2

13 2 0
                                    

Oliver’s POV

Anak okay na ba lahat ng gamit mo?” tanong ni papa sa akin habang nasa loob kami ng sasakyan.

“Yes, dad okay na po. Where’s kuya Marco?” tanong ko at tinignan yung labas ng bahay namin.

“Hindi pa lumalabas. Ang tagal talaga kumilos ng kuya mo. Parang babae.”
Sabi ni papa at bumusina ng dalawang beses.

“Marco tara na at mahuhuli na kayo sa mga klase niyo!” Sigaw ni papa mula sa kotse.

Lumabas naman agad yung kuya ko mula sa bahay. Kasunod niya si mama na naka ayos na rin.

“Tara na, ang tagal kasi ni Mama. Hahaha.” Sabi ni kuya at umupo na sa tabi ko.

Pasensiya na, may client kasi ako ngayon kaya dapat presentable.” Sabi ni mama.

Inistart na rin naman ni dad yung makina ng kotse at umalis na.

“Oliver, kailan yung exams niyo?” tanong sa akin ni mama.

“After ng christmas break mom. Around second week of January po ata.” Sabi ko at tinignan yung phone ko.

“Dapat mag first place ka next grading Oliver. Tignan mo na lang yung kuya mo. Afdhkjkdsd” Hindi ko na pinakinggan yung pinagsasabi ng mama ko at inopen ko na lang yung messenger ko.

May message pala sa GC.

--LOAFTRIP—

Cassie: HOY MGA TUBOL NASAAN NA KAYO?! AKO LANG MAG-ISA DITO JUSKO

Mikay: Nasa daan na ako HAHAHAHA. Tagal kong kausap si mama eh.

Kristan: otw

Nagtype naman ako ng message sa group chat namin.

Oliver: on the way. I’m in danger, pineressure cooker na naman ako.

Cassie: ANG AGA NAMAN NIYAN?! Kaloka bumaba ka na jan.

Oliver: Can manage. Wait lang, nasa tapat na ako ng gate. See you later.

Pinatay ko naman yung phone ko at tinago sa pockets ko. Pagkarating namin sa university, bumaba na kami ni kuya sa kotse at nagpaalam kila mama.

“Oliver, huwag mo nang pansinin si mommy, ginaganun niya rin ako dati.” Sabi ni kuya.

“No, it’s okay kuya. Sanay naman na ako.” Sabi ko at lumiko na.

“Dito na campus ko. Kita na lang tayo mamaya. Take care!” Sabi ko at tumalikod na sa kanya.

“Yeah, you also!” sabi niya.

Pagkarating ko sa classroom hindi ko pinansin si Cassie. Umupo na muna ako sa desk ko at natulog.

I’m Oliver John Ramos. Oliver lang tawag nila sa akin. Grade 11 STEM student.



And my life was full of comparisons.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Kristan’s POV

“Lola, tara na po. Kain na po tayo.” Sabi ko pagkapasok ko sa kwarto ni lola.

“Nakapaghanda na ba sila doon?” tanong niya at tumango naman ako.

Bumangon naman siya sa kama niya at tinulungan ko siyang tumayo.

Pagkatayo niya ay sinamahan ko siyang bumaba para makapunta sa dining room namin.

Pagdating namin doon naroon na silang lahat.

“Good morning ma, manang pakitulungan naman si mama na umupo. Para makakain na siya.” Sabi ni daddy.

Pagkarating ni manang sa pwesto ko ay pumunta naman na rin ako sa pwesto ko para kumain.

“Pupunta tayo sa States next week. Doon tayo magcecelebrate ng pasko.” Sabi ni mommy habang kumakain kami.

“Wow! I’m so excited mom!” sabi ni kuya Greg.

“Finally, makakasama ko na rin yung mga kaibigan ko." Dagdag niya

“Mom, sasama po ba si lola?” tanong ko at natahimik sila.

“Hindi anak, hindi na sasama si lola mo kasi hindi niya kayang bumiyahe.” Sabi ni daddy.

“Then, I will stay. Ang lungkot naman ng pasko ni lola kapag wala siyang kasama dito.” Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

“No Kristan, I’m okay here. Andito naman sila Manang.” Sabi ni lola.

“At Kris, didn’t you miss Christian ang Brad there?” tanong ni kuya Greg.

“Baka kaya gusto mong magstay dito sa Pinas kasi gusto mong kasama yung mga loser mong kaibigan.” Dagdag niya na nagpakulo ng dugo.

“What did you just said?!” I said, controlling my temper.

“Mas gusto ko pang kasama yung mga taong yun kaysa naman kila Brad that do drugs.” Sabi ko at uminom ng tubig.

“Or kaya siguro mas gusto mo silang kasama kasi you prefer addicts.”
Sabi ko at nakita kong napatayo si kuya Greg at susugudin na sana ako pero umawat sila daddy.

“TAMA NA YAN! NASA HARAP KAYO NG PAGKAINAN!” sigaw ni mommy.

Tumigil naman ako at tinapos na yung meal ko.

Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit ko.

“Una na po ako, papasok pa po ako ng school.” Sabi ko at lumabas na ng mansion namin.

Pagdating ko sa harap ay nakaready na yung kotse ko.

Pumasok naman ako sa loob at inistart na yung kotse ko.

Nagdrive na ako papuntang university. Ilang minutes lang ay nakarating na ako sa university.

Pumunta naman ako ng parking lot at pinark na yung kotse.

Nung tinignan ko yung oras ko, 7:40 na kaya nagmadali naman akong pumunta ng classroom.

I’m Kristan Jacob Mironio, some call me Kris. Grade 11 STEM student.




And my life was so f*cked up.

Friends for Keep (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora