25

3 1 0
                                    


Oliver's POV





Hindi na naman ako nakapag-confess sa kanya.








Naiinis ako sa sarili ko.




Kung kailan mayroon nang pagkakataon.








Kung kailan buo na yung loob kong  umamin ng feelings ko sa kanya.







I'm in love with her ever since Grade 9 kami.





I'm in love with her smile.


With the way she make her way for her.






I love how she thinks ideas kapag kailangan niya.





I totally love her.










Even though I knew I don't have a chance.




"Ano yung sinasabi mo Oliver?" tanong ni Mikay.

"A-ah? W-wala. Tara na sayaw na lang tayo!" sabi ko na lamang at nagsimula naman na siyang sumayaw kasabay ng mga classmates naming nasa dance floor na ngayon.

Habang tinitignan ko siya, napapangiti ako. Na parang lahat ng problema ko parang mawawala na kapag nakikita ko siya.






Pero may thought pa ring nagsasabi sa akin na dapat hindi ko siya mahalin.








Kasi sa huli masasaktan lang ako.









Alam kasi naming lahat na we better stay as friends. Kasi walang sakit sa friendship.



Kaya heto ako, nagtiyatiyaga na lamang sa one-sided love.






Nagsayaw lang kami ng sayaw hanggang sa napagod kami at nagdecide na umupo na muna sa table namin. Saktong tapos na rin yung party at puro sayawan na lamang ang ginagawa.

Pagkarating namin sa table ay doon namin nadatnan si George na mag-isa sa table namin.

"Oh! Hello George nasaan si Cassie?" tanong ko at naupo sa table namin.

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nasa dancefloor lang." sabi niya at uminom ng juice.

Tumango naman ako at tumingin kay Mikay. "Mikay, hanapin mo na si Cassie." Sabi ko.

"Sabihin mo tapos na ang party at ihahatid ko na kayo."

Tumango naman si Mikay at naglakad na papuntang dance floor.

Naiwan naman kami ni George sa table. Kinuha niya naman yung baso niya at uminom ng tubig. Tahimik lamang kami at tanging yung ingay sa party ang naririnig sa table namin.

"Bro ako na ang bahalang maghatid kay Cassie sa bahay nila." Sabi ni George bilang pagbasag sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. "Ikaw na ang mag-hatid kay Mikay."







Hindi ko naman siya sinagot at tumingin lamang sa dance floor.






Naalala ko na naman yung nangyare kanina. At naramdaman ko na naman yung panghihinayang.






Iyon na sana yung perfect moment namin.






Kung kailan nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob.







Napabuntong hininga na lamang ako at uminom ng juice mula sa baso ko.




"You have doubts..." sabi ni George kaya napatingin ako sa kanya.

"What are you saying?" tanong ko sa kanya.

"Alam mo bro, ngayon pa lamang tayo nagkakilala pero nahahalata kong may gusto ka kay Yemika." Sabi niya at nawala naman ako sa composure.











Ganoon ba ako kahalata?







Pero baka sinabi sa kanya ni Cassie. Sasabihin ko pa lang sanang mali yung mga sinasabi niya pero inunahan na niya ako.

"Kung iniisip mong sinabi sa akin ni Cassie, nagkakamali ka." Pigil niya sa sasabihin ko.

"Paano ko nalaman? Simple lang, I can see myself in you." Sabi niya.

"What do you mean?"

"Ganyan rin yung mga tingin ko kay Cassie noong una kaming nagkita. Actually, hindi ko naman talaga siya nakilala through chat. Nakilala ko siya sa isang event na hinding hindi ko makakalimutan." Sabi niya at tumingin sa kawalan ng nakangiti.

Lokong 'to, nag-iimagine siguro.

"Sabi nga ng mga classmates ko, baka siya na yung para sa akin. Kasi the way I look at her, look like I'm watching something magical. I'm so amazed." Dagdag niya at tumingin sa akin.

"Kaya noong nagkaroon ako ng chance, Tinake ko na yung risk. And now I'm with her, I coudn't measure how happy and lucky I am to have her."  Sabi niya at ngumiti.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo ah!" rinig kong sabi ni Cassie at umupo sa may seat niya. "Baka inilagay mo na naman sa hot seat itong si George ha Oliver."







Napangiti lamang si George at tumingin sa akin.









"Actually babe, it's the other way around."


Friends for Keep (COMPLETED)Where stories live. Discover now