ni tito Lance bilang last message niya kay Mikay bago ito ilibing. Umiiyak lamang sa tabi niya si Tita Helen, since the day Mikay died, hindi siya tumigil sa kaiiiyak. Tito Lance also have to sleep with her para lamang makatulog siya.


Lahat ng mga naging classmates namin and teachers sa Kingsley ay dumalo sa libing. Nakita ko si Sir Ben kasama ang anak niyang si Fredriech. Nasabi sa akin ni Cassie na naging kaibigan rin ito ni Mikay.


Umuwi rin galing states si kuya Greg. Nandito siya upang makiramay, and also imanage yung business namin dito.


Nang time na para ilibing siya, maririnig mo ang mga hagulgol ng mga nakikiramay. Mas malakas ang ugong ng iyak ni Tita Helen. Nang tumingin ako sa gawi ni Cassie, ay napayakap na lamang ito sa boyfriend niyang si George at humagulgol doon. Nang mapunta naman ang paningin ko kay Oliver ay taimtim lamang itong nakatingin sa bumababang kabaong ni Mikay. Walang bakas ng luha sa kaniya, ngunit you will notice the sadness in his eyes....bloodshot eyes.


Ako? Inilabas ko na ang lahat ng luha ko nung araw na nagpaalam siya sa amin. Inisip ko kasing
ganoon talaga siguro ang buhay, hindi mo talaga masasabi kung oras mo na.


Lahat nakabibigla.


I don't want to cry, kasi baka maguilty si Mikay sa naging decision niya. I also don't want her to suffer anymore. Sapat na siguro yung days na itinago niya sa amin yung sakit niya.


She have the right to rest now.


After ng libing ay unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao. Naiwan na lamang kami doon. Ako, si George at Cassie, si Kuya Marco at Oliver, at ang parents ni Mikay.


Nagpaalam na sa aking uuwi na si Kuya Greg at dadaan pa siya sa company namin mamaya.


"Tito, tita. You can go home na po and have some rest. Kami na po munang bahala rito." Sabi ni Oliver at napatingin kaming lahat sa kaniya.


Nakatingin lamang siya sa mga taong nagtatambak ng lupa sa libingan ni Mikay.


"Oh sige. Tara na Helen." Sabi ni tito Lance at inaya nang umalis doon ang humihikbi pa ring si tita Helen.


After ilang minutes, ay natapos na rin ang mga taong umaasikaso sa libingan ng kaibigan namin.


Nakaharap na lamang kami ngayon sa mga lupa.


"She fought hard. Kinaya niyang harapin iyon ng mag-isa lang. She really is courageous." Sabi ko at umupo. Hinawakan ko ang lupang nakatambak sa libingan ni Mikay.


Ilang minuto lamang kaming tahimik roon, hanggang sa dumilim na at napag-isipan na naming umuwi.


Dahil kaniya kaniya naman kami ng sasakyan ay sabay sabay kaming pumunta sa open space intended for parking. Magkasama si Cassie at George sa kotse ni George at si Oliver at Kuya Marco sa kotse ng daddy nila. Ako naman ay may sariling kotse.


Nang makasakay ako sa kotse at naisuot na ang seatbelt, biglang nagvibrate yung phone ko.


Tinignan ko ito at isa itong text message.


Magkita tayo mamaya.......same place.


I just smiled and inilagay na yung phone ko sa may passenger seat at nagdrive na paalis ng cemetery.

Friends for Keep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon