Chapter 13

15 1 0
                                    

It's been a week after I watched that video.

Unfortunately, or let's say, fortunately, the video got viral on facebook. Many also gave donations kaya naman mas lalong sumaya si tita. She said it on her latest post.

Alam ko namang mayaman sila but a little amount could help too.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Renoah.

I laughed then nodded, "Do I look like I'm not? Of course, I'm okay."

She sighed, "Are you sure? Kanina ka pa bumubuntong-hininga diyan e. Kinakabahan na kami."

Nagpalabas ulit ako ng tawa.

"Bakit ba kasi kayo nag-aalala diyan? I'm just stressed. Malapit nang matapos ang school year. Malamang, tambak ang gawain."

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. They all sighed when I smiled at them.

"There's nothing to worry about. I'm fine. I'm just stressed. You know, homeworks and shit. You guys should focus on our works too. Dalawang buwan nalang, tapos na ang school year," I calmed them down.

Ewan ko ba. Bakit ba kasi sila nag-aalala sa'kin?

Drei tsked, "You're so stubborn. But okay, sure."

Klent smirked, "Tara, dre. Hanapan nalang kita, chix."

Binatukan siya ni Renoah.

"Narinig mo ba sinabi niya? Focus nga daw sa school works, diba? School work ba 'yang chix? Bobo 'to," pambabara niya.

Binelatan lang naman siya ni gago.

"Ulol! Inggit ka lang hindi ka mukhang chix e!" pang-aasar niya na agad namang binatukan ulit ni Renoah.

Tumikhim naman si Kiel at agad na napatigil si Renoah.

"Sabi ko nga diba, tatahimik na..."

Agad na humagalpak ng tawa si Klent.

"Yaks! Under kay Kiel! Parang inuututan ko lang 'to e ta's magpapa-under ka diyan? Dapat lang!" at muling tumawa si tanga.

Tumayo na ako.

"Mauuna na 'ko mga gago. I still need to finish my report," paalam ko.

Kumunot ang noo ni Mark.

"Report? May report bang sinabi? Bakit hindi ko alam?"

I shrugged.

"Report 'to sa performance natin sa ospital. Kung nakapasa ka na, huwag mo nang problemahin 'yan."

Agad namang napatayo si Klent.

"Gago, kailan ba deadline nu'ng report?"

Napatigil ako sandali para mag-isip.

"Bukas daw. Kaya nga mauuna na 'ko. Kulang pa ng isang libo ang report ko," I said.

Ngunit bago pa 'ko makaalis ay marahas nang tumakbo si Klent.

"Putangina, una na 'ko mga pre! Shet! Wala pa 'kong nagagawa na report!" sambit niya habang tumatakbo.

Naghalakhakan kami.

"Ayan kasi, inuuna pa panunukso e," ani Art.

Ngumiti nalang ako.

"Sige na, una na ako ah. Ingat kayo," I bid my goodbye at lumabas na rin ng school grounds.


It's been a week since my mind got messier. Pakiramdam ko ay mababaliw na 'ko anytime. Tambak na 'ko ng gawain at masiyado na ring busy. I totally forgot about Cassi's case for awhile.

Behind His Smiles (Flawed Series #1)Where stories live. Discover now