Kabanata II

33 7 0
                                    

Jassy's POV

Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang naka upo at walang humpay na umiiyak dahil sa mga pangyayaring hindi ko maintindihan.

Pakiramdam ko'y wala akong kakampi, na parang ang lahat ng nakapalibot sa akin ay may mga sekretong itinatago sa akin.

"Anak! Nasa'n ka? Nandito na ako. Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam na aalis ako. Tulog ka kase habang papaalis ako" dinig kong sigaw ni papa Teoro mula sa may pintuan.

Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at nag ayos. Dali-dali akong bumalik sa kusina at tinapos ang pagluluto.

"Pa, nandyan na pala kayo. Halika po at ipaghahanda kita" saad ko habang nagsasandok ng kanin sa plato.

Naramdaman kong umupo at pumwesto na si papa sa kanyang upuan. Inilapag ko ang adobo sa mesa at inaya si papa na kumain na.

Tahimik kaming kumakain, kaya naisipan kong basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Uhmm. Pa. May itatanong lang sana ako" kabado kong sambit.

Umangat ang tingin ni papa sa akin at sumagot.

"Ano yun 'nak?"

"Uhhh. Pa. Kase...ano...uhmmm"

"Ano bayun 'nak, sige na wag kanang mahiya" pagpupumilit niya.

"Uhmm pa. Pano kung isang araw tumawag si mama sa atin, ano pong gagawin niyo?" kabado kong tanong.

Nanlaki ang mata ni papa tsaka nagsalita.

"Bakit mo naman yan natanong 'nak? Matagal nang patay ang mama mo imposibleng makatawag pa siya sa atin" inis niyang sambit.

"Bakit mo pala natanong ha? Tumawag ba siya o nagpakita?" pagtatanong niya.

"Wala po. Hindi po siya tumawag o nagpakita. Just, forget that I asked po" nakayukong tugon ko.

Binilisan ko ang pag ubos ng pagkain ko tsaka umakyat sa kwarto. Mabilis na tumakbo ang oras, hindi ko namalayang gabi na.

[Phone ringing...]

Inabot ko ang cellphone kong nasa ilalim lang ng lampshade na katabi ng kama ko.

"Hello? Sino 'to?"walang gana kong tanong

["Si Tiffany 'to Jassy"]

"Oh? Tiffany napatawag ka? May kailangan ka?"

["Bukas na ang first day of class and I know galit ka pa rin sa ginawa namin sa bar. I just want to say I'm sorry. Also, alam kong wala ka pang mga school supplies kaya binilhan na lang kita. Daanan mo nalang sa bahay bukas"]

"Ahh ganun ba? Sige thank you"

["Wag kana sanang magalit sa amin ni Lalaisha ha"]

"Don't worry okay na yun"

["Sige thank you"]

"You're welcome, sige ibaba ko na 'to may gagawin pa kase ako. See you tomorrow. Bye"

["Sige babye"]

*END CALL*

Tumayo ako at tumungo sa study table ko. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang kwintas na nandoon.

Isang kwintas na may pendant na letter "V" at isa sa dalawang bagay na iniwan sa akin ni mama bago siya nawala.

Dalawang bagay ang iniwan ni mama sa akin bago siya nawala, ito'y isang libro at kwintas. Hindi ko na isinusuot ang kwintas dahil narin sa banta ni papa.

Mahigpit niyang ipinagbabawal sa akin ang pagsuot o paggamit ng mga bagay na iniwan at pagmamay-ari ni mama Lucia.

Simula noong mawala si mama, ipinagbabawal na ni papa ang paggamit ng libro at kwintas na ibinigay ni mama sa akin.

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora