Chapter 15

24 0 0
                                    

Kabanata 15
Closure

"Patrick..." si Renoah.

I sighed, "Sinabi ko na sa 'yo, Ren. Hindi nga nakikinig si Klent."

Kanina niya pa kasi ako kinukulit tungkol kay Klent. Na kausapin na sila. It's been three days and Klent actually didn't talk to any of them. Ako, kinakausap ko naman kung ako ang lalapitan. Pero hindi na 'ko pumupunta sa kanila pagkatapos ng school.

Drei's nowhere to be found too.

Renoah sighed, "Ano? Gagraduate ba tayong hindi magkaayos? Gano'n-gano'n na lang?"

I eyed her, "Put some knowledge on Drei first and then we'll be good again. Huwag kang magsalita na para bang kami ang may kasalanan. Talk to your friend."

Mas lalo siyang bumuntong-hininga.

"Ewan ko sa inyong mga lalaki! Masiyadong leche sa buhay!" sabi niya bago nag-walk out.

I shrugged.

Sumakay na 'ko sa kotse ko. Finally, tapos na ang finals namin. Requirements na lang talaga ang kulang.

Ilang taon na lang, Patrick. Matatapos ka na sa pre-med mo at mag-aaral na sa med school. In that time, maayos na ang lahat. Hindi ka na araw-araw mababahala sa mga bagay-bagay.

I stared at the photo in front of me. It was me and Cassiana. Nakasabit 'yon sa harapan ng sasakyan ko together with the rosary she gave me on our second monthsary.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang tinitignan kaming dalawa do'n. We look so... happy there. We were smiling so wide, and stares on each other looks so... pure.

I muttered a curse.

Damn, Patrick. Tama na. Tama na!

I sighed. I rested my head on the steering wheel. I closed my eyes. I feel so tired. Masiyadong na-drain ang utak ko sa Pathophisiology. Tangina, kakayanin ko pa ba?

I decided to go and unwind. This time, I'm all alone.

Nag-drive ako do'n sa park kung sa'n kami tumambay ni Cassi dati.

This is it. This is the closure for the both of us, babe. Bibitawan na kita.

Nang makarating sa park ay agad akong umupo sa eksaktong swing kung saan din ako umupo dati- kasama siya. No'ng kasama ko pa siya.

I heaved a breath. Kinuha ko iyong litrato niya na nasa wallet ko lang. All this time, it has been with me. I don't know if I'll ever get it out of my wallet again, though. Proteksiyon ko na 'to.

I stared at the photo, "Hey... Kumusta ka na kaya ngayon?" I wondered. Tangina, kaya mo ba diyan, Cassi? Kayanin mo ha. Nandito lang ako.

"Alam mo ba? Alam mo ba kung bakit mo nakuha ang atensyon ko nu'ng una?" I asked.

I smiled as I started to reminisce those moments I first saw her.

"Kasama mo si Lucy no'n. You guys were walking all the way to the GenLib. Ang daming ngumingiti sa 'yo habang naglalakad kayo. So I figured out, you might be famous in the college campus. I was so fucking mesmerized with your smile, Cassianna. I even thought, how could He make such perfect smile like yours? It's... It's so goddamn perfect."

"Kaya, sinundan kita kinabukasan. You were alone. Nasa GenLib ka ulit, nahuli kitang kumukuha ng libro sa Education section kaya nalaman kong Education pala ang course mo. I was like, hmm, it suits you. Parang ikaw 'yung tipo ng tao na lapitin ng mga bata. Oh, well, I wasn't wrong."

"Simula no'n, palagi na 'kong nagpapaalam na pupunta ako ng library. Naalala ko pa, palaging nagtataka sila Art no'n kasi tuwing may kailangan sila sa 'kin at nasa library ako, sa MedLib sila pumupunta. Ang hindi nila alam, nasa GenLib na 'ko, nakatitig lang sa 'yo.."

Behind His Smiles (Flawed Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن