3

11 2 0
                                    

Mikay’s POV

"Mikay! Ang aga-aga nakalukot na naman yang mukha mo." Sabi ng katabi kong si Cassie.

Pagkarating ko kasi dito sa classroom nakalukot na yung mukha ko.


Ayaw ko kasi talagang pumasok.


"Nakakainis kasi Cassie. Bakit kasi hindi pa nila pinaaga yung christmas break natin? Wala lang rin naman tayong gagawin kung hindi ang maghanda sa Christmas Party natin."
Sabi ko na parang natalo sa contest.



I’m so devastated right now.



"Hahahahahahaha. Okay lang yan Mikay. At saka hello, baka nakakalimutan mo. Inannounce beforehand na wala na tayong mahabang break dahil sa mga class suspensions nung mga nakaraang months. At tsaka, ano namang gagawin mo sa bahay niyo? Magbabasa ng libro?" sabi niya.

"Oo. Ano pa bang bago? Kailangan kong mag-aral ng mabuti. Syempre mag aadvance reading na rin ako para sa upcoming exams natin." Sabi ko at saka nilabas yung notebook ko sa Pre-Calculus.

Ano ba naman yan Yemika. Aral ka ng aral. Give yourself a break muna ha? Magenjoy ka rin paminsan minsan. Di yung lagi nalang libro yung inaatupag mo. Nagagaya ka na kay Oliver eh." Sermon sakin ni Cassie.

"Hay nako Cassandra! Ang aga-aga bunganga mo na naman naririnig ko. Natutulog ako eh.” Sabi ni Oliver at inangat ang ulo niya mula sa desk niya.

"Wow naman Oliver! Grabe ka sakin. Sinasabihan ko lang naman si Mikay na magsaya rin paminsan minsan. Biruin mo? Magbabasa lang raw siya ng libro throughout the whole christmas break? Hindi ba nakakabaliw yun?" Sabi ni Cassie habang nakaharap sa akin.

"Hayaan mo nga siya Cassandra. Kung yun ang gusto niya edi wag mong pilitin." Sabi ni Oliver habang nagaayos ng gamit niya sa desk niya.

"Aysus! Sige ganyan ka Oliver! Kung sabagay, kakampihan mo siya kasi gust---"

"NAGAWA MO NA YUNG ASSIGNMENT NATIN SA CALCULUS MIKAY?" Tanong sakin ni Oliver tapos, tiningnan niya ng masama si Cassie.

"Ah oo. Ang dali nga lang eh. Basic!" Sabi ko habang nilalabas yung assignment ko.

"Pakopya ako Mikay! Di ko nagawa yung akin!" Sabi ni Cassie.

"Sorry, hindi pwede. Magsagot ka mag-isa mo no." Sabi ko sa kanya.

"Damot!" Sabi ni Cassie habang nagmamaktol.





Tinignan ko naman yung desk ni Kristan.




Nasaan na kaya si Kristan? Kanina diba sabi niya on the way na siya?” tanong ko sa dalawa.

“Baka binugbog ng kuya niya bago siya pumunta dito.” Sabi ni Cassie at nagkibit-balikat.

Grabe ka naman kay Kuya Greg Cassie. Baka may dinaanan lang siya kaya nahuli siya.” Sabi ko.

“I doubt, parang pinaglihi sa sama ng loob yung kuya niya eh.” Sabi ni Cassie na natatawa.

Tumahimik na kayo at nandiyan na siya, and mukhang wala siya sa mood.” Sabi ni Oliver at napatingin kami sa harapan.

And naroon nga si Kristan, mukhang nagmadali. Pumunta naman siya sa desk niya next to Oliver.

“Late na ba ako?” tanong niya and pinunasan na muna yung mga pawis niya gamit ang panyo niya.

“No, you’re just in time. Paparating pa lang si Miss Gonzales.” Sabi ni Oliver.

“Hey, Kris natapos mo ba yung assignment sa calculus? Kopyahin mo na lang yung akin.” Sabi ko sa kanya.

Talaga? Thank you ah. May pinaayos kasi si daddy sa akin kagabi kaya hindi ko na naharap gumawa ng assignments." Sabi ni Kristan at iniabot yung papel na pinagsulatan ko ng assignment ko.

BAKIT SIYA PINAPAKOPYA NIYO AKO HINDI?! I HATE YOU!” pagmamaktol ni Cassie na nagpatawa sa amin.


“Oh, kumopya ka na rin. Nagdrama ka pa.” sabi ko habang natatawa.

“Yey! Salamat Mikay! Kaya love kita eh.” Sabi niya.

Di nagtagal ay dumating na si Miss Gonzales.







At start na ng boring classes.

Friends for Keep (COMPLETED)Where stories live. Discover now