Chapter 1

160 8 0
                                    


"Babe," tawag sa akin ni Cassi.

"Hm?" Busy kasi ako sa paglalaro ng COC.

"Weak mo!" sabi niya at tumawa tsaka ipinakita ang three star niya.

"Babe, tulala ka diyan? Galaw na!" she hurried me.

"Wala na 'kong army," sambit ko at napatawa nalang dahil isang bagsakan lang palang napatay ng wizard tower at mortar.

"Weak! Boo!" panunukso niya sa akin habang busy kami sa paglalaro.

Natawa ako nang sinilip ko ang sa kanya. "E, yung sayo din naman e! Tignan mo," sabi ko at tinuro yung mga hog rider na unti-unting namamatay.

Namula siya sa hiya tsaka iniwas ang phone niya. Mas natawa tuloy ako. "Tse! Bwisit ka talaga!" mura niya pa.

Napailing nalang ako. "Kapag talaga naglalaro tayo e no, mura ka nang mura," sabi ko at nagpatuloy sa paglaro.

Umismid siya, "Minsan lang din naman ako magmura e. Pag ano lang-" sumabat ako.

"Pag gigil na gigil ka sa laro," pang-aasar ko at nabatukan na naman tuloy.

Hinimas ko ang likuran ng ulo ko tsaka ngumuso. "Gagawin mo yata akong battered- One star lang ako!" sigaw ko nang makitang tapos na pala ang laro ko at kaunting loots lang ang nakuha ko.

Siya naman tuloy ang tumawa at inasar-asar ako. "Ayan, kung saan-saan kasi nakatingin, e. Nambabae ka siguro-" asar niya ngunit bigla siyang naubo.

Tatanungin ko sana siya kung ayos lang ba siya pero agad siyang tumayo at lumayo nang ilang metro sa 'kin.

"Hoy, ayos ka lang?" tanong ko at akmang lalapitan siya. Agad niya 'kong sinagot.

"Oo! Oo, ayos lang. Huwag kang lumapit! May d-dumi lang ako sa mukha, teka," angal niya. Napatawa naman ako ngunit ginawa nalang din ang sinabi niya.

"Sus, e nakita na nga kitang naligo sa putik hindi ka naman nahiya. Tapos simpleng dumi lang sa mukha, nahihiya ka na," I laughed. I heard her snorted.

Ilang segundo rin naman at bumalik na rin siya kaagad. Sinuri ko ang mukha niya, wala namang pagbabago. Saan ba kasi siya nagkadumi bigla?

"Another game pa, babe," aya niya at nagpatuloy kami sa paglaro.

Thirty minutes bago ang klase namin, tumayo na ako at naglahad ng kamay.

"Tara, class ko na e. Sabay ka na para 'di ka na rin ma-late," sabi ko habang tinatanggap niya ang kamay ko.

Kinuha niya ang bag namin tsaka binigay sa akin yung bag ko. Hinalikan niya ako sa pisngi saka ngumiti.

"Let's go?" sabi niya at tumango naman ako at ngumiti.

My life's just good as it is.



"Dude, una na ako ah? Baka naghihintay na yung babae don e," paalam ko sa mga tropa ko pagkatapos ng last class namin.

Halos same sched din kasi kami ni Cassi kaya minsan lang may naghihintay sa

"Under na under talaga ang squidward natin," tawa pa nila. Umiling nalang ako at nakangising naglakad palabas.

Agad ko naman siyang nakita. Kumaway siya saka ngumiti.

Ngiting kay sarap tignan- No, titigan.

Agad siyang yumakap sa akin pagkalapit ko. "On time ka ngayon ah?" saad niya habang naglalakad kami.

Hinalikan ko ang tuktok ng noo niya. "Siyempre, ako pa. Baka mag-super saiyan ka bigla e- aray naman babe!" binatukan niya kasi ako.

Umirap siya. "Bagay yan sa 'yo."

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now