Chapter 19

95 9 0
                                    

Scarlet went back to the training area and joined Ralph, who's now scolding the pack warriors. She walked towards them. Napansin naman agad siya ng mga ito at sabay-sabay na yumukod at sinambit ang pangalang Luna. Tinanguan niya ang mga ito saka bumaling kay Ralph.

"Saan ka nagpunta, Luna?" kaagad na tanong ni Ralph.

"Just somewhere," kibit-balikat na sagot niya rito. "Anyway, gusto ko lang itanong kung puwede ba akong manghiram ng mga kagamitan dito?".

"Bakit naman?" Salubong ang mga kilay na tanong sa kaniya ni Ralph.

"Mageensayo ako. May lugar na akong nakita malapit dito, doon na lang ako."

"Bakit? May 'di ka ba nagustuhan dito?" usisa pa nito.

"Wala naman. I'm just comfortable being isolated when practicing," pagdadahilan niya rito. Mukha namang naniwala ito sa sinabi niya.

"Kung iyan ang pasya mo, Luna," sabi ni Ralph. "Kailangan mo ba ng tulong?"

Umiling siya, "Hindi na. I can manage."

Tumango ito saka nagpaalam at muling nagbalik sa pagtuturo sa mga pack warrior. Habang siya naman ay busy sa pagkuha ng mga gagamitin niya sa pageensayo ng dalagang kaniyang nakilala.

Pabalik-balik siya sa dalawang lugar at unti-unting sine-set up ang mga kinuha niya para sa training. Nang matapos naman siya, nilisan muna niya ang lugar at umuwi sa pack house para makakain.

Nakasalubong pa niya si Yancy pagpasok niya sa pack house.
"Yancy?" tawag niya sa babae. Napansin niyang nabigla pa ito nang makita siya.

"O-Oh, Scarlet, ikaw pala," wika nito, may pagaalangan sa boses ng babae.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa ikinilos ng babae. Para itong wala sa sarili hindi tuloy niya mapigilang tanungin ito.

"Ayos ka lang?"

"H-huh? Oo naman," ngumiti ito pero alam niyang pilit iyon. Iba kasi iyon sa nakasanayan niyang ngiti ni Yancy. "Sige, Scar, alis na ako." Hindi na siya hinintay pang makapagsalita ni Yancy at tinalikuran na siya nito.

Nakakaramdam na naman siya ng kakaiba. Alam niyang may problema ito, baka tungkol sa pamilya iyon. Pinilit niyang alisin sa kaniyang sistema ang nararamdaman at tinungo na lamang ang daan papunta sa kusina.

Dahil wala siyang naabutang katulong doon ay siya na lamang ang nagluto ng kakainin niya. Busy siya sa pagluluto ng may bigla na lamang yumakap sa kaniya mula sa likuran. Sa lakas ng tibok ng puso niya at sa amoy nitong nilalasing siya, alam na niya kung sino ito.

May malambot siyang naramdaman na lumapat sa kaniyang pisngi kaya napilitan siyang lumingon dito. Ngunit ng ibinaling na niya ang mukha ay ang mga labi naman nito ang sumalubong sa kaniya.

Hindi naman iyon tumagal, mga ilang segundo lang saka inilayo ang mukha sa kaniya.

"Hi, babe."

Nalukumos ang kaniyang mukha habang nakatitig sa binata. Parang ang tamlay nito at kahit ang mga ngiti nito ngayon ay hindi na katulad kaninang umaga na halos umabot sa tainga.

"Anong problema, Xandrix?" deritsahang tanong niya sa binata.

"Problema? Anong problemang pinagsasabi mo?" anito na binuntutan pa ng marahang pagtawa. "Wala akong problema, babe."

Mariin niyang tinitigan ang binata. Napapalunok naman si Xandrix sa mala-lazer na mga mata ng kabiyak na nakatitig sa kaniya.

"You can't lie to me, Drix. You know I can feel anything you feel," panghuhuli nito sa kaniya.

MOONSTONEWhere stories live. Discover now