29

3 0 0
                                    

Kristan's POV


"Kuya Greg? Can you please open the door?" tanong ko habang kumakatok. Wala pa ring sumasagot kaya mas nilakasan ko yung pagkatok ko. "Open the door please?"



"LEAVE ME ALONE!!." Rinig kong sigaw ni Kuya Greg mula sa loob. Medyo lumayo naman ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw.



Pero nilakasan ko yung loob ko at lumapit muli sa pinto ng kwarto niya. Kumatok ako ng apat na beses.



"Kuya, kahit ngayon lang please listen to me. Gusto lang naman kitang kausapin." Sabi ko at kumatok muli ng apat na beses. "Please kuya?"



I heard him groan and nakarinig rin ako ng mga yapak palapit sa pinto. After some seconds i heard the knob clicked, sign na inunlock ni kuya yung door ng kwarto niya.



Binuksan niya naman yung pinto at tumingin sa akin.



"Come in." rinig kong malumanay na sabi niya.



I slowly walk inside his room at dumiretso sa may table niya.



I saw some cigarettes, bottles and cans of beers, and a box of condoms.


I sighed at kinuha yung seat at umupo doon.



Nakita ko namang lumapit si Kuya Greg sa bed niya at humiga doon. Silence is starting to eat us, walang gustong magsalita sa aming dalawa.



"If you have nothing to say, you can leave my room." Sabi ni Kuya Greg habang nakahiga sa kama niya. Mukha siyang lasing, maybe yung mga nakakalat na bote ng beer ay kakaconsume niya lamang.



"Would you mind if I ask you a question?" tanong ko. Narinig ko naman yung pagbuntong hininga niya at bumangon mula sa pagkakahiga. Naka-upo siya ngayon sa kama at mukhang antok na antok.



"Shoot." Sabi niya pero mababakas mo pa ring nababagot siya. "But if that's absurb, don't expect me to answer you."



Tumango lamang ako at huminga ng malalim.




Naalala ko na naman yung mga pinaggagawa niya sa akin noon.




Naramdaman kong muli yung sakit ng mga suntok niya.



Yung mga masasakit na salitang ibinabato niya sa akin.




Pumikit ako at pinigilan ko yung sarili kong umiyak.



"May problema ka ba kuya?"



Isang tanong na dati pa bumabagabag sa isipan ko.




Isang tanong na dati ko pa gustong itanong sa kanya.



Muli na namang nanumbalik ang katahimikan sa aming dalawa. Nakayuko lamang siya roon, tanging ang paghinga lamang niya ang gumagalaw.


Siguro nakatulog na ito sa kalasingan.


I sighed and rose to my seat, thinking that I have failed to talk to him again. But before I reach the door, I heard sobs from Kuya Greg.



And that moment is new to me.




It is a first time I ever saw my brother crying.

Friends for Keep (COMPLETED)Where stories live. Discover now