Chapter 13

115 14 4
                                    

Tila naumid ang kaniyang dila sa sinambit nito. Maraming emosyon ang naglalaro sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Ang puso naman niya ay walang tigil sa pagtambol.

"Mine, mate!" sigaw ng inner wolf niya.

Naguguluhan siya. Paulit-ulit na niyang naririnig dito at sa binata ang salitang iyon. Ano bang ibig sabihin niyon?

Marahas niyang ipinilig ang ulo. Hinarangan niya sa kaniyang isip ang kaniyang inner wolf at pinilit na alisin ang damdaming muli na namang umuusbong dahil kaharap niya ang binata.

Pinaseryoso niya ang kaniyang mukha at tuwid ang tayo na nakipaglaban ng titig dito.
"Anong pinagsasabi mo?"

May sakit siyang nakitang dumaan sa mga mata nito pero agad din iyong nawala. Kaya di siya sigurado sa nakita. Imahinasyon. Ngumiti ito at umiling.
"Wala, hayaan mo na 'yung pinagsasabi ko" tumalikod ito at naglakad papasok sa kaniyang kusina. "Nag-aalmusal ka pa pala" sabi nito habang nakatingin sa kaniyang lamesa. Humarap ito sa kaniya at  alanganing nginitian siya. "Pasensya na naisturbo yata kita".

She sighed and walk passed by him. Nakasunod naman ang mga mata nito sa mga kilos niya.

Humarap siya dito at nagtanong.
"Gusto mong kumain?" she asked, she saw how his face lit up, that actually made her happy. Tumalikod siya dito para itago ang ngiting kaniyang pinipigilan kanina.

"Pwede? Pakakainin mo 'ko?" di makapaniwalang tanong ni Xandrix. Malay mo, nagjo-joke lang siya.

Nagkibit-balikat naman si Scarlet at kumuha ng isa pang pinggan saka kobyertos. Nilagyan niya ng pagkaing niluto niya pagkatapos ay inilapag ito sa lamesa. Umupo ulit siya sa inupuan niya kanina bago dumating ang binata.

Magsisimula na sana ulit siya sa pagsubo ng mapansing niyang nakatayo pa rin si Xandrix sa harapan niya. Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ito ng kilay.

"Kakain ka o palalayasin kita?"

Nanlaki naman ang mga mata nito at dali-daling hinila ang upuan at umupo doon. Palihim siyang napangiti ng sunod-sunod ang naging pagsubo nito simula ng una nitong kinain ang hinanda niya, na para lamang sana sa kaniya. She doesn't share pero bakit okay lang sa kaniya na ibahagi dito ang luto niya.

Everything becomes weird since she met this importunate man. And she believe that it has something to do with that 'mate' thing. She has to know before her brain explode with so many question.

~~

Sabay silang pumasok ni Xandrix sa campus at parang sayang saya pa ang huli sa nangyari. Nakadikit pa ito sa kaniya habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang classroom. Kulang na lang talaga akbayan siya nito sa pagkakadikit nilang dalawa.

Salubong ang mga kilay niyang binalingan ang binata. Yumuko ito para makita ang mukha niya at parang naintindihan naman nito ang ibig sabihin ng tingin niyang 'yon. Lumayo naman ito, ng dalawang dangkal nga lang.

Pinagsawalang bahala na lamang niya iyon at muling itinutok ang tingin sa daan.

Nangunot ang noo niya ng makaramdam siya ng kakaiba sa paligid. Alam niyang may mali, di nga lang niya malaman kung ano 'yon. Inilibot niya ang tingin sa nadadaanan nila.

Himala yatang walang nakakapansin sa 'kin? Hindi ko rin naririnig ang pangalan ko na binabanggit nila.

Lahat ay abala sa kani-kanilang ginagawa at walang mga pakialam habang dumaraan siya. Hindi tulad ng dati na bulgarang ipinapakita sa kaniya ang pagka-disgusto ng mga tao dito. Ano kayang nangyari? Piping tanong niya habang nakatingin pa rin sa mga estudyante o guro na madadaanan at nakakasalubong nila.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now