Kabanata XXVIII

6 3 0
                                    

Jassy's POV

"Hahahah... Oo nga noh... Hindi ko napansin"

"Patawa talaga... HAHHAHAHA"

Nag uusap kami ngayon ni Ichinose... Tapos na kase ang training ko... At so far, madami na akong techniques na nadiscover... From the defense to offense techniques.

Napatigil kami ni Ichinose sa paguusap ng biglang dumating si Ayumu.

"Ate Jass... Pinapapunta ka po ni Kuya sa main gate"

"Huh?.... Bakit daw?"

"Ewan ko po... Hindi po niya sinabi eh"

"O sige... Pupunta ako mamaya"

"Dapat daw po ngayon na..."

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Okay... Sige... Ichinose puntahan ko muna si boss ha... Baka mainip yun"

"*laughs* Sige... Wag mo akong isipin okay lang ako... Baka pagselosan pa ako non *laughs*"

"*chuckles* Siraulo talaga 'to oh"

"Sige na... Alis na"

"Oo na... Makabugaw ka naman... Hmpp... Tara na nga Ayumu"

Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Ayumu... Sabay kaming naglakad patungo sa main gate.

"Ano ba kase gustong sabihin ng Kuya mo?.... Atsaka bakit sa main gate pa?"

"Ewan ko po"

"Itong kuya mo den noh?... May pamysterious effect pang nalalaman"

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa main gate... Hindi na sumama si Ayumu sa labas ng main gate at bumalik na sa bahay nila.

Ako naman ay hinanap si Kazue.

"Nasan kaya siya?..."

"Jassy"

"Ayy letcheng gulay!... Ano ka ba Kazue.... Wag ka namang manggulat... Papatayin mo pako sa gulat eh" pagreklamo ko.

"Pasensya na..."

"Bakit mo nga pala ako pinatawag?... May gagawin ba tayo?... Training?"

"Wala... May gusto lang akong sabihin"

"Ano yun?... Sabihin mo na" pamimilit ko.

"Umupo muna tayo"

Inaya niya akong umupo sa isa sa mga malapit na ugat ng puno dito sa kinatatayuan namin.

"So... Anong sasabihin mo?" pagtatanong ko.

"Alam mo... Dapat noon ko pa to sinabi sayo.... Simula dapat nong training mo dapat alam mo na to... Pero hindi talaga ako makahanap ng tamang tyempo para sabihin sayo"

"Ano ba kase yun?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Pamilyar ka ba sa pangalang Lucy?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya... Parang nalukot yung dila ko at tila ba'y hindi ko mabuka ang bibig ko.

"Jassy?"

Tinignan ko siya ng seryoso at parang nagets naman niya yung sagot ko sa tanong niya.

"Mabuti naman at pamilyar ka... Kase may dapat kang malaman tungkol sakanya"

Hindi na 'ko nakapagsalita pa at hinayaan ko siyang magpatuloy sa sasabihin niya.

"Matagal na panahon nang lumipas... May dalawang kaharian dito sa Ozia ang mortal na magkalaban.... Sila palagi ang laman ng usap usapan ng mga tao dahil sa alitan nila... Hindi sila mapagkasundo ng iba pang mga kaharian pati na rin ang mga nasa Council ng Ozia"

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora