Chapter 9

37 1 0
                                    

Hinihila niya na ako palabas at kung hindi ko lang siguro itinuro ang sasakyan ko, ay malamang mas gugudtuhin niya pang maglakad kesa sa gamitin ang sasakyan ko.

Naiiling akong ngumiti.

I never thought she would be the one whom I'll hang out with after my break-up with Cassiana. Ni-hindi man lang si Art, o si Mark. Siya pa talaga.

Goodness. Hindi ko na alam kung anong ginagawa sa'kin ng Panginoon at mukhang pinaglalaruan ata ako.

"Hoy, ano ba ba't ka nakatulala lang sa'kin diyan? Come on, let's go! Ituturo ko sa'yo 'yung daan kung saan 'yung amusement park. Dali na!" usal niya at nabalik ako sa katinuan.

Umiling nalang ulit ako.

"Akala ko ba parang i-cocomfort mo'ko ngayon? E ba't parang inaaway mo pa 'ko?" tanong ko at pinaandar na ang sasakyan.

I saw on my peripheral vision that she rolled her eyes.

"Away? Ang sabihin mo, nagpapa-sadboy ka lang talaga... Bilisan mo na nga lang!" sabi niya at natawa nalang ako.

Sad boy amputa.

Patuloy nalang ako sa pagmamaneho hanggang sa may itinuro siyang amusement park.

"Ayan! Ayan! Ihinto mo na! Diyan kami pumunta dati. Masaya diyan!" pagbibigay kumento niya.

Pabiro akong umismid.

"Masaya dahil sa mga rides o masaya dahil kasama mo ex mo?" I laughed at piningot niya naman tainga ko kaya napatigil ako sa paghalakhak.

"Aray! Aray! Nagbibiro lang e..." sabi ko habang hinihimas ang tainga gamit ang isang kamay.

"Tse! I-park mo na nga lang 'yan at mauuna na 'ko sa loob!" sabi niya nang maihinto ko na ang sasakyan tsaka bumaba bitbit ang purse niya.

Tinanaw ko siyang naglalakad patungo doon sa gilid ng gate ng gusali para magbayad ng ticket.

She still looks elegant even tho her back is facing me.

What the fuck, Patrick? You just got from a break-up! Why are you complimenting her?

I mean, there's nothing wrong. She's a dear friend.

Umiling nalang ako upang maalis ang iniisip tsaka ni-park nalang ang sasakyan gaya ng utos ni mayora. I got my phone before going out of my car and went to her.

"Nakabili ka na?" tanong ko.

Nilingon niya 'ko tsaka tumango.

"Yup. Let's go?" aya niya and I also nodded.

Sabay kaming pumasok habang hawak niya naman ang ticket na binili niya.

Pagpasok namin ay agad akong namangha kahit pa makikita naman kahit sa labas ang mga rides.

"Wow..." I uttered in amaze.

Nilingon niya ako tsaka ngumiti ng malapad.

"Sabi ko sa'yo e! Tara na! Aling ride ba gusto mong unahin?" tanong niya.

Ginala ko ang aking mga mata sa buong lugar para makapaghanap ng pipiliin.

I smiled nang makita iyong ride na gusto kong ma-try.

"'Yan oh!" sabi ko sabay itinuro iyong ride na itataas kayo tas bigla kayong ibabagsak.

Bigla namang lumikot ang mata ni Renoah.

"T-teka, okay lang naman sa'kin ang ganyan pero..." huminto siya tsaka tinignan ang damit niya. "I'm wearing a dress. Hindi pwede damit ko diyan..." pagpatuloy niya at bumuntong-hininga.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now