Kabanata XV

12 4 0
                                    


Third Person's POV

HINDI malaman ng mga nagbabantay kung ano ang nangyayari sa nilalang na binabantayan nila.

Natataranta at hindi na sila makaisip ng mabuti dahil sa gulat.

-Flashback-

Tahimik ang malaking silid na pinamumugaran ni Phanes.

Mahimbing ang tulog nito gayundin ang mga nagbabantay sa silid. Tila ba'y unti unti nang tinatanggap nito ang pagkawala ng kaisa isang taong minahal siya hindi dahil makapangyarihan ito ngunit dahil nakita nito ang mabuting loob ni Phanes.

Matagal tagal na rin simula ng naging tahimik at walang pakialam si Phanes sa mga nangyayari sa loob at labas ng Ozia.

Kung noon ay isang malaking problema ng mga kawal ang pagbabantay nito ngayon ay isang napakadaling bagay na ang pagbabantay.

Ngunit naging iba ang pagbabantay ng mga kawal ngayon ng biglang nagising at nagsimula itong magwala.

Kung kanina ay napaka-amo nitong tignan ngayon ay isa itong malaking halimaw sa paningin ng mga nagbabantay.

"HUMINGI KA NG TULONG BILIS!!" tarantang sigaw ng isang kawal.

-End of Flashback-

Hindi pa rin tumitigil sa pagbubuga ng apoy sa matibay at may mahikang pader ng silid-kulungan si Phanes.

Tila ba ay kinakailangan talaga nitong makalabas ng silid-kulungan agad agad.

Ang ipinagtataka din ng isang kawal ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik ang kawal na inutusan niyang humingi ng tulong.

Akmang lalabas na sana ng silid kulungan ang mga kawal upang humingi ng tulong ay bigla nalang silang nakarinig ng nakakabinging katahimikan.

"A-anong n-nangyari?" utal na tanong ng isang kawal.

Lumapit ulit ang mga ito sa silid-kulungan at laking gulat nila ng walang Phanes ang makikita sa silid-kulungan.

Agad agad nilang binuksan ang malaking kandado nito na dahilan kung bakit hindi basta basta nagigiba ni nino man ang silid-kulungan maski na si Phanes.

"N-nasa'n na yung-"

Hindi natapos ng isang kawal ang kaniyang pagsasalita ng biglang umalingawngaw sa silid-kulungan ang malakas na pagsigaw ni Phanes bago tuluyang lumabas habang nakalipad sa ere.

Bumalik ang katahimikan sa loob ng silid-kulungan ng mapagtanto ng mga nagbabantay na tumatakas si Phanes.

Habang nasa loob pa ang mga kawal ay siya namang mabilis na paglipad sa mga ulap si Phanes.

Vanen's POV

HINDI pa rin nagigising si Jassy.

After she closed her eyes I really panicked and didn't think twice to rush her here in the medical building.

I asked Rin sensei about her condition and she replied

"She's in a good condition now....... All we need to do is wait for her to wake up"

I sighed in relief.

I couldn't leave her alone but just in time Izumi came and gave me the permission to leave.

I couldn't do anything but obey her.

Habang naglalakad ako pabalik sa dorm ay hindi ko pa rin malimutan ang pagkabigla ni Jassy ng makita niya ang dugo sa sugat niya.

Valerien Academy: The Long Lost Heiress (ON GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang