Kabanata XXXVI

6 3 0
                                    

Jassy's POV

Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Kazue simula ng bumalik ako.

Actually sumama lang naman ako sa lalaking nakita ko nong nakaraang mga araw... Specter daw yung tawag sakanya ng marami.... And hindi ako sumama sakanya dahil sa nainganyo ako sa mga mabulaklaking mga salita niya.

Sumama lang ako kase kailangan kong lumayo muna kay Kazue... Para kaseng binabasag yung puso ko sa tuwing nakikita ko siya... Nasaktan kase talaga ako sa sinabi niyang hinding hindi niya ako mamahalin... Bakit? Ganun ba ako kahirap mahalin?

Hindi ko namalayan na tumulo na naman pala yung mga luha ko... Pinahid ko ito gamit ang kamay ko.

Nasa loob ako ngayon ng bahay ko... Hindi na rin ako lumalabas ng madalas... Si Ichinose naman ay panay yung pagbisita sakin... Pati na rin si Ayumu at iba pang mga tao sa bayan... Tanging si Kazue lang yung hindi nagparamdam... Pero gets ko naman kung bakit, iniiwasan ko nga siya diba?

Tumayo na ako at pumunta sa kusina... Gutom na ako... Akmang lalabas sana ako para kumuha ng iilang rekados ng may marinig akong kaloskos mula sa likuran ng bahay.

Gabi na kaya nakapagtataka kung bakit may narinig akong kaloskos sa likuran ng bahay ko.

Hinanda ko ang kara ko at dahan dahang lumabas ng bahay... Tahimik akong naglakad papunta sa likod at sinilip kung may tao ba.

Nagulat ako sa nakita ko.

'Specter?!'

"Hoi... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Lumapit siya ng konti sakin bago nagsalita.

"May gustong kumausap sayo"

Napakunot ako ng noo dahil sa narinig.

"Huh? Sino naman?" pagtatanong ko ulit.

"Malalaman mo pag pumayag kang makipagkita"

"Pano ako nakakasigurado na wala kayong gagawing masama?" naka cross arms kong tanong.

"Hindi kami magtatangkang gumawa ng gulo lalo na't nasa North Chamber tayo... Ang lugar na may basbas ng kapangyarihan mula sa mga diyos"

Natahimik ako saglit at napaisip.

'Oo nga naman... Hindi sila pwedeng gumawa ng masamang bagay lalo na't nandito ang tagapagbantay ng North Chamber... Si Kazue... Sigurado akong hindi niya hahayaang may mangyaring hindi maganda sa loob ng North Chamber'

"Sige... Papayag ako... Pero sa isang kondisyon"

"Ano?" tanong niya.

"Ako ang pipili sa lugar ng pagkikitaan namin... Mas panatag ako kung ganon"

"Sige... Walang problema... San gusto mo?"

"Sa liblib na lugar... Malapit sa malawak na parte ng gubat... May makikita siyang kulay pulang laso na nakatali sa mataas na parte ng mga puno... Sundan niya lang yun at makikita niya ako dun"

"Sige... Sasabihan ko siya... Basta bukas ng gabi, sa ganitong oras pa rin"

Tumango lang ako bilang pagtugon... Ilang saglit pa ay umalis na siya na parang anino... Hindi na nga kataka taka kung bakit tinawag siyang "Specter"... Para lang siyang anino kung kumilos... Nawawala din siya dilim.

Pinuntahan ko na ang pagkukunan ko ng mga rekados at dali daling bumalik sa bahay... Baka kase magkita pa kami ni Kazue... Ayoko talaga munang kausapin siya.

~•••~

Pagkatapos kong magluto ay naghugas na ako ng pinggan at inayos na ang kama ko... Nag half bath lang muna ako saglit bago tuluyang humiga sa kama.

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now