Kabanata V

29 5 0
                                    

Jassy's POV

Sumakay kaming tatlo sa sasakyan ni papa. Katabi ko si papa sa harap habang nasa likod sina Teff at Lai.

Umandar ang sasakyan patungo sa lugar na hindi ko alam. Walang nasabi sakin sina Lai at Teff, hindi na rin ako nagbalak pang magtanong. Siguro sapat na muna yung alam kong ililipat na ako ng eskwelahan.

Hindi na pinaabot ni papa Teoro ng umaga ang paglipat ko.

'Mukhang gustong gusto talaga ni papa na madaliin ang paglipat ko' sabi ko sa isip ko.

Tahimik lang ang pagbiyahe namin, walang nagtangkang magsalita kahit ako. Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana. Kitang kita ko ang kalsada sa labas na walang katao-tao. Lumiko si papa sa isa pang street. Kung kanina may kaunting mga tao ang makikita, dito wala talagang tao, tahimik.

"Sa'n ba kami pupunta? Ba't ang tahimik ng lugar nato" bulong ko.

Hanggang sa lumabas kami sa street na yun at isang malawak kagubatan ang sumalubong samin. Madilim na, kaya nakakatakot pagmasdan ang kagubatang nasa harap namin.

"Sige na, ibaba niyo na ang mga gamit niyo" sambit ni papa ng hindi tumitingin samin.

Unang bumaba si Lai at binuksan ang trunk ng sasakyan at inilabas ang mga gamit namin. Sumunod naman si Teff pero bago siya bumaba tinapik niya ng mahina ang balikat ko atsaka ngumiti ng tipid.

Naiwan kami ni papa dito sa loob ng sasakyan, walang nagtangkang magsalita.

Akmang lalabas na ako ng sasakyan ng magsalita si papa

"Jassy" dinig kong pagsambit niya ng pangalan ko.

Nabigla ako dahil minsan lang akong tawagin ni papa sa pangalan ko, galit o di kaya'y seryoso siya.

"Jassy, 'nak patawarin moko" bakas sa pananalita niya ang lungkot.

"Alam kong marami akong pagkukulang sayo. Pero tandaan mo mahal na mahal kita, Anak" at tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Agad kong nilapitan si papa at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Napuno ng iyakan ang sasakyan.

Dumaan ang ilang minuto ay humupa na ang mga emosyon sa loob namin. "Pa, bago pa man ako malayo sayo, gusto ko lang masagot ang isa sa mga katanungan ko" sambit ko.

"Ano yun?" tanong ni papa.

"A-anak niyo po b-ba talaga a-ako?" kabado at utal kong tanong.

Natahimik si papa dahil sa tanong ko.

"P-pero pa kung ayaw-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si papa.

"Hindi" diretso niyang tugon.

Tiffany's POV

Kinatok na namin si Jassy upang lumabas. Pero tulala ito ng bumaba sa sasakyan. Hindi ko man alam ang buong pinag-usapan nila ng papa niya, pero isa lang ang nasisiguro ko, umamin na siya.

Iniharap ko si Jassy sakin at ngumiti, para kahit papano malaman niyang kasama niya kami sa laban niya. Ngumiti ito pabalik at kinuha ang mga gamit niya.

Lumabas si Teoro at nagsalita.

"Diretso lang kayo, maliwanag?" seryoso nitong tugon. Napairap na lamang ako kase kung umasta parang tatay.

"Tara na" hinatak ko si Jassy papasok sa gubat.

Habang naglalakad kami, walang nagtangkang magsalita sino man samin.

'Alam kong, sinabi na ni Teoro ang totoo sakanya, ano kaya ngayon ang iniisip niya?' tanong ko sa isip ni Lai.

'Ewan, hindi ko na mabasa ang isip niya simula nong nagsimula ang pasukan. Para bang may humaharang sakin para basahin ang isip niya.' tugon ni Lai.

Veilheim Academy: The Return of The Heiress (ON GOING)Where stories live. Discover now