Chapter 16

21 0 0
                                    

"Ginagago niyo ba 'ko? Ha? Ano? Hindi magandang prank ito," sambit ko nang makapasok sa loob ng bahay.

Nando'n sila lahat. Kahit si Drei na wala nitong mga nakaraang araw ay balisang nakaupo sa sofa. Mom was sitting with them, waiting for me to arrive.

"Anak..." anito.

I shook my head, "Ma! This is not a good joke!"

Teirra sobbed, "Kuya... Ate Cassi's really gone."

No. I refuse to believe in thay statement.

Muli akong umiling, "Huwag naman sana tayong mag-joke dito oh..." I pleaded.

Mama hugged me, "Anak, I'm here..."

Tinignan ko si Mark. "Totoo ba?"

He stared at me before sighing. Wala siyang sinagot pero alam ko na ang gusto niyang sabihin. Tangina. Seryoso ba talaga 'to?

Kumawala ako sa yakap ni Mama.

"Bakit? Kailan lang?" tahimik kong tanong.

Umupo na 'ko sa harap nila at gano'n din ang ginawa ni Mama.

Kiel sighed, "Her mom posted the update, dre. Uuwi na raw siya kasama ang labi ni Cassi next week. May isang linggong lamay bago ang libing. Kahapon pa siya namatay. Ngayon lang nagbigay paalam ang mama niya..."

Napahilamos ako sa mukha ko. Wala akong maramdaman. I feel numb. Gusto ko na lang hilingin na sana panaginip lang 'to at magigising din ako mamaya na naghihintay sa paggaling ni Cassi. Kaso, sino bang niloloko ko? Ako lang din naman. Sarili ko lang din naman.

I pressed my eyes so hard. I glanced at Mama. Tangina, paiyak na 'ko pero ayokong ipakita sa kanilang lahat iyon. Puta, ayokong isipin nila na mahina ako.

"Ma... Bakit ang unfair sa 'kin ng mundo?" tanong ko.

Mama cried, "Anak... Everything happens for a reason."

I shook my head, "Tangina, anong rason? Sana man lang magandang rason 'yan dahil putangina!" sigaw ko. "Walang rason ang makakapagpabago ng isip ko na hindi siya dapat namatay! Ma! She deserves to live!" Umiling-iling na 'ko. Tangina, hindi ko matanggap! Ang hirap!

She tried to go near me pero umiling ako. I stood up and sighed. I stared at them. "I wanna be alone. Please respectfully let me. Ayaw kong magbitiw ng mga salitang alam kong hindi ko sinasadya at hindi totoo. I'm just giving you guys a favor." Umakyat na 'ko at ang tangi kong narinig mula sa kaniya ay pag-iyak at buntong-hininga.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad ko iyong ni-lock at umupo sa sahig. Sumandal ako sa pintuan. My tears began to flow. Napayakap ako sa sariling binti. Parang batang nawalan ng bagay na importante sa kaniya. Parang batang nawalan bigla ng lakas...

Unti-unti akong nakaramdam ng kung ano. Inis ba? Galit? Tampo? Hindi ko alam pero para ito sa Kanya. Kasi sabi ko 'di ba? Iligtas Mo siya, Pa. Ang paraan ba ng pagligtas Mo sa kaniya ay ang tuluyan niyang paglisan sa piling namin? Gano'n ba, Pa? Pa? Gano'n ba?!

Hindi ko maiwasang magalit. Kasi, tangina. Nagmakaawa ako e. Nagmakaawa ako, Pa. Pero alam kong balang-araw, maiintindihan ko rin. Maiintindihan ko rin naman ito, 'di ba Pa? Kaya hindi dapat ako magalit ngayon. Tangina, magluluksa na lang ako.

Napatingin ako roon sa picture frame namin ni Cassiana. Nakapatong yon sa side table ko. Ang saya namin do'n. Tangina, sobra. Nakakahawa 'yung ngiti.

I smiled while my tears are continuously flowing. "Cassi, balik ka na..." My voice broke. Nag-umpisa akong humagulgol. Unang beses kong masaktan nang ganito. Kung todo ang pag-iyak ko nung hiniwalayan niya 'ko, mas dumoble ang sakit ngayong wala na siya. Tangina 'di ko na makikita yung mga ngiti niya.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now