Chapter 24

140 11 1
                                    

Tumalim ang kaniyang mga tingin at nangalit ang kaniyang panga nang makita mismo ng mga mata niya na buhay pa rin na nakalabas ang future Luna ng Bluemoon sa tunnel.

Hindi siya makapaniwala na nalagpasan nito ang mga tinawag niyang mga kaluluwa ng mga nilalang na namatay sa loob ng tunnel na iyon.

"Nakaligtas ka man ngayon sinisiguro kong mawawala ka na ng tuluyan sa susunod, dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para mangyari iyon," aniya habang nakamasid sa pagbuhat ng Alpha sa Luna.

AFTER TWO WEEKS

"Drix, may sugat lang ako pero hindi ako pilay," inis na sabi ni Scarlet kay Xandrix na karga-karga siya palabas ng naging kwarto niya sa loob ng dalawang linggo.

As usual Xandrix being himself, he doesn't listen. Siya na lamang ang sumuko sa kanila. Sighed heavily she leaned on Xandrix broad chest.

Two weeks in the hospital really did bored her. However, it also given her the time to think. Sa pag-iisip niya may hinala na nabubuo sa kaniyang isipan. Subali't wala siyang pruweba.

Later that day, nagpag-isipan niyang magpunta sa library ng pack house hoping that she can find something in the old books. Thankfully may mga lumang libro roon na naglalaman ng kasaysayan ng mga lobo. Ang kaso nga lang hindi niya makita ang hinahanap niya.

Patuloy siya sa pagpapalit-palit ng pahina hanggang sa tumigil siya sa isang interesanting pahina. May mga nakaimprintang larawan doon ng mga tao. "The Executions" iyon ang nakalagay sa itaas na bahagi ng pahina. Maraming larawan ang naroroon. Mga taong hinatulan ng kamatayan dahil sa paglabag ng mga ito sa batas ng dating pack ng Moonstone.

Isang partikular na larawan ang naiiba room. Apat na tao na nakatayo sa isang intablado gawa sa kahoy. Tatlong babae at isang batang lalake, may mga tali ito sa leeg at lahat sila nakapiring ang mga mata.

Anong ginawa ng mag-anak na ito para parusahan?

Napatingin siya sa nakasulat sa ibaba ng larawan.

The Execution of Cantini Family 'The Witch Family' in 1668.

1668?

Dalawang taon bago lusubin ni Eres ang buong pack ng Moonstone?

Napaangat ang tingin niya nang may kumatok sa pinto. Kaagad niyang isinara ang libro bago pa man makapasok ang kung sino.

"Nandito ka lang pala," anang boses mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. "You should be resting."

Napaikot niya ang mga mata sa sinabi ni Xandrix. Ang kulit talaga nito. Sabi na niyang ayos na siya pero ito OA na masyado.

"Resting is tiring," aniya.

"Fine," Xandrix sighed in defeat. "Kahit ano namang pilit ko 'di ka naman nakikinig e," sabi nito. Lihim naman siyang napangiti.

"Come on! Tanghali na, kailangan na nating kumain," anito sabay lahad ng kamay sa harapan niya. Napatingin naman siya sa wall clock. Tanghali na pala.

Inaabot niya ang kamay ni Xandrix at nagpahila dito. Then, an idea came in her mind.

Once she got up from her seat, she jumped on Xandrix. She wrapped her arms on his neck, while her legs was around his waist.

Nabigla man sa ginawa niya, maagap naman ito sa pagsalo sa kaniya.

"Come on! Move. I'm hungry," utos niya dito. Napatawa naman si Xandrix at nagsimula nang lumakad.

"Nasaan sina mommy?" tanong ni Xandrix kay manang Elda.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now