26

3 1 0
                                    

Oliver's POV

"Salamat Oliver sa pag-hatid." Sabi ni Mikay at pumasok na siya sa gate ng bahay nila.

Ako naman ay napabuntong- hininga na lamang at pinaandar yung kotse ko pauwi ng bahay.

Hanggang ngayon naalala ko pa rin yung kanina.






"Ano yun Oliver? May sinasabi ka ba?"






"You have doubts."





"KAINIS!!!" sabi ko at hinampas yung manibela.






Bakit ba hindi pa ako umaamin sa kanya?





Hindi naman ako takot ma-friend zone





"RIIIIIINNNNGGGGGG"



Napatigil naman ako sa pag-iisip tungkol sa nangyare kanina nung biglang nagring yung phone ko. Pagtingin ko sa caller, si nakaregister sa pangalan ni Kuya Marco. Kaya sinagot ko na. Inactivate ko rin yung speaker since mag-isa lang rin naman ako dito sa kotse at nagda-drive ako.

"Yes kuya napatawag ka?" tanong ko kay kuya habang nakatingin pa rin sa daan. "Dadaan lang ako saglit sa bahay para mag-palit. Then pupunta na ulit ako diyan sa hospital."

"No need." Sabi ni Kuya Marco. "Bukas ka na lang pumunta dito dahil bukas ka kailangan."

"Why? Anong meron bukas?" tanong ko pero bakas na sa akin yung pag-aalala. "May nangyare ba kay papa?"

"Operation na ni papa bukas. Sa ngayon kasi nag-stabilized na yung vitals niya." Sabi niya. "Mag-pahinga ka ngayon at pumunta ka bukas dito ng mga 7 am. 7:30 kasi ang operation ni papa."

"Sige sige, text ka lang sa akin o tumawag ka kung may kailangan ka." Sabi ko.

"Sige, mag-iingat ka." Sabi niya at pinatay na yung tawag.

Sakto namang nasa gate na ako ng subdivision namin nung natapos kaming nag-usap ni Kuya Marco.

Pinapasok na rin ako agad nung guard at dumiretso na ako pauwi sa bahay.

Pag-uwi ko ay pinark ko na yung kotse at sinarado yung gate. Pumasok ako sa bahay at nilock yung front door.
Dire-diretso akong pumunta sa kwarto ko. Ibinaba ko yung ilang mga gamit na dala ko at kumuha ng damit sa closet at nagmarcha papasok sa banyo para magshower.

After kong magshower at magpatuyo ng buhok ay natulog na ako.

Kinabukasan ay maaga ako naghanda para makapunta ako kaagad sa hospital. Saktong 7 am ay nakarating na ako sa ICU at nadatnan kong nagpre-prepare na silang dalhin sa Operating Room si papa.

Lumapit naman ako kay mama at kuya Marco para samahan silang mag-ligpit ng mga gamit namin doon.

After 30 mins na pagprepare ay inilabas na ng mga nurse si papa ay sumunod na rin kami.

"Ma, huwag kang umiyak ha. Magiging successful yung operation." Sabi ni Kuya Marco habang yakap si mama. Inilabas ko naman yung phone ko para sabihan yung tatlo about sa operation ni papa.

Kagabi ko lang rin kasi sila sinabihan about sa situation ni papa.

-LOAFTRIP-

Oliver John: Good morning!!
Yemika: Good morning @Oliver! Kumusta na papa mo?
Cassandra Nicole: Good morning! Aga niyo nagising ah.
Kristan Jacob: Good evening sa inyo!

Nung nakita kong active silang tatlo ay nagtype na ako ng message.

Oliver John: @Yemika Operation ni papa ngayon. @Kristan What time ka matutulog baka mapuyat ka na naman.
Yemika: @Oliver oh? Sige bibisita ako diyan mamayang lunch.
Kristan Jacob: @Oliver mamayang 10 pm pa siguro bro. May tinatapos akong assignment.
Cassandra Nicole: @Oliver Bisita kami ni George mamaya. @Mikay sabay ka na sa amin.
Yemika: sige Cassie. Sunduin niyo na lang ako dito sa bahay.
Cassandra Nicole: Sige

After ng conversation namin ay pinatay ko naman yung phone ko at lumapit kila mama na naka-upo sa may waiting area ng operating room.

"Kuya, ilang oras raw ang duration ng operation?"

"Sabi ng doctor since unti-unti nang lumiliit yung pamamaga nung left side ng brain ni papa ay approximately 3-5 hours tatagal yung operation." Sabi niya sa akin. "Nagbreakfast ka na ba?"

"Hindi pa, nagmadali kasi akong pumunta dito." Sabi ko. "Kayo nagbreakfast na ba kayo?"

"Hindi pa rin." Sabi ni Kuya at kinuha yung wallet niya mula sa bulsa niya. Kumuha siya ng pera doon at iniabot sa akin.

"Magbreakfast ka na, tapos ay itake-out mo na lang yung pagkain namin ni mama." Sabi niya sa akin.

Kinuha ko naman iyon at umalis na muna ng hospital para kumain.







Sana maging successful yung operation mo papa.







Friends for Keep (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt