22

3 1 0
                                    


Oliver's POV

After ng week-long exams namin ay satisfied naman ako sa naging performance ko. Sana nga lang magpaid off yung hardwork ko sa pagrereview.

"Tok!Tok!Tok!"

Bumangon naman ako sa kama ko at binuksan yung pinto. Bumungad sa akin si kuya Marco na nakangiti.

"Hey, pwede ba akong pumasok?" sabi niya.

Tumago na lamang ako at binuksan yung pinto. Pumasok siya at nahiga sa kama. Ako naman ay umupo sa gilid ng kama.

"Kumusta exams mo?" tanong sa akin ni Kuya Marco.

"Ayos lang naman......" sabi ko ng nag-aalinlangan.

"Uy Oliver, ayos ka lang ba?" rinig kong sabi ng taong kausap ko. Natulala na naman ako.

"Yes, kuya ayos lang ako. Medyo hindi na naman mapakali kakaisip kung magiging okay lang ba yung result ng exams ko. Pinepressure na naman kasi ako ni mama." Sabi ko at pilit na ngumiti sa harap ni kuya.

Ayaw ko mang aminin, pero sa totoo lang naiinggit ako sa kuya ko. Inggit na inggit ako sa kanya kasi nasa kanya na lahat. Matalino, responsable, mabait at gwapo. At nasa kanya rin yung atensiyon nila mama. Pero in my whole life never pa kaming nag-away ni kuya Marco. Never niya akong niyabangan sa mga achievements niya. Parang siya nga yung naging supporter ko sa kung ano man gusto kong marating sa buhay ko. Pero naging distant and cold ako sa kanya. Kaya parang hindi kami magkaclose.

Class Valedictorian siya sa community high school dito sa amin. Samantalang ako, laging third place sa Kingsley. Pero hindi niya kinocompare yung sarili niya sa akin. Lagi niya akong minomotivate na magaling ako kasi nakayanan kong maging top student sa isang private school.

"Ano ka ba Oliver, parang hindi ka pa naman nasanay kay mama. Lagi naman siyang ganyan." Sabi niya at nakita kong kinuha niya yung guitar ko sa may gilid. Nagsimula naman siyang mag-strum.

Isa siyang Architecture student sa Kingsley University. Graduating na siya at nakakuha na kaagad siya ng trabaho sa South Korea. Kaya ko rin naisipang magtake ng Engineering course kasi gusto kong maging partner siya. Siya kasi yung role model ko.

"Kaya ko naman itake yung pressure kuya, it's just that I think hindi ko maibibigay sa kanila yung hiling nilang magvaledictorian ako this graduation. Magagaling rin kasi yung competitors." Sabi ko.

"Basta, don't take your studies too seriously, remember to rest din. Mas magandang you're mentally prepared sa college kaysa naman mentally drained ka bago ka pa grumaduate. Trust me, mas maraming pressure pa ang mararamdaman mo kapag nagcollege ka. Parang masasabi mo na lang na ang gaan pa pala nung high school." Sabi niya.

"Okay kuya, I will always remember that." Sabi ko at inagaw sa kanya yung guitar ko. "Hindi ka talaga marunong tumugtog. Ganito oh." Sabi ko at sinimulang istrum yung guitar.

Napatawa naman si kuya at nagsuggest ng kakantahin namin.









"BLAAAAG!!!"










"RALPHHH!!! MARCO! OLIVER! ANG PAPA NINYO!!" gulat naming narinig mula sa living room kung kaya't mabilis rin kaming lumabas ni kuya Marco sa kwarto ko para tignan kung ano iyon.

"PAPA? PAPA!" Sigaw ko at dali-daling pinuntahan si papa at chineck ito.

"KUYA YUNG SUSI!! DALHIN NATIN SA HOSPITAL SI PAPA!" sabi ko at tumango naman si kuya Marco at kinuha yung susi ng family car namin.

Pinagtulungan naman naming dalhin sa hospital si papa.

Pagdating namin doon ay mabilis namin siyang dinala sa emergency room para matignan na agad siya ng doctor. Kami naman ay naghintay na muna sa waiting area aat nagdasal na sana okay lang si papa.

After ng ilang minuto ay lumabas mula sa emergency room yung doctor.

"Sino po rito ang kamag-anak ni Ralph Ramos?" tanong ng doctor. Sinenyasan naman ako ni Kuya Marco na ako na ang kakausap sa doctor dahil pinapakalma niya pa si mama.

"Ako po doc, anak niya po ako." Sabi ko.

Tumingin naman sa akin yung doctor at sinenyasan akong sumunod sa kanya papuntang emergency room.

Pagdating namin doon ay nakita kong natutulog si papa sa isang hospital bed habang maraming mga machines ang nakakonekta sa kanya.

"I will be straight to the point. Hindi biro ang naging bagsak ng papa mo. Tinamaan siya ng stroke, at napakabilis ng pagdevelop nito." Sabi nito at ipinakita yung picture ng ct scan ni papa.

"As you can see, nagkaroon ng pamamaga sa may left side ng brain niya. Dahil sa pamamaga ay naiipit nito yung right side ng brain niya." Sabi nito.

Tumango na lamang ako at pilit na iniintindi yung mga sinasabi ng doctor.

"I suggest na operahan siya agad para maagapan yung pamamaga. Pero hindi ko pa iyon magagawa hangga't hindi pa nagiging stable yung heart rate at blood sugar level niya. Sa ngayon ay nasa ICU siya hanggang sa maging stable na yung katawan niya and magiging ready na siya for operation. Maiwan na muna kita at pupuntahan ko pa yung iba ko pang patients." Sabi ng doctor at tinapik yung balikat ko.

Tulala naman akong bumalik sa pwesto nila mama at sinabi sa kanila yung status ni papa. Iniwan ko na muna sila dahil hindi ko kayang nakikita si mama na umiiyak.

Noong sumapit ang 1 pm ay naisipan kong puntahan si papa sa ICU. Si kuya kasi umuwi na muna sa bahay para tignan yung mga health insurance na pwedeng gamitin ni papa dito sa hospital.

Pagkarating ko doon ay nadatnan kong kinakausap ni mama si papa.

"Ralph magpakatatag ka ah. Andito lang kami ng mga anak mo. Papatapusin mo pa ng college si Oliver. Si Marco naman magtatapos na. Kaya magpalakas ka." Sabi ni mama at nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"M-mahal na mahal kita Ralph. Tandaan mo iyan." Sabi ni mama at hinalikan sa noo si papa.

Ako naman ay umalis ulit doon at pumunta na muna ng cr. Pagpasok ko sa isang cubicle ay napaiyak na ako.

"Pa, please magpalakas ka. Kahit mahihirapan ako, sisikapin kong ituloy yung mga pangarap ninyo sa akin. Basta mabuhay lang po kayo. Gusto ko pa pong marinig yung tawa ninyo. Gusto ko pang masermunan ninyo. Gusto ko pa kayong makita hanggang sa magkapamilya ako." Umiiyak kong sabi.

Nang mahimasmasan ako ay pumunta na ako sa ICU. Pero bago pa ako makapasok at nadatnan ko sa labas ng ICU si kuya Marco.

"Hey kuya bakit wala ka pa sa loob?" tanong ko sa kanya.

"Kinakausap pa ni mama si papa eh." Sabi niya at napangisi. "Ayaw ko namang makitang umiiyak si mama at naiiyak rin ako." Sabi niya.

Nang matapos ang ilang minuto ay napagpasiyahan naming pumasok sa ICU. Nakita naming natutulog si mama sa tabi ng hospital bed ni papa at magkahawak sila ng kamay.






Napangiti ako sa nasaksihan ko.

Friends for Keep (COMPLETED)Where stories live. Discover now