Chapter 18

89 11 2
                                    

"Mom, dad?" tawag ni Xandrix sa dalawa na busy sa pakikipag-usap sa mga elder na kasama ng mga ito sa sala.

Sabay-sabay na bumaling ang mga ito sa kanila. Kaagad na tumayo ang mag-asawa at niyakap siya at ang kapatid.

"Hello, my babies," ani ng kaniyang ina. Alison Scott-Alejandro, his sophisticated and very beautiful mother. Hindi pa rin kumukupas ang ganda ng ginang, ganoon din ang ama ng tahanan, ang dating alpha ng Moonstone, si Xandrius Alejandro. Parang mga bata pa rin itong tingnan.

"We heard that you already found your mate. We're so excited for you. Your father and I flew immediately just to meet her. So where is she?" excited na turan ng ginang.

Habang si Scarlet ay kinakabahan na nakatayo sa tabi ni Xandrix. Pakiramdam talaga niya 'di siya tatanggapin ng mga ito.

"She's here, mom," sabi ni Xandrix sabay akbay nito sa kaniya. Kaagad na natuon ang mga mata ng mag-asawa sa kaniya. She saw how Xandrix mom look at her from head to toe. At sa tingin pa lang na ipinupukol sa kaniya ng ginang alam na niya na tama nga ang pakiramdam niya.

"This is Scarlet Haynes, my mate," may pagmamalaki na pagpapakilala ni Xandrix sa kaniya.

Napilitan siyang ngitian ang dalawa kahit napakaseryoso ng mga tingin nito sa kaniya.

"Good morning po, Mr. and Mrs. Alejandro," bati niya sa mga ito.

"Good morning," kaswal na bati sa kaniya ng ginang saka bumaling muli kay Xandrix. "Anak, mayroon nga pala akong ipakikilala sa 'yo. Halika," sabi ng ginang sabay hila nito sa anak.

"Mom, can we do that later. May pag-uusapan pa kami ni Scarlet," pagpipigil ng binata sa ina.

Huminto ito at hinarap ang anak. "It can't wait, anak, at saka ayos lang naman kay Scarlet na hiramin na muna kita, hindi ba, hija?" matamis itong ngumiti sa kaniya.

"O-Oo naman po," sabi niya, as if my choice siya.

Nginitian na lang niya si Xandrix ng nag-aalalang tumingin ito sa kaniya.

"Come on," aya ng ginang.

Wala ng nagawa pa si Xandrix ng hatakin na siya ng ina. But before he focus on his mother, he once again looked at her and mouthed 'later' to her kasabay pagkindat na naman nito.

"Tara, Luna?" pukaw sa kaniya ni Ralph.

Sabay silang tumalikod at iniwan ang pamilya ng Alpha at ang mga Elder.

"Gusto mong maglibot sa pack, Luna?" tanong ni Ralph matapos tuluyan silang makalabas ng living room.

"Nailibot na ako ni Dexon sa pack," sagot niya.

Napaisip ito at bigla ding napangiti.
"'Di ba cage fighter ka?"

Napatigil siya sa paglalakad at nagtatakang tiningnan ito. Paano iyon nalaman ng Beta ni Xandrix?
"Who told you?" malamig na tanong niya rito.

Napulunok ito habang nakatingin sa kaniya. "S-si Alpha," nautal sa kabang sagot nito.

Napa-facepalm siya. Hindi lang pala makulit ang isang 'yon, chismoso rin.

Napahinga siya ng malalim.
"Yeah, I'm a cage fighter. Ano naman ngayon?"

Ngumiti ito sa kaniya ng malapad.
"Come, Luna. I'll show you our training area for the pack warriors" aya nito sa kaniya.

Parang nabuhay ang dugo niya sa sinabi nito. Damn! She misses smashing things.
"Okay".

...

After a minute of walking, narating din nila ang lugar na halos kalahati ng isang soccer field ang lawak at haba. Maraming lalaking taong-lobo ang naroroon, mga pack warrior na nageensayo. Iba't ibang pamamaraan ng pakikipaglaban. Mapalumang sandata hanggang sa pangkasalukuyan. Pwedeng mamili ang sino man kung anong sandatang mas komportable silang gamitin.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now