Special Chapter 1: Our First Time

42 0 0
                                    

"Tangina mo, Klent," anas ni Mark habang papasok kami sa new school namin. Tinignan ko ang bago naming eskwelahan.

Maganda naman ang CXIU, marami rin siyang buildings. Isa ata siya sa pinakamalaking paaralan sa Pinas. Ang sabi pa ng iba, ang CXIU raw ang Pinas version ng Harvard. Naiisip ko rin naman na medyo tama rin sila. 65% lang ang acceptance rate dito, kahit may pambayad ka pa. Himala nga at nakapasa pa ako, e.

Tumawa si Klent at maya-maya ay napatigil din dahil sa pasa niya sa mukha. "Ito naman! Shift ka na lang bukas..." sabi niya pagkatapos niyang pagtripan si Drei at Mark.

Napangisi si Art, "Bakit kasi si Klent pa inutusan niyong mag-enroll sa inyo, e alam niyo namang tarantado 'yan," sabi niya at natawa. "Tignan niyo tuloy, nasa BS Accountancy ka tuloy, Drei."

"I'm not even good at math. How am I gonna pass that course?" bulong ni Drei, kahit pa narinig naman naming lahat.

"Sa'n si Kiel? Ano 'yon? Absent agad siya, first day pa lang?" tanong ko habang papasok kami. Tumabi naman sa 'kin si Klent at inakbayan ako.

"Nasa Italy pa ang Kiel the great niyo," sagot niya.

"Walang may pake, Villaflor, tangina mo," mura ni Mark. Kanina pa talaga siya bad trip nang malaman na sa ibang course siya ni-enroll ni Klent. Hindi niya kasi pala tinignan ang iyong enrollment slip na binigay sa kaniya ni Klent at kahapon lang ni-check.

Humagalpak ng tawa si Klent na nakapagpaani ng atensyon sa amin. "Ang sungit mo naman, Bautista. Huwag mo na lang isipin 'yan, okay?" sambit nito at lumapit sa kaniya para siya naman ang akbayan.

"Kung iniisip mong tanga ka, isipin mo na lang si Patrick," dagdag nito at tinuro ako. I glared at him. "Siya na nga mismo nag-enroll sa sarili niya, sa maling course pa siya nagpa-enroll," saad nito at muling malakas na tumawa.

Hindi ko mapigilang matawa. Ang tanga nga rin naman kasi talaga ng nagawa ko.

Umirap si Mark at inalis ang akbay niya. "Wala akong pake. Nasa isip ko pa rin kung bakit nasa Business Administration ako naka-enroll ngayon, e mag-dodoktor ako, tangina," sabi niya.

"Alam kong naiinis ka ngayon, Mark. Pero nakakarindi na pagmumura mo. I'm not used to it. Stop it," sabat ni Drei.

Sa sobrang layo ng parking lot ng CXIU sa gate, ngayon pa lang kami nakapasok. Isa-isa naming tinignan ang enrollment slip namin. Doon kasi nakalagay ang building number namin, password at email namin sa school website, tsaka iba pa.

"Bldg. 72 sa 'kin," sambit ko at tinignan sila para malaman kung anong number ang sa kanila.

"Bldg. 101 sa 'kin," sagot naman ni Art. "Ang layo. Ilan ba building dito sa school na 'to?"

"Mga 12 main building ata sila, dre. Malalaki pa naman agwat ng bawat building dito," aniya Mark. Una na siyang naglakad. "Maghiwa-hiwalay na tayo. Malapit na time. Mahuhuli tayo sa orientation 'pag hinatid pa natin isa't-isa."

"Yeah, I think that's a good idea," sunod ni Drei. Tumango naman sila Klent at Art.

"Teka lang," pigil ko. Lumingon sila. "Hindi ko alam saan 'yung building ko," sabi ko. Ngumisi si Art at tinapik ang balikat ko.

"Uso kasi um-attend ng school tour, dre," saad niya nag-thumbs sign pa. Napatulala na lang ako nang mabilis silang naglakad palayo at nawala sa paningin ko.

Tinignan ko ang relo ko. Malapit na mag-alas siyete y media. May orientation at opening pa sa auditorium sa oras na 'yan at hindi makakapasok kung wala iyong ID na nakakabit na sa loob ng locker namin.

Ang problema, hindi ko rin alam kung nasaan ang locker area ng campus na ito. Ang daming mga building para sa finance department ng admin, para sa students, at iba pa. Ang laki rin ng field nila tsaka gymnasium. Gusto ko pa sanang i-tour muna ang sarili ko kaso wala nang oras.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon