Chapter 17

23 0 0
                                    

"Patrick? It's... It's been months. Kumusta ka na?" gulantang na tanong ni Renoah nang makita niya akong nakaupo sa park. Hindi ito iyong park kung saan kami namalagi ni Cassi bago siya umalis. Simula noong nawala siya, hindi ko na ulit pinuntahan iyong lugar na iyon. Ayokong mapalitan ng malungkot na alaala iyong mga nangyari sa amin sa lugar na iyon.

I smiled, "I'm fine. How about you? Fourth year na kayo, 'di ba?" tanong ko. Bumuntong-hininga siya at nag-iwas tingin. Siguro tingin niya ay hindi ako kumportableng pag-usapan ang tungkol sa studies namin.

Personally, it's okay. I've long accepted the truth- na hindi na ako makakapagtapos ng pre-med. Mag-aaral na lang ako ng ibang kurso sa susunod na mga taon. Iyong madali lang akong makakapag-graduate. O 'di kaya ay tuluyan na lang maghanap ng ibang trabaho. Besides, I wasn't really passionate with my course. Yes, I was working hard for it. Pero, ewan ko ba. Bahala na si batman.

Ngumiti siya, "Yeah. Nakakagulat nga, e. Five months na lang... Papasok na kami sa medschool."

"Ikaw, Patrick? Wala ka na bang balak bumalik sa inyo?" tanong niya.

I smiled and stood up, "Some things aren't just meant to stay forever, Renoah. Gaya ng pagkawala niya, hindi rin habambuhay na kasama ko ang pamilya ko."

"Yeah, but you're not in good terms with them-"

"As we should be. Hangga't hindi pa naghihilom ang sugat, huwag na muna nating galawin. Hayaan muna nating unti-unting sumirado bago natin tignan kung ayos na ba. Gaya ng sugat, hindi pa rin ako naghihilom, Ren," I looked at her straight in the eyes. "Hindi ko pa rin sila kayang harapin."

"Sige, I need to go. Maggagabi na. Pupunta pa ko sa bar-" sambit ko ngunit agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko.

"Bar? Umiinom ka pa rin talaga?" takang tanong niya.

Napatigil ako.

"Damn, I must have worded it bad," I laughed. "Hindi naman ako habambuhay na tanga, Ren. I work at the bar. I sing every night in a certain bar, okay? Chill, drinking isn't meant for me," sagot ko.

Mukha naman siyang nakahinga nang maluwag. "Akala ko kasi umiinom ka pa rin. Oh and by the way, saan ka pala nakatira ngayon? So we can visit you."

I smiled, "I gotta go," tanging sagot ko.

"Patrick!" rinig kong saad niya ngunit hindi na ako lumingon. I just waved my hand, "Go home! Maggagabi na!" sabi ko habang naglalakad palayo.

I appreciate their effort to reach out to me. Pero siguro, hindi pa ako handa. Isa lang naman akong rich brat dati na nag-aaral ng BS nursing. Lahat ng ito, hindi ko naman naisip na mararanasan ko. Kaya, maganda na rin sigurong matutunan kong mamuhay nang mag-isa. Iyong matutunan kong maging mas matured. Ang toxic ng ugali ko e. Dapat kong baguhin.

"Patrick, alam kong mahirap... Pero kaibigan mo kami. At kapag may problema ang isa, dadamayan ng lahat. Please don't be afraid of sharing it with us," narinig kong pahabol niya. Bumuntong-hininga ako.

I know. I know... I just can't share it for now.

"Patrick! Jusko! So gwapo, oh!" pabirong tinampal ni Kerna ang mukha ko. I laughed.

"Patay na patay ka talaga sa 'kin e, no?" biro ko. Kinurot niya lang ako sa tagilid bago nakangising naglakad palayo. Narito na 'ko sa bar at naghahanda para sa performance ko. This bar is quite high end at maraming businessmen and even high profiles ang pumupunta. I perform at their beer stand.

Minsan nga ay naiinggit din ako. I could be one of those party goers if I didn't ran away. But yeah, no regrets. Tsaka, alam ko naman dadating din ang panahon na hindi na ako magtatrabaho bilang performer dito. Besides, may mga kaibigan din ako ditong mahihilig pumunta sa bar at mukhang gusto pa nga akong ampunin. Mga tanga lang.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin