12

3 1 0
                                    

Mikay’s POV

"Uy Mikay, ano na naman yang iniisip mo? Kulang ka na naman siguro sa tulog?" Tanong sakin ni Cassie nang makapunta siya sa upuan niya sa tabi ko. "Di pa dumadating si Oliver? Himala magiistart na ang klase wala pa siya. Si Kristan din wala pa. Saan na naman kaya nagsusuot yung dalawang iyon?"

After ng klase namin sa second subject saka lamang dumating sila Oliver at Kristan. Pagdating nila syempre hindi sila nakaligtas sa sermon ni Cassie.

"Hoy Oliver John at Kristan Jacob! Saan ka galing at ngayon lang kayo?!" Pambungad sa kanila ni Cassie.

Nagkatinginan naman yung dalawa at parehas na ngumisi. Sa kanila ako nakitulog kagabi. May dinaanan lang kami saglit kaya natagalan kami.” Sabi ni Kristan at naupo na sa desk niya.

Si Oliver naman ay humarap kay Cassie. “Hoy Cassandra pahiram ako ng notes mo kanina ah.” Sabi niya at ibinaba na muna yung mga gamit niya.

Napansin ko naman na meron siyang isang box na dala dala. Mukhang galing pa sa isang courier.

“Heh! Manigas ka diyan. Hindi ako mapapahiram ng notes ko sa’yo.” Sabi ni Cassie na nagtataray. “Fault niyo na iyan kasi hindi kayo pumapasok sa mga klase ninyo."

"Alam ko namang ganyan ang sasabihin mo Cassandra. Kaya nagdala ako ng pangbribe ko sa iyo." Sabi ni Oliver tapos nilabas ang isang box mula sa bag niya. Napangisi lang rin si Kristan.

Ako naman ay nacurious kaya tinignan ko rin yung box na hawak ni Oliver. Nang tanggalin niya ang plastic cover nito ay literal na lumaki ang mata ni Cassie. At lumawak ang ngiti nito.

"Omo! Lightstick ng BTOB! Oliver paano mo yan nabili?! Diba mahal yan? Kaya nga ayaw akong bilhan ni papa." Sabi ni Cassie at akmang hahablutin na sa kamay ni Oliver yung box.

Die hard fan kasi ng KPOP si Cassie and ang group daw na iniistan niya is BTOB. I think yung isang member ata nila is yung isang actor sa Goblin na KDrama. Kaya ganun na lang ang reaction niya nung makakita siya ng lightstick.

"Hep! Bakit mo kinukuha? Eh ayaw mo nga akong bigyan ng notes mo?" asar sa kanya ni Oliver. Nasabi ko kasi na KPOP fan ka kay kuya Marco noong nag-iisip ako ng ireregalo sa iyo. Kaya sinuggest niyang lightstick na lang raw ang iregalo ko sa iyo sa christmas. Ngayon ko lang nakuha kasi late na nadeliver sa dito sa Pilipinas. Kinuha ko pa ito sa pinagpadalhan ng binilhan ko. Pero dahil inaaway mo ako...." tinago binalik ni Oliver sa box yung lightstick. "Ibebenta ko nalang."

"HUWAG MONG IBIGAY SA IBA!" sigaw ni Cassie. "Sige, ako magsusulat ng notes mo for 1 month. Ibigay mo lang sa akin yang lightstick." Nag puppy eyes na siya. "Matagal ko nang wish na makabili niyan."

"Ano? Di ko narinig yung sinabi mo? Maingay eh." Sabi ni Oliver.

"Ang sabi ko ako yung magsusulat ng notes mo for the whole month. Basta ibigay mo sakin for free yang lightstick." Sabi ni Cassie at mas nilakasan pa.

"Okay sabi mo eh." Tapos ay iniabot yung box kay Cassie.

Pagkabigay kay Cassie, binuksan niya naman kaagad yung box then tinry pailawin yung lightstick. Naamaze naman siya at super nagthank you kay Oliver.

Buong maghapong masaya si Cassie kaya nakakapanibagong ang active niya sa klase. Malaking epekto talaga siguro sa isang 'fan' na matupad kahit isang hiling lang nila. Nung uwian na, naiwan naman kaming tatlo sa room dahil kami ang nakatokang magsasara ng room.

"Oh Cassie, ito na yung mga notebooks ko. Ikaw na bahala dyan ah. Make sure na mababasa ko yung mga sinulat mo." Sabi sa kanya ni Oliver.

"Huh? Bakit Oliver? Bakit mo binibigay yung mga notebooks mo?" Inosenteng tanong sa kanya ni Cassie.

"Nakakalimutan mo na ba? Binigay ko sayo yung lightstick tapos ikaw na yung magsusulat ng notes ko for 1 month." Sabi ni Oliver. "Ikaw pa nga mismo nagsabi."

"What? May sinabi ba akong ganun? Binigay mo itong lightstick sa akin as a gift diba?" sabi ni Cassie tapos hinila niya na ako palabas ng room. "Sige Oliver bye!" Nakakalokong ngiting sabi ni Cassie.

Hays she done it again. The amnesia tactic na specialty niya. Ginagawa niya lang yun kapag nagbebet kami pero I think ginawa niya ito kay Oliver ngayon. Seems like mission accomplished siya.

Nagkatinginan naman kami ni Kristan at napa-iling na lamang. Madalas na talagang nag-aaway yung dalawa kaya medyo sanay na kami.

"Hah! Sinasabi ko na nga ba. Magdedeny ka. Buti may ibedensiya ako" sabi ni Oliver then tumingin siya sa amin.

"Mikay! Diba wala akong pinangako sa kanya diba?" Nagmamakaawa nang sabi ni Cassie sa akin. Iguess dinadamay niya ako sa kalokohan niya.

"No Cassandra Nicole, hindi si Mikay ang tinutukoy ko." Sabi ni Oliver then nilabas niya ang phone niya then pinindot niya yung play button.

"Ang sabi ko ako yung magsusulat ng notes mo for the whole month. Basta ibigay mo sakin for free yang lightstick." Nagplay sa phone ni Oliver yung recording ng promise ni Cassie.

So may trump card na hawak si Oliver. Seems like mission failed pala ngayon si Cassie.

"Sad to say Cassie si Mikay at Kristan lang ang mahuhulog sa ganyang gawain mo." Sabi ni Oliver sabay abot kay Cassie ng mga notebooks niya.

"Enjoy writing!" Then nauna na siyang umalis.

"Kainis na Oliver yun!" Sabi ni Cassie then tinago na sa bag niya yung mga notebooks ni Oliver.

"Hinding hindi mo talaga maiisahan si Oliver. Aba eh tuso din yan." Sabi ko then umalis na kami ng school.

Friends for Keep (COMPLETED)Where stories live. Discover now