16

3 1 0
                                    


Mikay's POV

Nang makarating kami sa cafe, nakita naming umupo si Cassie sa table kung saan nakaupo ang isang lalaking di naman nalalayo ang edad sa amin. Siguro mas matanda lang siya ng isang taon sa amin. Malinis naman siya tignan hindi kagaya ng ibang nakakameet niyang mukhang gangster ang itsura. Umupo narin kami si Oliver sa isang bakanteng table na nasa tabi ng table nila Cassie, para marinig namin ang mga pinag-uusapan nila at up close naming makita yung mga ikinikilos nung guy. Pero hindi kami nagpahalata na magkakakilala kami at nag-act rin kami ni Oliver na isang couple.

"My full name is actually George Andrew Castel. Buti pumayag kang makipag-meet sa akin ngayon Cassandra." sabi nung guy then nginitian niya sa Cassie.

"Nacucurious na rin kasi ako sa itsura mo. Akala ko hindi tunay yung mga pinopost mong pictures sa Social media account mo." Natatawang sabi ni Cassie.

"Is that a compliment, if it is well thank you. So anong gusto mong kainin, coffee, or cake. Ako nang mag-oorder." Sabi ni George tapos tumayo na para magtake ng order.

"I'm fine with frappe and a strawberry cake. And thanks for taking my order." Nahihiyang sabi ni Cassie.

"The pleasure is mine. So wait for me here." Sabi ni George tapos pumunta muna siyang counter.

"Hindi ko siya gusto. Parang may something sa kanya." Sabi ni Oliver at umalis na rin para mag-order na rin ng pagkain namin.

"Pero para sa akin good catch siya." Sabi ko at tinignan si Cassie.

"Ano okay ba siya?" Cassie mouthed.

"We'll wait pa. Baka fake lang yang ugali niya." Sagot ko naman sa kanya.


After ilang minutes bumalik na si George sa table nila ni Cassie at nagusap lang sila ng kung ano-ano about sa sarili nila hanggang sa dumating na yung mga inorder nila. Nagkwentuhan parin sila habang kumakain.

"First year College na ako and I'm taking up Political Science. Sa Kingsley University ako nag-aaral. Ikaw?" Sabi ni George.

"Wow! So mag-aabogado ka? I'm a Grade 12 student. And I'm planning on taking up Architecture. And fortunately sa King U din ako mag-aaral." Masayang sabi ni Cassie sa kausap niya.


Yung school namin, Kingsley University or King U para sa nakararami ay nahahati sa dalawang campuses. High school campus at College campus. Bale hiwalay sa ilang infrastructures ang campuses like cafeteria, classrooms at library. Pero share na yung dalawang campuses sa gymnasium, auditorium, field at sa parking lot.

"So next acad year schoolmates na tayo. That's good!" Masayang sabi rin ni George.

Masaya lang silang nagkwentuhan ni Cassie and nakikita ko naman yung sincerity sa mga mata ni George. Mukhang swerte si Cassie ngayon.

"George, punta lang ako ng restroom." Sabi ni Cassie then tinapunan niya saglit ako ng tingin at pumunta na siya ng rest room.

Sumunod naman na rin ako sa kanya dahil isa lang ang ibig sabihin nun. 




It's judgement time.


"So pasado ba siya para sa iyo Mikay?" Sabi ni Cassie habang nagsusuklay ng buhok.

"Okay siya. Mukhang tunay yung ugaling pinapakita niya sa iyo." Sabi ko then nag apply na ulit ng make up ko. Kailangan kong magretouch. "Pero paghintayin mo pa siya. Baka sa una lang siya ganoon. Try mong magset ng tatlo pang mga dates. Baka biglang magbago ang ugali niyan. So uuwi na ako Cassie ah. Marami akong gagawin sa bahay eh." Sabi ko after kong magretouch ng make up ko.

"Sige Mikay! Salamat at sorry sa abala."

"Nako you're welcome." Sabi ko then lumabas na ako ng comfort room at nagpaalam na kay Oliver. Ihahatid na niya raw ako kaya sabay na kaming lumabas ng mall. After ng ilang minutes na biyahe, nakarating na rin ako ng bahay namin. Nagpaalam na ako kay liver at nagpasalamat. Babalik pa siya ulit ng mall para sunduin si Cassie. Pagpasok ko, nasa dining table si papa habang kumakain ng dinner niya.

"Oh Yemika, tara na kain na rito." Aya sa akin ni papa sa table.

"No thanks pa, kumain na po kasi kami nila Cassie sa mall. Punta na po ako sa room ko pa. Magpapahinga po ako." Sabi ko then pumasok na ako sa room ko. Nagtake lang ako ng shower then nagprepare na ako sa pagtulog.

Friends for Keep (COMPLETED)Where stories live. Discover now