Kabanata XXXI

6 3 0
                                    

Kazue's POV

"Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya dito"

Umupo ako sa malaking ugat ng puno bago nagsalita.

"Mabuti naman po... Bawat araw ay lalo siyang lumalakas... At bawat araw ay may nadidiskubre siya tungkol sa abilidad niya" sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon"

Sinulyapan ko si Ginoong Phanes at ngayon ko lang napansin na hindi maaliwalas at parang may problema yung presensya niya.

"Eh kayo po?... Kumusta po kayo?" magalang kong tanong.

Hindi kaagad siya sumagot at sa halip ay nanatili itong tahimik habang nakatingin sa kalangitan.

"Hindi niyo po kailangang sagutin yung tanong ko kung-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Maraming banta ang naghihintay sakanya sa labas.... Sinuyod ko ang buong Ozia at nalaman kong walang ibang lugar ang kayang protektahan siya kundi dito"

Hindi ako makapagsalita dahil sa nalaman ko.

'So wala talagang safe place para sakanya sa labas ng North Chamber?'

"Kaya nandito ako ngayon upang makiusap ulit sayo"

Hindi ko alam kung ano ang e rereact ko sa sinasabi niya... Kaya nanatili akong tahimik lang at nakikinig.

"Sana hayaan mo siyang pumarito muna hanggang sa humupa na ang mga banta sa buhay niya sa labas ng North Chamber"

"Hindi naman po problema ang pagtira niya dito sa North Chamber eh... Pero ang problema dito ay siya mismo.... Hindi ko po hawak ang desisyon at pag iisip niya... Isang bagay po ang itinuro sakin dito magmula ng maging tagapagbantay po ako"

Hindi siya umimik at nanatiling nakikinig.

"Hayaan ang taong manatili.... Tulungan itong tumayo kung kinakailangan... Pero hindi ko kailan man kayang hawakan ang desisyon nilang umalis at iwan ako, ako na kumupkop at tumulong sakanila... Ako na hinayaan silang gawin akong sandalan at panangga...  Ako na iningatan sila hanggang sa huling sandali nilang nasa piling ko"

Hinarap ko si Ginoong Phanes bago nagsalita.

"Ang nais ko pong ipahiwatig ay, gustohin ko mang panatilihin siya dito pero kung hindi naman dito ang nais niya...  Wala po akong magagawa kundi ang hayaan siyang umalis kahit na gustong gusto ko siyang panatilihin nalang dito habang buhay"

Hindi siya umimik... Hindi ko rin mawari ang ekpresyon sa mukha niya.

"Kung ganon.... Maaari mo ba siyang gabayan kung dadating man ang oras na nais na niyang lumabas at harapin ang mga problemang naghihintay sakanya?" tanong niya.

"Oo naman po.... Kayang kaya kong gawin yun"

"Mabuti naman kung ganon.... Kahit papano may tao pa rin akong pwede kong asahan pagdating sa proteksyon niya"

Napangiti naman ako dahil sa narinig... I'm glad that he entrusted Jassy to me... Pero kahit hindi man niya sabihin, proprotektahan ko pa rin siya ano man ang mangyari.

"Siya nga pala... Mahusay ang paraan mo sa pagsabi sakanya ng totoong katauhan niya.... Inaasahan ko naman nang hindi siya magrerebelde kung ikaw ang magsasabi pero nagulat pa rin ako dahil sa reaksyon niya.... Oo, mukha siyang nasaktan sa nalaman niya pero nandyan ka... Inalalayan mo siya... At nagpapasalamat ako dahil dun"

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa narinig.

"Maliit na bagay po" nakangiti kong sambit.

"Pero Kazue... Kahit gaano mo man ako napahanga sa mga ginawa mo... Hinding hindi ko kailanman pahihintulutan ang pagbuo mo ng mas malalim na relasyon sakanya... Tandaan mo, bawal magkaroon ng kabiyak ang isang tagapagbantay... Kundi magiging isang tagapagbantay na rin ang taong mamahalin mo"

Valerien Academy: The Long Lost Heiress (ON GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt