Chapter 4

40 4 0
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay at nagpalit lang ako ng damit bago humilata sa kama at buong araw natulog. I was so damn tired.

Kaya naman paggising ko ngayon at nalamang alas-tres na pala sa hapon ay nagmadali agad akong bumangon at naligo. Ngayon kasi i-didischarge si babe at sa bahay muna nila siya tutuloy pansamantala bago lumipad bukas.

Agad akong pumasok sa banyo at ginawa lahat ng ritwal sa loob ng limang minuto bago lumabas at nagbihis. Wala na akong pakialam kung hindi maganda tignan ang damit na napulot ko basta nakapagdamit.

Bumaba na ako at naabutan ko sina Teirra at tsaka sina mama na nagpapa-home service sa mga buhok nila. Nilingon nila ako at ngumiti and mag-ina.

"Oh, Patrick anak? Gising ka na pala. Aalis ka ulit? Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni mama.

Sumagot ako. "Kakain pero hindi na rin ako magtatagal. Baka makalabas na sila ng ospital bago pa ako makarating e," sagot ko at agad na umupo sa lamesa at nagsimulang kumain.

Nagtaas naman ang kilay ni mama.

"Ang bilis naman nilang makalabas?" tanong niya.

I shrugged, "Noong isang araw pa rin naman kasi yan inayos ni tita ang bill."

Tumango-tango siya. "Ah... Okay. O'sya, bilisan mo na diyan at nang makahabol ka pa. Umuwi ka dito bago magmadaling-araw ah? Masama na 'yang parati ka nalang sa ospital nakatambay. Baka mahawaan ka pa ng sakit doon," paalala niya.

Nilunok ko muna ang panlimang subo ko bago sumagot. "Yes ma."

"Good," sagot niya.

Hindi na ako tumugon bagkus ay binilisan na lamang ang pagnguya.

Saktong alas-kuwatro ng hapon ako nakarating sa ospital dahil sa traffic. Agad ko namang tinawagan si tita.

"Hello, hijo?" bungad niya matapos sagutin ang tawag.

Palinga-linga ako sa kapaligiran.

"Nasaan na po kayo tita? Nandito na po ako sa labas ng ospital tita. Hihintayin ko nalang po kayo at ako na ang maghahatid sa inyo pauwi sa bahay niyo," sabi ko.

"Ay talaga ba, hijo? Osige. Makakapaghintay ka pa ba ng mga ilang minuto? Titignan muna siya ng doktor bago lubusang makalabas. Wag ka nalang umakyat dito. Diyaan ka nalang ha," sabi niya.

Tumango ako na para bang nakikita niya.

"Sige po, tita," sagot ko at pinatay niya na ang tawag.

Pumasok ulit ako sa sasakyan ko at naghintay na lamang sa loob. Makalipas ang kalahating minuto ay nakita ko na agad silang inaalalayan ng mga nurse kaya bumaba na rin ako para tulungan sila.

"Ako na po dito, tita," sabi ko at sinubukang kunin ang mga gamit na dala niya.

Umiling siya.

"Hindi na, kaya ko na 'to. Ang mas mabuti pa, tulungan mo nalang ang dalawang nurse na isakay sa likod ang anak ko," suhestisyon niya at nilingon ko naman ang dalawang lalaking nurse na nag-aalangan sa pagbuhat kay babe.

Tumango ako kay tita tsaka nilapitan ang dalawang nurse at nginitian sila.

"Thank you for the concern, pero kaya ko na 'to mga dre. Salamat," sabi ko at inakay nang dahan-dahan si babe papasok ng kotse.

Sunod namang sumakay si tita sa harapan kung kaya't pumasok na rin ako. Nilingon ko ang dalawang nurse at muling nagpasalamat sa kanila.

Pinaandar ko na ang sasakyan bago nagmaneho patungo sa bahay nila.

Alas singko na ng hapon nang makarating kami sa bahay nila. Sobrang traffic kasi e.

Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan si tita at hinintay siyang kunin ang sariling wheelchair ni babe sa loob ng bahay nila. Tinitigan ko si babe na mahimbing na natutulog.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now