Kabanata VI

25 5 0
                                    

Jassy's POV

Nandito ako ngayon sa dorm ko. Isa itong dorm na para sa mga newbies na hindi pa nalalaman kung saan at kung anong gropo ang sasalihan.

Habang nakahiga sa kama, hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit tinawag na "sensei" sina Teff at Lai kanina tsaka bakit ako lang ang nilagay sa dorm ng mga "shoshinsha" kung tawagin nila ang dorm nato, eh baguhan din naman sina Lai at Teff ah.

"Haixxtt, nakakabuwiset nato!!!" inis kong saad habang nagpagulong gulong sa kama.

Napatayo ako ng tuwid ng may narinig akong mga katok sa pinto ko.

"Sandali lang" sigaw ko at lumabas ng kwarto.

Itong dorm na tinutuluyan ko ngayon ay isang malaking dorm. Kung tutuosin para na nga tong hotel dahil sa laki. May isang kwarto ito sa loob, paglabas mula sa kwarto may sala, may kitchen at banyo. Magara talaga tignan.

Inayos ko ang sarili ko bago binuksan ang pinto. Pagbukas ko isang babae ang agad bumungad sakin. Maganda ang babae, may blonde na buhok at sa dulo nito ay may konting curl. Ang blonde nitong buhok ay abot hanggang bewang.

Mas mataas ito ng konti sakin pero ang talagang kumuha ng attensyon ko ay ang maliit na pulang bilog na may letter "V" sa gitna at may green vines design sa paligid na nakatatoo sa leeg niya.

"Hi! Konbanwa!" saad nito.

"Gomenasai if I have disturbed you but narinig ko kaseng may bagong dating na gakusei kaya I rushed here to welcome you" sambit nito habang nakangiti.

"By the I am Izumi, from Miyazaki Clan" pagpapakilala nito habang nakalahad ang palad nito sakin.

"And you are?" dagdag saad nito.

"Uhhhhh. I'm--" napahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko ang sinabi ni Teff sakin bago kami sinundo ng sasakyan.

-Flashback-

"Jassy" sambit ni Teff sa pangalan ko.

"Hmm?" tugon ko.

"Alam mo naman na sigurong hindi mo totoong ama si Teoro, tama?" tanong nito.

"Uhhhhh. Yes, alam ko na." malungkot na saad ko.

"Wag ka nang malungkot, nandito naman kami ni Lai. Hindi ka namin iiwan, proprotektahan ka namin, okay?" ngumiti ito sakin. Ngumiti ako bilang tugon.

"Pero para dagdag sa proteksyon mo bilang bago ka palang naman dito, kakailanganin mong magpalit ng pangalan" seryoso nitong saad.

"Eh wala akong maisip na pangalan eh pero gusto kong panatilihin ang karaniwang tawag niyo sakin, 'Jassy'.  Okay lang ba?" tanong ko.

"Kung yan ang gusto mo" saad niya.

"Jassy Yamazaki. Yan ang pangalan mo at nagmula ka sa angkang Yamazaki" saad ni Teff.

"If ever may magtanong ng pangalan at saang Clan ka nanggaling, which is something you should anticipate from.  'Jassy Yamazaki' from Yamazaki Clan ang isasagot mo. Understood?" mahaba at seryosong alintana ni Teff.

"Yes, got it." tugon ko.

-End of Flashback-

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now