Kabanata VIII

24 5 1
                                    


Jassy's POV

Nasa shoshinsha building na ako. Nasa loob ako ng dorm habang nakahiga sa kama ko. Nanghihinayang parin ako dahil sa nangyari kanina sa field.

Flashback~

Nang matapos ang pagsasalita ni Teff slash Head Sensei Yuri ay umalis ito sa stage. Plinano kong sundan siya upang malaman ang mga kasagutan sakanya. Akmang tatakbo na ako ng may humawak sa braso ko dahilan upang mapahinto ako.

Tinignan ko ang taong humawak sa braso ko. At bumungad sakin ang mukha ng isang lalaki. Gwapo ito, ang singkit niyang mata ay nakatingin sakin. Mestizo ito at mas matangkad pa sakin, hanggang balikat niya lang ako. Nakasuot ito ng white shirt at nakamaong.

"Bitawan mo 'ko" inis kong saad sakanya.

"Hindi pwede, gagawa ka lang ng eksena" sagot niya.

"Ano bang pakialam mo?! Ha?!" medyo tumaas ang boses ko kaya may iilang lumingon sa kinatatayuan namin.

"See? Hindi mo pa nga nasusundan ang Head Sensei gumawa kana ng eksena" saad niya.

Lumingon siya sa mga taong nakatingin sa'min.

"Sorry, it's nothing, my girlfriend is just jealous. Nothing to worry about" nakangiti niyang saad.

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig.

'Anong girlfriend?! Gago ba siya?!' sigaw ko sa isip ko.

Hindi na nakatingin ang mga tao sa'min which is good kasi atleast hindi na sila makikinig sa pag-uusapan namin ng lalaking ungas na'to pero imbes na relief ang mararamdaman ko inis.

Alam niyo kung bakit? kinikilig lang naman sila sa'min, nabubuwiset na talaga ako. Hindi ko na nga nasudan si Teff dumagdag pa'tong lalaking ungas na'to.

"Bitawan mo 'ko stranger" may diin na saad ko.

And finally binitawan niya na ako.

"Ano bang problema mo ha? Ba't ka nakikialam sa problema ng iba? Huh?" bakas pa rin ang inis sa tono ng pananalita ko.

"Vanen, from Inozuki Clan" sambit niya at inilahad ang kamay.

"And you are?" dagdag na sambit niya.

'Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to, feeling close, kapal ng mukha' inis kong sambit sa isip ko'

"All I need from you is your reason kung bakit mo 'ko pinigilan kanina, I don't care about your fucking name stranger" inis na sambit ko.

Inilagay niya ulit sa bulsa ng pants niya ang kamay niya.

"Well if you don't want to say your name to me then let's stay as strangers, and the reason why I stopped you is..." lumingon lingon muna siya kung may nakikinig ba sa'min.

At dun ko lang napansin na may red tattoo siya sa bandang leeg niya, which means isa siyang mind reader and illusionist.

Bumaling ulit ang tingin niya sa'kin at nagsalita.

"I know you already know which family I belong, right?" tanong niya.

Tumango lang ako bilang tugon.

"I'm a mind reader and illusionist, I can read everyone's mind, alive or dead. As long as the body is still present. A while ago I was scanning everyone and a lot of thoughts came out. But when I stared at you, I can't read you. You know in this world there is only one thing that can stop mind readers from reading someone... An enchantment from a great healer" sambit niya.

Valerien Academy: The Long Lost Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now