Chapter 11

131 12 0
                                    

Ibubuka na sana niya ang kaniyang bibig para magtanong nang biglang sumulpot ang isang staff ni Alfredo.
"Silver, oras mo na" sabi nito.

Agad naman siyang tumalima at iniwan ang lalaking may berdeng buhok.

...

Samantala, habang papalayo nang papalayo si Scarlet ay nakasunod naman ang tingin niya sa dalaga. Medyo nakahinga na siya ng maayos. Hindi kasi siya makahinga sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Mabuti na lang talaga napigilan niya pa ang sarili at ang kaniyang lobo na sunggaban ang dalaga.

"Bata," napaharap naman siya sa kaniyang likod nang may humawak sa balikat niya. Isang lalaking malaki ang katawan, kalbo at may malaking peklat sa mukha ang kaniyang nakaharap. Pagkaharap niya saka binawi Ang kamay nitong nasa balikat niya,"ikaw ang bago dito, hindi ba?" tanong nito habang humihit-hit nang hawak nitong sigarilyo.

Nabaling naman sa kaniya ang atensyon ng iba pang mga naroroon.
"Oo, ako nga" sagot niya sa mababang boses.

Tumango-tango ito habang pinasadahan ng buong tingin ang kabuohan niya.
"Ano naman ang tawag nila sa'yo?"

Palihim niyang inilibot ang tingin sa mga kasama niya. Parang mangangain ng tao sa talim ang mga tingin nito sa kaniya.

"Lycan" sambit niya.

"Oh, welcome to the death squad" ngisi nito. Kinuha nito ang isang kutsilyong malapit sa kaniya at maingat na hinaplos ang katawan nito. "Kung saan kamatayan ang isa't isa" pagkatapos bigla na lang nito iyon hinagis papunta sa kaniya. Agad niya itong naiwasan.

Shit, muntik na 'kong atakehin sa puso no'n ah.

Nagulat siya sa biglaang nangyari. Hindi niya akalaing lumaki ang kaniyang kabiyak sa ganito karahas na kapaligiran. Laging nasa hukay ang isang paa.

Alam ni Xandrix na kalukohan ang ginagawa niyang pagpasok sa trabaho ng kabiyak para lamang makita ito. Hindi naman talaga ito ang una niyang plano pero di na niya talaga matiis na hindi ito makita.

Nag-hire pa siya ng private investigator para lang malaman lahat ng tungkol sa kaniyang mata at halos lumuwa ang mga mata nila, siya, si Yancy at Ralph, nang mabasa sa report ng P.I. ang tungkol sa anim na taong pagiging underground fighter ni Scarlet. Source of income niya pala ang pakikipagbasagan ng bungo at pumatay kung kailangan para lang mabuhay. Napagtanto niya na rin kung bakit may mga piercing ito sa mukha at tattoo. Ang pagiging palaban nito noong nasa ospital sila.

Nakakalungkot isipin para sa kaniya dahil habang siya ay sunod ang luho ng mga magulang ang kaniya namang mate ay nagpapakahirap matugunan lamang ang sariling pangangailangan.

...

Matapos ang nangyari ay lumabas na lamang siya mula sa silid na iyon. Hindi talaga marunong magbiro ang mga bayolenteng tao dahil imbes papatawanin ka ay papatayin ka sa takot.

Kaya nagtataka o mas tamang sabihin curious siya kung paano ang isang eighteen years old ay siyang tinanghal na reyna ng lugar na ito. Gusto niya makita kung paano ito lumaban kaya naman agad siyang nagpunta kung saan naroon ang lugar para sa laban.

Nagkasiya na lamang siya sa isang sulok na panoorin ang kaniyang kabiyak na walang kahirap-hirap na pinatataob ang kalaban nitong mukhang nawalan na ng malay.

Nang matapos ang laban saka siya umalis sa gusali na iyon gamit ang kaniyang itim na 1999 Honda Civic. Balak niyang sumaglit sa paaralan na pagmamay-ari ng pamilya nila para kausapan ang Dean doon tungkol sa importanteng bagay.

...

"Oh, ayan na ang bayad" turo ni Alfredo sa bag sa taas ng mesa niya. "Akala ko pa naman magaling ang Drake na 'yon. Isang suntok lang pala tumba na" dismayadong saad ni Alfredo.

"Yeah, not a worthy opponent" sang-ayon naman niya. Hindi sa nanghihinayang siyang di siya natalo kundi para lamang nagsayang siya ng oras ang Drake na iyon. Ilang minuto lang ay taob na agad. "But thanks for the money anyway".

Tumango ito.
"Oo na, sige na baka ma-late ka pa sa school bukas" pagtataboy nito sa kaniya. Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Maliban sa mentor niya, isa rin ito sa nakakaalam sa pag-aaral niya. He's also a friend despite the age gap they have. Nasa late thirty's na kasi ang lalaki kaya para na niya itong kuya. Pero di niya iyon sinasabi rito.

Habang palabas ng gusali ay nakasalubong pa niya ang ilan sa mga fighter. Sa lahat ng mga fighter na hawak ni Alfredo, siya lang ang hindi nakikisakay sa mga ito kaya minsan nararamdaman niyang nagkakaisa ang mga ito sa pagkamuhi sa kaniya. Dagdag pa ang selos ng mga ito dahil sa pagiging malapit niya kay Alfredo. Napapansin kasi ng mga ito na paborito siya ng lalaki.

Nang makasakay sa kaniyang motorsiklo ay agad na pinausad niya ito patungo sa kaniyang bahay.

Matapos niyang maigarahe ang kaniyang sasakyan at makapasok sa kaniyang bahay ay agad niyang tinungo ang daan papunta sa kusina niya. Binuksan niya refrigerator niya, kinuha ang isang pack ng tocino at isang lata ng spam.

Nagsaing muna siya bago niya inilagay ang tocino sa kawali at lutuin. Nang maluto ang tocino ay inilipat sa isang plato habang hinahalo naman niya ang kaniyang sinasaing.

Pagkatapos ang ilang minuto ay naluto na rin ang sinaing niya. Naglagay siya sa kaniyang plato at saka sinimulang lantakan ang pagkaing hinanda.

Matapos niyang kumain at mahugasan ang pinagkainan niya saka lamang siya nagtungo sa kaniyang kwarto, naligo at nagpalit ng pantulog.

Pabagsak siyang nahiga sa kaniyang malambot na higaan. Ilang sandali pa na pakikipagtitigan sa kisame ay bumigat na rin ang kaniyang talukap at nagpatangay sa antok.

Habang nakangiting mukha ni Xandrix ang sumulpot sa kaniyang panaginip.

...

Kinabukasan, maaga siyang nagising. Magaan din ang kaniyang pakiramdam na kaniyang ipinagtaka dahil ngayon lang niya ito naramdaman. Ngunit agad din niya itong ipinagsawalang bahala nang wala siyang maapuhap na sagot.

...

Sa academy.

Wala namang pinagbago. Andoon pa rin ang mapanuring mga tingin at nangiinsultong mga ngisi ng kaniyang mga schoolmates at professor sa kaniya. Siya rin ulit ang naunang pumasok sa classroom nila.

Nag-ingay na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Mr. Prim and proper na professor nila. Nangunot ang noo niya dahil napakalapad ng pagkakangiti nito. Sa sobrang lapad parang mapupunit na ang kaniyang mukha.

"Good morning," bati nito sa kanila. Bumati naman ang mga kaklase niya maliban sa kaniya. Mas lalo siyang nagtaka kasi di siya pinansin nito na kadalasan nitong ginagawa.

Naengkanto siguro 'to.

"Come in, Mr. Alejandro and please introduce yourself to everyone" baling nito sa labas ng pinto. Natuon naman ang pansin nila sa kausap ng guro. Lahat na-curious kung bakit ang masungit nilang propesor ngayon ay parang batang nabigyan ng candy sa tuwang nakikita sa mukha nito.

Pumasok naman ang taong tinawag ni Mr. Prim and proper na Mr. Alejandro.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapag-sino ang bagong dating. Nakangiting nakatingin ito sa kanila hanggang sa kaniya na nakatutok ang mata nito.

Pasimple siyang napahawak sa kaniyang dibdib nang bumilis ang pagtibok ng puso niya.

"Good morning, everyone. I'm Xandrix Scott Alejandro from Moonstone. Nice to meet you all" masiglang bati nito sa lahat. Halos maghugis puso naman ang mga mata ng kababaihan habang nakatingin sa lalaki pati na rin ang  pusong babae nilang propesor.

___________________

Start na ng klase bukas😢
Good luck na lang sa 'kin❤️🥺

MOONSTONEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن