Chapter 5

37 4 0
                                    

Pasado alas dies na ng gabi nang makahiga ako sa malambot kong kama. Wala ng tao sa sala. Marahil nasa kani-kanilang kwarto na sila. Hindi ko alam.

Pagod na pagod ang katawan ko kahit hapon na ako nagising. These past few months were so stressful.

Hindi naman sa nagsisisi akong nanatili ako sa tabi ng girlfriend ko, pero naisip ko lang na iniistress ko nga ang sarili ko kay Siana.

Mabuti nalang at di ako bumagsak ngayong semester. Baka mapalayas ako nang wala sa oras ni papa kung ganoon ang nangyari aba.

I'll make sure na sa pag-alis ni babe ay pagbubutihin ko na ulit yung pag-aaral ko like I used to. Magsisimba na ulit ako para ipagdasal si Siana na gumaling siya. Sana di ako masunog pagpasok ko sa simbahan. Hahaha.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.

"Hoy! Kuya! Hoy!" nagising ako sa pambubulabog sa'kin ni Teirra.

Nagtaklob ako ng kumot.

"Ano ba, Teirra! Ang aga-aga pa! Ano bang pinuputok ng butsi mo diyan?!" I said half-awake.

Hinampas niya 'ko ng unan.

"Bumangon ka na! Hoy! Martes ngayon, tanga!" sabi niya na para bang may nakalimutan ako.

Mas lalo akong nagtago sa ilalim ng kumot.

"Peste, ano bang meron ngayon! Natutulog yung tao e!" reklamo ko.

"Aray! Tangina ano ba, Ira!" sigaw ko.

Paano ba naman? Kinurot ako ng napakapino.

"Hala, sige! Magmura ka! Iiwan ka talaga namin!" pananakot niya.

Ba't naman ako matatakot e hindi ko nga alam anong meron.

"Ano ba kasi meron?! Sabihin mo nalang kasi, puwede ba?!" sabi ko.

Wala na, di na 'ko makatulog ulit. Pota.

"Pupunta tayo sa bahay ng kaibigan nina mama, ngayon duh? Can't you remember?" sabi niya pa.

Bumangon ako.

"Hala oo nga 'no?"

Binatukan niya ako.

"See? Kaya bilisan mo na diyan! Maligo ka na and all! Sa'yo kami sasakay ni Devant!" saad niya.

I groaned at the thought na maingay na naman ang sasakyan ko dahil sa kanila.

"Aish, aish! Fine! Kikilos na 'ko. Just tell them I'll be downstairs for 20 minutes," sabi ko.

"What?! 20 minutes? That's so tagal pa!" reklamo niya.

"E mas pinapatagal mo lang ako kung kukuda ka pa diyan! Baba na, aba!" sabi ko at pumasok na ng banyo.

Rinig ko pa ang kalabog ng pinto dahil sa paglabas ni Teirra. Itong batang 'to talaga oh.

Pumasok na 'ko sa shower room ko at siyempre ginawa na ang mga ritwal.

Pababa na 'ko at kitang-kita ko ang nakabusangot na si Teirra.

"Ang tagal mo naman, kuya! Sabi mo 20 minutes?" reklamo niya.

Umirap kaming dalawa ni Devant.

"Excuse me ate, bumaba ka sa kuwarto ni kuya around 9:10 in the morning, 9:21 siya bumaba. Apparently, he wasn't late," pagtatanggol pa ni Devant sa'kin kung kaya't ngumisi ako sa kanya.

Inirapan lang kami ni Teirra kaya nagtawanan kami.

"Mamaya na kayo magdaldalan, we'll be late," sabat ni papa na kanina pa pala nakangising nakikinig.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now