Kabanata XXIX

8 3 0
                                    

Izumi's POV

Halos mag iisang buwan na ang nakalipas.... Pero wala pa rin talagang balita kay Jassy... Yung mga sensei dito sa Valerien mukhang nakalimutan na ang tungkol sakanya.

"*sigh*"

Napalingon si Ichika sakin ng marinig niya ang pagbubuntong hininga ko.

"Atama?... Okay ka lang po ba?" nag aalalang tanong niya.

"Mhmm... Okay lang... Wag mo kong alalahanin.... Ahmm..  Ichika pwede bang ikaw nalang muna ang magbantay sa mga nagtri training?... Hindi kase masyadong okay yung pakiramdamn ko... Magpapahinga lang ako saglit"

"Oh... Sige po... Pahinga po kayo"

"Salamat"

Tumayo na ako at naglakad palabas ng training grounds... Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Super stressed out na talaga ako ngayon... Sa fact na hindi pa nahahanap si Jassy at sa pagiging mabagal na pagunsad ng imbestigasyon upang matunton si Jassy.

'Sana talaga okay ka lang Jassy... Alam kong bago palang tayong magkaibigan pero sobra akong nag alala ng mawala ka... Hanggang ngayon hindi ako nilulubayan ng takot na baka kung anong mangyari sayo sa labas... Sana nasa ligtas na kalagayan ka ngayon... Sana talaga... Sana'

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko... Hanggang sa dumilim ang paligid at nakatulog ako.

.
~•••~
.

'Nasan ako?... Bakit ang dilim?... Nananaginip ba 'ko?'

Hindi ko alam kung nasan ako ngayon... Madilim ang buong paligid ko at tanging paghinga ko lang ang naririnig ko... Wala din ni isang ilaw ang makikita dahil sa dilim.

Sinubukan kong maglakad at nagbabakasaling may maaninagan akong ilaw... Pero ilang hakbang palang ang ginawa ko ay biglang nag iba ang paligid... Umilaw ang buong paligid kaya napatakip ako ng mga mata.

Nang humupa na ang ilaw ay dahan dahang kong inalis ang kamay ko sa mata ko... Pagkatanggal ko ng kamay ko ay bumungad sakin ang isang napakagandang kaharian.

'Wow... Ang ganda!'

Nagsimula akong maglakad... Pinagmasdan ko ang buong paligid.... Madaming mga maliliit na mga nilalang ang lumilipad at maraming mga maliliit na mga batang naglalaro.

May nakikita din akong mga estudyanteng nag eensayo... Maraming mga magagandang halaman at bulaklak sa paligid... This place is almost like a paradise.

Okay na sana ang lahat ng biglang may narinig akong pagsabog... Kasunod ng pagsabog ay mga sigaw ng mga tao... Maraming nagsitakbohan palayo sa lugar ng pagsabog.

Magtatanong na sana ako sa mga taong nakakabanggaan ko ng may naramdaman akong kakaibang enerhiya... Malakas ang enerhiya pero medyo pamilyar sakin.

Hindi ko na sana papansinin yun pero may bigla akong naaninagan mula sa lugar ng pagsabog kanina..

'Pamilyar... Sino kaya yun?'

Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at tumakbo agad ako sa lugar ng pagsabog kanina... Nadatnan ko ang iilang mga taong nakahandusay at tila wala nang buhay.

May mga sugatan din akong nakita at debris na nakakalat sa buong lugar.

Hinanap ko ang taong nakita ko kanina dito.

"You started this... But I will be the one whose going to put an end to all of this"

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang mga salitang yun.

Valerien Academy: The Long Lost Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now