Kabanata VII

29 5 0
                                    

Jassy's POV

Maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog kagabi. Ewan kung bakit ang uneasy ng feeling ko sa first day ko.

Alas singko palang ng umaga pero nakahanda na akong pumasok.

'Ano kaya ang mangyayari sa unang araw ko. Sana naman maganda hayss'

*TOK* *TOK* *TOK*

Napatigil ako sa kakaisip ng may kumatok sa pinto ng dorm ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nadaanan ko ang bag ko sa sofa kaya kinuha ko na rin ito total lalabas naman din na ako.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang babaeng nakawhole blue fitted dress na may red flower design sa bandang bewang nito, bakas sa suot nito ang kagandahan ng hubog ng katawan niya. May black na buhok na hanggang bewang at may kaunting curl sa dulo nito. At mukhang nasa late 20's na.

"Good morning" nakangiting bati nito sakin.

"Magandang umaga din po" tugon ko sabay yuko ng bahagya.

"Ano pong maipaglilingkod ko?" tanong ko.

"I was sent here to guide you on your first day" nakangiting tugon nito.

"Ahh ganun po ba? Salamat po" nakangiting saad ko.

"Let's go" sambit nito at unang naglakad. Lumabas ako at sinara ang pinto tsaka ko siya sinundan.

Lumabas kami sa building ng dorm na tinutuluyan ko.

"Uhmmm excuse me po maam" sambit ko sa babaeng nasa harapan ko. Huminto ito sa paglalakad at lumingon sakin.

"Yes?" takang tanong nito.

"Uhh. Kase po may itatanong po muna sana ako bago tayo magpatuloy sa pupuntahan natin. Okay lang po ba?" tanong ko.

Tumingin ito sa wristwatch niya at nagsalita.

"Sige okay lang. May time pa naman and honestly I wasn't expecting a newbie like you would woke up early kaya as an exchange sa pagiging early mo I'll answer your question. So what is it?" nakangiting saad nito.

Ngumiti din ako dahil sa narinig.

"Thank you po maam. Ang itatanong ko lang po sana is, may kakilala po ba kayong Akira and Yuri?" nabigla ito sa tanong ko.

"Y-yes, why?" utal nitong tugon.

"May mga kaibigan po kase akong nakasama last night bago kami nakarating dito and I was shocked when we arrived here. We we're welcomed by a beautiful lady and the next thing she did was really the reason why I was shocked. She called my friends in different names with the word sensei in it" mahabang sambit ko.

Kitang kita ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko.

"So t-totoo nga" sambit nito.

"Totoong ano po?" tumingin ito bigla sa mga mata ko at nagsalita, nagulat naman ako sa ginawa niya kaya napaatras ako ng kaunti.

"Nakabalik na sila. It's been 17 years since nawala sila dito and now they're back" hindi makapaniwalang saad nito.

"Ano po ba sila dito sa Veilheim?" tanong ko.

"Ang mga babaeng itinuturing mong kaibigan ay mga high rank sensei dito sa Veilheim Academy" diretsong sagot nito.

Nagulat ako sa narinig kahit na may ideya na akong mga sensei sila dito pero ang pagiging high rank sensei nila ang talagang hindi ko inaasahan.

"Are you satisfied now shin'nyūsei?" tanong niya.

"Ahh opo s-salamat po sa pagsagot" tugon ko at bahagyang yumuko.

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now