Kabanata XII

10 4 1
                                    

Jassy's POV

"Bakit ang dilim?" kumakapa kapa ako sa kawalan.

"Nasa'n ba ako? Bakit ang dilim?" takang tanong ko sa sarili.

Napatigil ako sa pagkapa ng biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari bago ako mapunta sa madilim na lugar na 'to.

"Bumubulusok na bolang apoy? Fire Ball? Malakas na enerhiya? Building?PAGSABOG??!" sigaw ko.

Alam kong lumalaki ngayon ang mga mata ko dahil sa gulat kahit na wala ni isang bagay akong maaninag.

Napatawa ako ng mapait.

"He-he-hehehe. Hindi maaari. He-he-hehe. Hindi pa 'ko patay. Hindi... HINDI PWEDE!!!!!"

Napatakip ako ng mga mata ng biglang bumalot sa akin ang liwanag kasabay ng pagsigaw ko ng malakas.

Ilang segundo pa bago ko binuksan ang mga mata ko ay tumambad agad sa akin ang isang malinis at magandang kwarto.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at masasabi kong isang baby ang nag mamay-ari ng kwarto. May mga laruang pangbata, colorful rug, crib, children's desk at iba pang mga gamit pangbata.

Dumungaw ako sa bintana upang malaman kung anong lugar 'to.

Mga kawal na nagroronda, mga kasing edad kong nag eensayo, mga maliliit at magagandang mga nagliliparang hayop.

"Palasyo ba 'to?" taka kong tanong sa sarili ko.

"Where's my angel? Is she sleeping?"

Napalingon ako sa pintuan ng may marinig akong boses ng isang babae.

"Hai, watashi no joō" sagot ng isa pang babae.

Nakarinig ako ng pagpihit ng seradula ng pinto kaya mabilis akong humakbang papunta sa isa pang pinto malapit sa bintanang tinatanawan ko.

Nakapasok ako sa c.r ng kwartong ito ng hindi ako nahuli ng sino mang tao sa labas ng pinto.

"Where's my baby?!"

Nagulat ako ng nakarinig ako ng sigaw mula sa loob ng kwarto.

"I am asking you!! Where's my baby?!"

Mas lalong lumakas at naging agresibo ang tono ng pagsigaw ng isang babae.

"S-she's here a w-while ago watashi no joō" rinig kong utal utal na salita ng isa pang babae.

Nakarinig ako ng malakas na pagsabog sa kwarto. Sumilip ako upang malaman kung ano ang sumabog.

Laking gulat ko ng nagkaroon ng malaking butas ang pader ngunit mas nagulat ako ng biglang tumalon ang babaeng nakapormal na damit, mukha siyang isang reyna sa suot niyang damit at koronang suot niya.

Napalingon ako sa babaeng naiwang nakatayo. Sa hula ko isa siyang tagabantay ng reyna.

"*smirk* Pasensyahan tayo mahal na reyna, pero hindi mo muna masisilayan ang anghel mo. Pero wag kang mag alala, sisiguraduhin kong nasa mabuting kamay siya ngayon at malayo sa magulong mundong 'to"

Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi ng babaeng 'to pero sigurado akong may kinalaman siya sa pagtalon ng reyna sa mataas na gusaling 'to.

Nang akmang aalis na siya ay bigla nalang lumiwanag ng malakas ang paligid at sa muling pagdilat ko ay bumungad sa akin ang bahay kung saan ako lumaki.

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant