Chapter 3

49 6 0
                                    

Kakasakay lang ni babe sa wheelchair at tinutulak ko na ang wheelchair niya palabas ng kuwarto. Nasa likuran naman namin sina Drei, Klent, Kiel, Art, at Mark. Ewan ko dito kay Klent at parang naiiyak na timang sa likuran namin.

Sinulyapan ko si babe na parang malalim ang iniisip kaya tinawag ko siya.

"Babe," I said to catch her attention and she looked at me.

"Hm? S-saan ba kasi tayo p-pupunta?" she asked.

Nilingon ko ang lima sa likuran.

"Saan ba ang una?" I asked.

"Kung saan ikaw yung in-charge. Tas lilipat tayo ng venue pagsapit ng alas dose," sagot ni Mark.

"How about the foods? Bukas pa ba natin iyon lulutuin?" I said as we enter the elevator.

"May naluto na si Art. Snacks-snacks lang natin. Bukas na yung iba tas babalik tayo doon sa kung saan ka in-charge," sagot ni Klent not mentioning any place.

Naguguluhan na tumingin sa amin si babe bago sinandal ang kanyang likod sa wheelchair.

"A-anong in-charge? S-saan ba y-yan?" medyo nanghihina niyang sagot.

Hinubad ko ang jacket ko at pinatong iyon sa kanyang katawan. Inayos niya naman iyon sa pagkakalagay.

"Para di ka ginawin paglabas na'tin..." I said.

Her eyes twinkled she heard what I said.

"Paglabas? Lalabas tayo ng ospital?" she asked hopefully.

Akmang sasagot ako ngunit naunahan na ako ni Art.

"Yes, princess. But not really. Hindi talaga tayo lalabas ng ospital pero parang gano'n na nga," Sa sinagot niyang iyon ay binatukan siya ni Kiel.

"Gulo mo, tanga," sambit niya at medyo napabungisngis si babe.

"Hoy, teka nga. Hanggang kailan tayo mananatili dito sa elevator? Pindutin niyo na yung floor!" sabi ni Mark at doon namin napansin na hindi pa nga pala namin napipondot sa kung aling floor kami bababa.

"Ako na," sabi ni Drei at pinindot ang ground floor.

"H-hays. Ewan ko sa inyo," mahinang tumawa si Siana.

Maya-maya pa ay nasa ground floor na kami at dumaan na kami sa likurang exit. Malapit lang kasi doon ang garden. Nang makalabas ay agad na napangiti si Siana.

"I always love the natural air. Dito na b-ba tayo?" she asked.

I shook my head before I glanced at Drei and let him took my place on guarding Cassiana.

"W-wait. Where are you going?" tanong ni babe nang mapansin na aalis ako.

I smiled. "Don't worry. I'll just check the place kung nakahanda na ba talaga," I answered and she sighed in relief.

"Oh, okay. Go on," she said and that was my cue to check the garden.

Napangiti ako nang makita kung gaano kaganda ang naging resulta ng garden. Nakita kong nakaupo sa gilid ang mga naglinis kaya nilapitan ko sila.

"Thank you very much..." I said wholeheartedly and they all smiled.

"Walang anuman po, sir. Napakasaya po namin at nagustuhan niyo ang naging resulta ng aming paglilinis," sambit ni Venise at ngumiti ako sa kanya.

"Thank you, Venise. Everyone, thank you so much. Uhm... Pwede na kayong magpahinga o bumalik sa talagang trabaho niyo. The celebrant is coming..." I announced at sumigla ang kanilang mga mata.

"Talaga po? Naku, sana magustuhan niya ang hardin. Teka, nobya niyo ho ba ang magdidiriwang, ser?" zabi nung isa sa mga naglinis.

I nodded. "Yes, apparently, she's one of the patients here."

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now