KABANATA XXII

8 3 0
                                    

Izumi's POV

Bumalik ako sa dorm at mabilis na nilock ang pinto ko.

Padabog akong umupo sa kama ko.

"Bwesit talaga yung lalaking yun. Porket galing siya sa pinakamataas na ranggo ng Clan sa buong Ozia nagagawa nalang niyang pasunurin lahat ng nasa paligid niya. Tangina" inis kong sambit.

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko.

Para kahit papano ay mawala ang inis ko sa bwesit na lalaking yun ay inilagay ko ang sarili ko sa loob ng isang illusion.

Hindi na masyadong mahirap para sakin ang gumawa ng illusion dahil na rin sa todong pag eensayo ko.

Araw araw 'kong eni-ensayo ang sarili ko upang mas magamay kong magamit ang kara ko sa iba't ibang klase ng style. Tulad ng paggawa ng illusion, telepathy, sign reading at iba pang hindi ko pa natutuklasang style.

Right now I'm inside of my own illusion. It takes place in a forest. Where I lay down in my favorite spot and just let myself feel the refreshing breeze that makes me calm mentally, emotionally and physically.

Sa puntong 'to. Tanging ang illusion ko lang ang nagpapakalma sakin.

*TOK* *TOK* *TOK*

Napamulat ako ng marinig ang pagkatok sa pinto ko.

'Sinong bwesit pa ba ang kulang na sisira ng araw ko?'

*TOK* *TOK* *TOK*

"Who is it?!"

*TOK* *TOK* *TOK*

Padabog akong tumayo at marahas na binuksan ang pinto.

"Ano bang kaila-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita kung sino ang nasa likod ng pinto ko.

"What took you so long to open?" sambit ng taong nakatayo sa labas ng pinto ko.

"What do you want?" I asked in a cold tone.

"Why don't you ask me first to come inside? I know you don't like other people meddle in your business"

Tinignan ko siya ng walang kabuhay buhay.

'Asshole'

Tumabi ako ng kaunti upang makadaan siya bago ko sinara ang pinto.

Bumuntong hinga muna ako bago 'ko hinarap ang walang 'yang 'to. Sa totoo lang, siya lang ang lalaking may gana pang mangbwesit sa kabila ng mga kawalang yaan na ginawa niya sakin.

Tinignan ko siya ng masama ng makitang komportable siyang nakaupo sa kama ko.

'Ang kapal talaga ng mukha ng 'sang 'to. Bwesit'

Tinungo ko ang study table ko at umupo sa upuan ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko upang makita niyang kunwari busy ako.

"What brought you here?" pagtatanong ko.

Kahit nakatalikod ako alam kong nakatingin siya sakin.

'Tama. Galingan mo acting mo Izumi. Busy busyhan ka ngayon'

"Nothing. I just want to say hi"

Napataas ako ng kilay ng marinig ang sinabi niya. Dahan dahan akong umikot habang nakaupo sa swivel chair ko.

Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair ko sabay crossing my arms.

"Have you completely gone insane?"

Tinukod niya ang kamay niya sa kama ko sabay tingin sakin.

"I don't think so. Saying hi to someone I know is not crazy. It's called, being friendly *smiles*"

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant