KABANATA XX

6 3 0
                                    

Kazue's POV

Unang tingin ko palang sakanya alam kong may kakaiba na.

Sa buong buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganong kalakas na tipo ng kara. Akala ko hanggang sa libro ko nalang malalaman na may taong nagtataglay ng malakas na kara.

Habang naghihintay ako sa pagtatapos ng unang pagsasanay ni Jassy ay umupo ako sa malapit na punong nakita ko.

Naalala ko ang ebinilin at naging usapan namin ni Ginoong Phanes bago siya umalis.

-Flashback-

"Pasensya na dahil sa pagdating ko dito ng walang pasabi Kazue" seryosong sambit ni Ginoong Phanes.

"Wag po kayong mag alala. Kahit anong oras at panahon maaari kayong pumarito sa North Chamber" bahagya akong ngumiti.

Sandali kaming binalot ng katahimikan bago ulit siya nagsalita.

"Kazue. Maaari ko bang hingin ulit ang tulong mo?"

Kahit nagtataka ako kung tungkol san ang tulong na hinihingi niya ay sumagot pa rin ako.

"Oo naman po. Ano po bang maitutulong ko?" magalang kong pagtatanong.

Tinignan muna niya ako bago nagsalita.

"May isang bata akong dapat sanayin."

Nanatili akong tahimik at nakikinig sa bawat salitang binibitawan niya.

"Pero hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang sanayin lalo na't may isang balita akong natanggap mula sa lugar ng mga espirito patungkol sa nalalapit na kaguluhan"

Hindi pa rin ako kumikibo at patuloy na nakikinig.

"Kaya humihingi ako ng pabor sa'yo. Maaari mo bang sanayin para sakin ang batang dala ko?"

"P-po?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Ikaw ang magsasanay sakanya"

Natahimik ako saglit bago nagsalita.

"Mawalang galang na po. Pero bakit ako? Ang ibig ko pong sabihin. Isa lamang akong hamak na tagapagbantay ng North Chamber. Hindi po ako malakas at kasing talino tulad niyo." mahinahon kong tanong.

"Hindi ko kailangan ng taong malakas at matalino upang sanayin ang batang dinala ko dito. Ang kailangan ko ay isang taong mapagkakatiwalaan ko"

Pinipilit kong intindihin kung bakit ako ang napili ni Ginoong Phanes para sa isang mabigat na gawain.

Lumapit siya ng kaunti sakin bago nagsalita.

"Sa tingin mo ba dadalhin ko ang batang 'yon dito ng walang dahilan?"

Napaisip din ako saglit.

'Bakit nga ba dito siya dinala?'

"Alam ko kasi na may isang taong namumugad dito ang pwede kong pagkatiwalaan. At ikaw yon"

Tinignan ko si Ginoong Phanes na nakatingin din ng malalim sakin.

"Minsan ko nang narasan ang pagiging tapat mo sakin. Wag mo sana pagdudahan ang desisyon kong ito"

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora