Kabanata III

32 5 1
                                    

Lalaisha's POV

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Jassy na ngayo'y tulala pa rin dahil sa nangyari kanina.

Narito kami ngayon sa waiting shed nakaupo habang hinihintay namin ang susundo saming tatlo.

-Flashback-

Habang kasabay kong tumatakbo si Tiffany ay may narinig kaming tunog ng mga librong nahulog sa sahig. Huminto kami at lumingon.

Nakita naming may nakabunggoan si Jassy at nahulog ang mga dala nitong libro. Pinulot agad niya ang mga yun at humingi ng tawad.

Akala namin ay aalis na si Jassy sa harapan ng babae ngunit nanlaki ang mga mata nito na animo'y nakakita ng multo habang nakatitig sa mga mata ng babae. Ang akala namin ay kakilala niya lamang yun ngunit tumagal ang pagtitig niya sa babae.

Nagkatinginan kami ni Tiffany kaya mabilis akong tumakbo at hinablot si Jassy palayo sa babae.

Nanghingi ako ng paumanhin sa babae dahil sa nagawa ni Jassy, ngumiti lamang ito at nag paalam. Pero si Jassy ay nakatulala pa rin na para bang hindi makapaniwala sa mga nakita niya sa mata ng babae habang siya ay nakatitig doon.

Hinatak agad namin siya papuntang waiting shed at doon pina-upo.

-End of Flashback-

"Jassy. Hoy Jassy ano kaba bakit kaba nakatulala" nagtatakang tanong ni Tiffany kay Jassy.

Wala pa rin kaming nakuhang matinong sagot kay Jassy. Bukod sa nakatulala lang ito at nakatitig sa kawalan ay paulit ulit niya lamang binibigkas ang mga salitang, 'Hindi maari, hindi'.

Laking pasalamat ko at dumating na ang sundo namin kaya dali-dali kaming pumasok sa kotse at umuwi.

Hinatid namin si Jassy sa bahay nila. Nakapatay pa rin ang mga ilaw at wala pang tao. Hindi naman namin kayang iwan nalang si Jassy doon mag-isa kaya sinamahan na lamang namin siya upang mabantayan siya.

"Teff, mag-iinit muna ako ng pagkain para may makain tayo" sabi ko kay Tiffany.

"Sige, ako na ang bahala kay Jassy" tugon niya.

Habang iniinit ko ang pagkain ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kay Jassy kanina. Tinitigan niya lamang ang babae sa mata nito at parang may nakita siyang hindi magandang mangyayari sa babaeng yun.

Ang ipinagtataka ko lang kung hindi niya kilala ang babaeng yun, bakit ganoon na lamang niya titigan ito sa mata. Ano kaya ang nakita niya.

Nabalik ako sa husisyo ng biglang tumunog ang oven at binuksan ko agad ito. Inihain ko sa mesa ang pagkaing inihanda ko upang makain ni Jassy para kahit papano ay mabalik ito sa katinuan at makapagsalita na ito.

Naubos namin ang pagkain at saktong dumating si tito Teoro galing trabaho.

Nagulat siya ng makita niya kami, kaya tumayo agad kami at bumati.

"Magandang gabi po tito. Tumambay lang po kami saglit kase wala pong kasama si Jassy dito dahil hindi pa naman kayo dumating kanina" magalang kong pagpapaliwanag.

"Ahh ganun ba, sige salamat. Pwede na kayong umuwi" tugon niya ng hindi kami tinitignan.

"Mauna na po kami tito. Uhh, babye Jassy" sambit ni Tiffany atsaka yumakap kay Jassy.

Ganoon din ang ginawa ko bago tuluyang umalis.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nagyari sa kanina sa hallway.

'Ano kaya ang nakita ni Jassy sa mata ng babae kanina? Bakit ganun na lamang kagulat ang expression niya sa mukha? Hudyat na ba ito upang----'

Napatigil ako sa pag-iisip ng makarating ako sa bahay namin. Nagpaalam na ako kay Tiffany at nagpasalamat.

"You're welcome. Also, wag ka munang mag isip ng kung ano-ano tungkol sa nangyari kanina. Tandaan mo Lalaisha may pinanumpaan tayo na hindi tayo kikilos hangga't wala pang pangyayari ang makakapanakit sa ating tatlo. Am I clear?" sambit niya.

"Understood" tugon ko.

"Oh siya sige alis na ako, babye" pagpapa-alam niya sa akin.

"Sige babye, ingat ka" at tuluyan nang nawala ang kotse sa paningin ko.

Habang nakaupo ako sa kama ko hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.

'Yun na kaya ang hudyat upang dalhin namin siya sa lugar na nararapat siya? Ligtas pa ba siya dito? Hindi na ako papayag na may manakit sakanya, sa mga taong mahalaga sakin'

Hindi na.

Tiffany's POV

"Kumusta na kaya si Jassy, sana okay na siya" bulong ko habang nakaupo sa study table ko.

Nakauwi na ako pero lumilipad pa din sa maraming bagay ang isip ko. Ano na kaya ang mangyayari kung malaman ng mga nakatataas ang mga nangyari? Will she remain safe?

Third person's POV

"Is everything under control?" tanong ng isang nakatuxedong lalaking supai na ipinadala niya.

"Yes sir" tugon nito.

"Good to hear that" sambit nito tsaka uminom ng alak.

Mayamaya nagsipasukan ang mga sensei sa Saisho Division.

"Ohayogozaimasu Kocho" magalang na bati ng isa sa mga guro ng Saisho Division.

"Ohayo mo, please take your seats" pag aalok nito.

Nagsiupuan naman ang mga sensei ng Saisho Division.

"Nagpunta po kami dito upang kompirmahin ang balitang kumakalat ngayon sa Veilheim Academy pati na rin sa buong Ozia" magalang na tanong ng isang guro.

"Yes. Totoo ang balitang iyon at yun ang pinaghahandaan ko" walang emotion niyang sabi.

Gulat naman ang puminta sa mukha ng mga tao sa loob ng silid.

"P-pero headmaster-"

"Wag kayong mag alala, may mga mata akong nakapalibot sa kanya, hindi siya magagalaw ng iba"

Nakahinga ng maluwag ang mga guro dahil sa narinig.

"Kung gayun po ay mauuna na po kami headmaster, arigatogozaimashita".

Tango lang ang sinagot ng lalaking nakatuxedo. At tuluyan ng umalis ang mga guro sa silid na iyon.

"Ganito na ba talaga kaseryoso ang mga nangyayari? Na pati ang headmaster ay nakisali na rin?" takang tanong ng isang guro sa iba.

"Marahil ay ganoon nga. Kaya kailangan nating pagbutihan dahil sa Saisho Division unang papasok ang taong yun" nagsi-ayunan naman ang lahat habang pumapasok sa building ng Saisho Division.

Hindi pa rin mawala sa isipan ng headmaster ang taong laman ng balita sa buong Ozia. Malayo na ang narating ng pinamunuan niyang paaralan kaya hindi na ito takot sa mga maghahangad na sirain ang paaralang ito.

Pero ngayon ay nakaramdam siya ng konting kaba sa mga bagay na maaaring mangyari sa loob at labas ng Veilheim Academy.

'Ito na ba ang maaaring katapusan ng lahat? Magagawa kaya naming gabayan ang taong yun? Walang kasiguraduhan ang mga maaaring mangyari bukas kaya ngayon palang gagawin ko ang lahat upang hindi maligaw ng landas ang taong yun'

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now